Chapter 12

47.5K 998 57
                                    

Dedicated to akashi_Seji747





Saktong pababa ang daddy Jon niya nang makapasok siya sa mansion nila. Nakita niya ang malapad ang ngiti nito nang makita siya.

"Daddy! How could you do that?! Bakit mo ako iniwan sa mall with Arthur?!" Naiinis niyang sabi sa ama.

"My baby! How was your date? Did you enjoy Arthur's company?" Balewalang tanong nito sa kanya at humalik pa sa magkabilang pisngi niya.

"Paano ako mag-e-enjoy eh iniiwasan ko nga yong tao. At saka ang boring kayang kasama 'nun." Reklamo niya sabay pamewang sa harapan nito.

"Are you sure?" Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.

"Alright. I enjoyed a little bit. It was fun to make a fool out of him daddy. Really fun." Sabi niya dito at hindi maiwasang matawa nang maalala ang mga pinagagawa niya kay Arthur kanina.

Dahil naka-suit ito ay pinagsuot niya ito nang kulay itim na statement T-shirt at may nakasulat na "Kiss me for free" para sa 'date kuno' nila. Nang makita nito ang pinili niyang T-shirt dito ay katakot-takot na pagtanggi ang ginawa nito dahil ayaw nitong isuot iyon.

Pero hindi niya ito tinigilan hanggang sa napapayag niya itong isuot ang damit. Tuloy ay hindi niya mabilang kung ilang babae ang lumapit dito para sana humalik pero magalang nitong tinatanggihan ang mga iyon. Tinatawanan lang niya ito tuwing nalulukot ang mukha nito dahil sa kakulitan nang ibang babae.

Naroong paulit-ulit niya itong pinapabili nang ice cream dahil abala siya sa paglalaro nang video games sa Game planet nang mall. Aaminin niyang ang cute nitong tingnan tuwing napapakamot nalang ito sa buhok dahil sa mga inuutos niya. Kung bakit ito sumusunod ay hindi niya alam.

Pagkatapos niyang magsawa sa paglalaro ay kinaladkad din niya ito sa lahat nang boutiques na nakakakuha nang pansin niya. Wala naman siyang planong bumili pero gusto lang niyang pahirapan si Arthur. Ilang oras din itong nag-antay sa kanya dahil papalit-palit siya nang damit sa fitting room. Naaliw siyang tingnan itong nabo-bore sa pinagagawa niya.

At ang huli nga ay nang matapos silang kumain. Nagyaya na itong umuwi na sinang-ayunan naman niya. Alam niya kung ano ang itinatakbo nang utak nito, na may plano ito kaya bago pa siya madala ni Arthur sa kung saan ay tinakasan na niya ito.

Nagdahilan siyang nananakit ang paa niya kaya sinabi niyang maghihintay nalang siya sa entrance nang mall. Pero kakatalikod palang nito ay mabilis na siyang kumaripas nang takbo at pinara ang bakanteng taxi na nakasalubong niya at nagpahatid sa mansion nila. "Oh shittt! Si mamang taxi driver naghihintay sa labas. Hindi pa nga pala ako nakapagbayad dahil puro cards lang dala ko." Ughhh! Ang tanga ko lang!!!

"Dad can you pay my taxi bill.
Nandoon pa sa labs ang taxi na sinakyan ko." Sabi niya sa ama.

"Why did you take a cab baby? Where's Arthur?" Naguguluhan sabi nito.

"Iniwan ko sa mall. Bahala nga siya manigas 'dun." Sabi niya sa ama at tinalikuran ito.
"Ikaw na bahala sa taxi daddy okay? Aakyat na ako. Medyo napagod ako." Sabi niya dito at hinalikan pa ito sa magkabilang pisngi bago siya umakyat sa ikalawang palapag nang bahay kung saan naroroon ang kwarto niya. Hindi na niya nakita ang kakaibang ngiti sa labi nang ama.

Nang makapasok siya ay agad niyang ibinagsak ang katawan sa malambot at malamig na kama. Bumalik ang ala-ala niya sa nangyari kanina.

Lahat nang tao sa paligid nila ay namamanghang nakatingin kay Arthur na para bang isa itong artista. Sinusundan nang mga ito ang bawat galaw nang lalaki. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil kahit anong tanggi pa ang gawin niya sa sarili ay talagang gwapo ito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now