Chapter 20

42.2K 913 90
                                    

Dedicated to @yanzkyo




(A month later)




Nagising si Jeanna nang mahina siyang yugyugin nang mga mumunting kamay. Sumampa pa ito sa kanya at doon humiga sa ibabaw niya.

"Mommy wake up!" Pag-gising nito sa kanya at pinaghahalikan pa ang buong mukha niya kaya tuluyan na siyang nagising at nabungaran ang pinakamanggandang mukha nang anak niya.

Still have his messy hair and his gray eyes shines habang natatamaan iyon nang sinag nang araw na sumisilip sa nakabukang curtina sa silid nila nang asawa niya.

"Good morning love. Ang aga mo nagising." She said and run her fingers in his son's long and shiny
hair. Amoy bagong paligo ito kaya niyakap niya ito nang mahigpit at sinamyo ang mabangong amoy nito.

"Mommy its already nine AM. And you promise me I can go to Tim's house. Can I go now?" Malambing na sabi nito sa kanya.

Nakapikit na siya ulit ngunit nang maintindihan ang sinabi nang anak ay nanlaki ang mga mata niyang napatingin dito.

"Is it nine already baby? Ba't ngayon mo lang ako ginising.?" Bigla siyang bumangon at yakap ang katawan nang anak na ibinaba niya ito sa kama.

"Daddy told me not to wake you up po. Your tired daw because you help him work yesterday." Pagpapaliwanang naman nang bata at ngumiti pa sa kanya.

Nakakahiya tinanghali na naman siya nang gising. Pupunta pa naman siya ngayon sa office ni Arthur dahil ihahatid niya ang mga papeles na ipina-type nito sa kanya kagabi. Nag-insist kasi siyang tulungan ito nang maabutan niya ito sa library nang madaling araw.

Sa pangungulit niya ay pumayag din naman ito kaya nakatulong siya dito kagabi. Sinabi din nitong siya na ang maghatid nang mga iyon na ikinatuwa pa niya dahil makakapunta na siya sa opisina nito. Hindi lang iyon. Matapos nila ang ginagawa sa library ay hindi niya napigilan itong angkinin siya doon hanggang sa kama nila.

Simula nang maikasal sila ay walang gabing hindi siya nito naangkin. Buti nalang ay soundproof ang kwarto nito. Tiyak na naririnig nang buong kabahayan ang mga sigaw niya sa mga pinagagawa ni Arthur sa katawan niya.

Pinamulahan siya nang mukha sa mga naiisip na mainit na tagpong pinagsasaluhan nila nang kanyang asawa.

Napatingin tuloy siya sa anak niyang matamang nakatitig sa kanya. Nangingiti din ito kaya nginitian din niya ito at pinaghahalikan ang buong mukha nito.

"You can go to Tim's house na baby. Bring the cookies I bake last night okay." Sabi niya dito matapos niya itong lambingin.

"Okay thank you mommy." Nagmamadali itong umalis sa masters bedroom at nagtatakbong lumabas nang silid nila.

Napailing-iling nalang siya dito. Si Tim ay anak nang kapitbahay nila na naging kaibigan at laging kalaro nang anak niya. Nagpaalam itong sa bahay nang kalaro pupunta kaya pinayagan niya.

Kilala na niya ang mga magulang ni Tim mula nang lumipat silang mag-ina sa bahay ni Arthur sa Heyrana's Village nang minsang tulungan niya si Tim nang bumagsak ito sa baldosa sakay nang bike nito.

Labis na pasasalamat nang mga magulang nito at simula noon ay naging close na niya ang mga magulang ni Tim.

Natuwa naman si Arthur at kahit papaano ay may kakilala na siya at may kalaro na ang anak nila sa village.

Hinubad na niya ang suot na pantulog at akmang papasok sa bathroom nang marinig niyang nag-iingay ang cellphone niya.

Nang tingnan niya ang pangalan nang tumatawag ay biglang may nagrigondon sa dibdib niya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now