Chapter 31

33.8K 847 67
                                    

Dedicated toMirasolHonda





Papasok palang siya sa fastfood restaurant na napagkasunduan nilang kitaan nang kuya Poldo niya ay natanaw agad niya ito na nakapuwesto malapit sa salaming dingding nang naturang kainan.

Biglang nanigas ang kalamnan niya nang makitang nasa tabi nito ang mama Lydia niya. Parang may naghahabulang kabayo sa lakas ng kabog sa dibdib niya. Pakiramdam din niya ay kakapusin siya nang hininga. Bigla kasing bumalik ang lahat nang pait at sakit na naramdaman niya nung pinalayas siya nito. Hindi sinabi nang kuya Poldo niya na kasama nito ang mama nila kaya hindi niya napaghandaan ang mararamdaman. Masyado siyang nagulat.

Ilang taon na din ang lumipas noong tinalikuran at pinalayas siya nito pero kailanman ay hindi niya iyon nakalimutan. Ang sakit ay nakabaon sa kasuluk-sulukang bahagi nang puso niya na ngayong nakita ang ina ay unti-unting lumalason sa dibdib niya. Nakita man niya ito sa ospital 'nung naratay ito ay natitigan lang niya ito sa malayo at hindi sila nagkaharap.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayong magkakaharap na sila. Gusto pa sana niyang umatras pero huli na dahil natanawan na siya nang mga ito.

Seryoso lang ang mukha nang mama niya na nakatitig sa kaniya na tila tinatanaw pati kaluluwa niya kabaliktaran nang mukha nang kuya Poldo niya na halos mapunit na ang labi sa laki nang pagkakangisi. Kumaway pa ito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang lumakad palapit sa mga ito.

Pakiramdam niya ay para siyang isang species na tinitingnan sa ilalim nang microscope sa pagkakatitig nang mama Lydia niya kaya tuloy ay bigla siyang nag-alangan.

"Jeanna. Kanina ka pa namin hinihintay. Isinama ko na si mama dahil alam ko namiss mo na din siya. Naikwento ko na sa kanya na nagkita tayo doon sa bar na pinagtatrabahoan mo." Sabi agad nito nang makaupo siya sa kaibayong silya kaharap nang sa mama niya.

Nang tumingin siya sa mga mata nang ina ay parang gusto na niyang bawiin ang tingin dito. Parang humihiwa sa kalamnan niya ang talim nang pagkakatitig nito sa kanya. Nanginig pa ang mga kamay niya na nakatago sa ilalim nang lamesa. Piping naidasal niya na sana ay bumuka ang sahig at lamunin nalang siya.

"Hindi mo man lang ba babatiin si mama Jeanna?" Tila nananadya pang sabi nang kuya Poldo niya. Sa paningin niya ay tinubuan na ito nang mga sungay sa pagkakangisi. Alam niyang sinadya nito ang pagdala nito sa mama nila para magkaharap sila. At hindi niya iyon nagustohan.

"K-kum-usta ka na m-ma-ma?" Nag-aatubiling tanong niya dito. Tila may mapait na likido sa bibig niya matapos sambitin ang salitang mama.  Matagal na niyang kinimkim ang hinanakit at pait sa dibdib kaya para iyong lason sa pagkatao niya na unti-unting kumakalat.

"Maayos na man na ako. Eto buhay pa. Salamat sa perang bigay mo." Nakaismid pang sabi nito. Tila ba isang sumpa ang nagawa niyang pagtulong para dito na hindi naman mangyayari kung hindi sila nagkita at hingan nang tulong nang kuya Phil niya.

Pero kahit gayun ay alam niya sa sarili niya na kahit na ano pa ang nangyari noon kung malalaman niya na nangangailangan ito ng tulong ay tutulong siya sa abot nang makakaya niya.

Unti-unti na rin siyang naiinis sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit nangingilag siya sa ina na kung tutuusin ay siya naman ang naagrabyado nang mga ito. Siya ang pinalayas at basta na lang pinabayaan kahit kalalabas lang niya noon nang ospital. Mas pinaniwalaan pa nito ang ibang tao kaysa sa kanya na laman at dugo nito. Sadyang ang pagkakataong iyon lang ang hinintay nito para maidispatsa siya sa buhay ng mga ito. Kung hindi siguro sa tulong ni Dayana at nang daddy niya ay baka wala na siya sa mundong ito. Baka naulila na ng lubos ang anak niyang si Andrei.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now