Chapter 21

38.5K 892 73
                                    

Dedicated to lovisminda

Video Clip above is my Jordan Saavedra ❤❤❤❤







Chapter 21

Hindi na niya maalala kung paano siyang nakapagpaalam kay mang Kanor na may pupuntahan pa siya para mauna na itong umuwi at makatawag sa bahay nila para ipaalam kay nanay Nina na ito muna ang bahala kay Andrei dahil may pupuntahan pa siya.

Nandito sila ngayon ni Jordan sa isang kilalang kainan malapit lang sa Steinberg Building matapos nilang magkita sa elevator nang nang gusali. Bigla nalang siyang bumulalas nang iyak dito at hindi niya malaman kung ang dahilan ay ang nakaraan nila o ang tagpong nasaksihan sa loob nang opisina ni Arthur. Dali din namang umalalay si Jordan sa kanya at iginiya siya papasok sa elevator hanggang sa makalabas sila. Wala parin siyang imik habang sumunod lang ditong maupo sa napili nitong table malapit sa glass window.

Malaki na ang ipinagbago nito at hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa Steinberg building. Mukha na itong mayaman at negosyante sa suot nitong itim na suit na may necktie. Kung hindi pa nga niya natitigan ang mukha nito kanina ay hindi niya makikilalang ito ang dating nobyo. Wala na ang dating Jordan na kilala niya na palabiro, palangiti at mahangin. Medyo seryoso na ito at nagmature na din ang features nito na lalo lang nagdagdag sa kagwapohan nito. Pati ang suot nito ay malayo sa itim na T-shirt at maong pants n may sira-sira na laging suot nito noon. Nagmukha itong isang executive ngayon malayong-malayo sa nakilala niyang Jordan noon.

Pinakiramdan niya ang sarili habang nakatitig dito kaya napagtanto niyang naroon parin ang kaba na nararamdaman niya tuwing nagkakalapit sila katulad nang dati. Tila nahihipnotismo pa rin siya sa kulay bughaw nitong mga mata na unang nakakuha nng pansin niya noon. Hindi tuloy niya napigil ang pagtatanong sa isipan.

"Mahal ko pa ba siya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? NO!--- Hindi maari!!!!"

Nagtatalo ang isip niya. Hinfi na niya dapat nararamdan ang ganoon kay Jordan. Dapat lang na kamuhian niya ito dahil sa mga ginawa nito sa kanya at pinagdaanan niya. Pinaglaroan lang nito ang kanyang damdamin.

Alalang-alala pa niya ang pakikipagpustaan nito sa mga kasamahan nila noon para lang mapa-ibig siya at ang naging bunga nang pagkakaloob niya dito nang lahat sa kanya.

Bunga na hindi rin nagtagal sa sinapupunan niya dahil sa kapabayaan niya. Dahil sa sakit na ipinaranas nito sa kanya kaya hindi man lang niya namalayang nagdadalang tao siya at sa huli ay nakunan. Para siyang pinagsakluban nang  buong daigdig sa sobrang sakit at hirap na pinagdaanan niya.

Kung tutuusin ay mas malala pa ito kay Arthur. Ang huli ay pinakasalan siya dahil sa anak nila at wala naman silang kasunduan na hindi ito mambababae at wala naman silang pagmamahal sa isat-isa gayong itong magaling na lalaki sa harapan niya ay pinaglaroan at ginamit lang siya. Tinalikuran siya nito at ipinahiya sa lahat nang mga kakilala nila gayung may kasintahan na pala ito at ikakasal na.

Tumalim ang mga mata niyang nakatitig dito nang magsimulang manumbalik lahat nang sakit na naramdaman niya na kagagawan nito.

"B-Baby----Jeanna...Kumusta ka na?" Parang nag-aalinlangan pa nitong tanong sa kanya.

Diretso niyang sinalubong ang titig nito para makita nito ang poot na nanahan sa kanyang dibdib.

"Nagawa mo pang itanong 'yan sa lahat nang mga nagawa mo sa akin at sa lahat nang kahihiyan at hirap na pinagdaanan ko matapos mo akong paglaruan?" Matigas na boses niyang sabi dito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now