Chapter 37

34.4K 778 70
                                    







Maagang nagising si Jeanna nang umagang iyon. Himala at hindi siya naduduwal at maayos ang pakiramdam niya kaya agad siyang naligo at nagbihis nang simpleng yellow sundress at tinernohan iyon nang yellow ding flat sandals.

Dalawang linggo na rin siyang namamalagi sa New Wave Resort and Spa sa Subic na pagmamay-ari ng pamilya ni Azul. Ang babae ang namamahala doon kaya wala siyang problema sa pamamalagi niya doon. Pero imbes na sa mismong hotel sa resort na iyon siya mamalagi na inilaan ni Azul para sa kanya ay pinili niya ang isa sa mga cottage na gawa sa purong kawayan at nipa ang pamalagian.

Kumpleto naman iyon sa mga gamit tulad nang malapad na kama, maliit na mesa, electric fan na hindi naman niya nagagamit dahil malamig doon lalo na kapag gabi, may sofa set na gawa rin sa kawayan. Nilagyan lang iyon nang malambot na kutson kaya para na ding sofa. May sariling banyo din sa loob niyon at may lutuan at maliit na ref na puno nang iba't-ibang inumin at pagkain.

Hindi iyon basta-bastang cottage lang. Halatang sinadya ang pagkakagawa na iyon para sa mga gustong mag-stay doon nang pangmatagalan.

Nang makita niya ang isa sa mga iyon ay sinabi agad niya kay Azul na gusto niyang doon mamalagi. Ayaw pa sana nitong tanggapin ang bayad niya pero ipinilit talaga niyang magbayad. Nakakahiya naman kasi dito kung libre ang pagtira niya doon.

Ang ginawa nalang nito ay binigyan siya nang fifty percent discount at libre siya sa pagkain dahil magkaibigan naman na sila. Pinaluguran nalang niya ang kagustohan nito at ipinagpasalamat ang lahat.

Ngayon nga ay ikadalawang linggo na niyang pananatili doon. Sumasagi pa rin sa isip niya ang mga nangyari sa kanila ni Arthur pero dahil siguro sa kagandahan nang lugar na iyon ay nabawasan ang kalungkutan niya. Aaminin niyang nakabuti ang lugar na iyon para maibsan ang sakit na kanyang dinadala.
Nang masilayan niya ang lugar ay agad siyang nabighani doon. Tila gusto na niyang manatili nalang doon habang buhay kahit alam niyang hindi maaari. Babalik at babalik din siya sa lungsod.. Napapanatag ang kalooban niya tuwing lumalanghap siya nang maalat-alat na simoy nang hangin.

Nakapag-isip na din siya nang maayos. Ngayon ay tila nawala na ang galit niya kay Arthur. Nasasaktan man siya sa nangyari sa kanila ay hindi niya ito sinisisi sa kabiguan niya. Siya lang naman ang umasa na mahal din siya nang asawa niya dahil sa mga ipinapakita at ipinaparamdam nito sa kanya.

At ipinag-papasalamat na rin niya ang panahong nakasama niya ito dahil sa totoo lang ay  iyon na ang mga pinaka-masayang araw nang buhay niya.

Ngayon ay kaya na niyang harapin ang lahat. Tanggap na niya ang kinahinatnan nang pagsasama nila kaya hindi na masyadong masakit para sa kanya. Atleast ay may koneksyon parin sila ni Arthur dahil sa anak at sa magiging anak pa nila.

Pero pansamantala ay mananatili na muna siya doon. Nag-eenjoy pa siya sa bagong trabaho niya bilang cashier sa bar restaurant nang resort.

Nung una ay hindi pumayag si Azul na magtrabaho siya doon. Ipinilit lang niya dito na kunin siya bilang kahalili pansamantala nang isa sa mga cashier nito dahil nagleave para maalagaan ang inang maysakit. Pero kalaunan ay napapayag din niya ito. Kaysa naman magmukmok siya sa loob nang cottage niya. Natuwa na rin ito dahil hindi na nito kailangan maghanap nang papalit sa cashier na mapagkakatiwalaan nito. 

Nang lumabas siya nang tinitirhang cottage ay agad humalik sa balat niya ang malamig pang simoy nang hangin. Nang tingnan niya ang relong pambisig ay alas sais pa pala nang umaga.

Dahil alas siyete pa ang pasok niya ay may isang oras pa siya para maglakad-lakad sa tabing dagat. Gusto pa sana niyang maglunoy pero nakabihis na siya kaya maglalakad-lakad nalang  muna siya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now