Chapter 33

30.6K 771 90
                                    

A/N: Good evening my dear readers. Kung nagtataka kayo kung bakit nauna ang Author's Note iyon po ay dahil gusto kung mabasa ninyo ito.
Na feel ko lang po ang nararamdaman nang ibang author tuwing nilalait yong mga characters nila. And yes!! Nasaktan po ako sa mga masasakit na comments ninyo patungkol kay Jeanna. Parang anak ko narin kasi ang mga characters ko kaya medyo apektado ako sa mga pangit na sinasabi ninyo sa kanya.
I just want you to know guys na kathang isip ko man lang si Jeanna ay hindi rin siya perpekto. Katulad lang natin siya na nagkakamali. Bago sana ninyo laitin ang characters ko ay sana alam ninyo sa sarili ninyo kung malinis o nagmamalinis lang kayo. We are not perfect pero hindi magandang kaugalian ang maging mapanghusga nang kapwa. What you say reflects of what you are.

Anyway salamat sa lahat nang mga nakakaintindi nang flow sa story na ito. This story is also an eye opener that we are not perfect. Malapit naman na itong matapos so pagtyagaan nyo na lang. Or kung ayaw ninyo its okay if you stop reading this story it won't hurt me! 😛 Thank you and happy reading! ❤❤❤





Chapter 33

Madali lang natapos ang meeting niya sa mga board members kaya agad siyang lumabas at tinungo ang opisina niya. Tatawagan niya si Jeanna para paputahin ito sa restaurant kung saan may ipina-reserve siya para sa lunchdate nila.

Pero nang makapasok siya ay agad niyang nakita ang new hired secretary niyang si Luna at Carla na nagbabangayan.

Gusto niyang matawa sa naabotang eksena. Pinipilit kasi na palabasin ni Luna si Carla na kampanting nakaupo sa couch sa loob nang office niya. Si Carla ay isa sa mga ex girlfriend niya na anak nang isa sa board of directors sa kompanya niya. Madali lang natapos ang relasyon nila nang malaman nila sa isat-isa na walang kapatutunguhan ang relasyon nila. But they stay friends for a long time.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now