Chapter 32

32.9K 720 40
                                    

Dedicated toalfranse





Masayang nagbibihis si Jeanna matapos makaligo nang umagang iyon. Nakaalis na si Arthur nang magising siya at nag-iwan lang ito nang tatlong tangkay nang pulang rosas sa bedside table na may kalakip na note na nakaalis na ito papuntang opisina. Ibayong saya ang pumuno sa puso niya at napasigaw pa siya sa sobrang kilig kaya tuloy ay humahangos na napasugod sa kwarto niya si nanay Nina sa pag-aakalang may nangyaring masama sa kanya.

Tinawanan lang niya ang huli at napailing-iling nalang ito sa ginawa niya.

Labis ang kasiyahan niya nitong mga nakaraang araw matapos ang tagpo na nangyari noon sa pagitan niya, ni Arthur at nang pamilya niya.

Nagkausap na silang mag-asawa tungkol sa nakaraan at napagpasyahan nilang kalimutan na iyon dahil mas importante ang ngayon at ang anak nila na si Andrei.

Pinaimbistigahan pala ni Arthur ang kuya Poldo niya at ang mama Lydia pati na ang kuya Phil niya kaya alam nito ang lahat nang tungkol sa pamilya niya. Nalaman niyang nagkita na din pala ang kuya Poldo niya at si Arthur at kinausap nito ang kuya niya na huwag nang makikipagkita sa kanya kapalit nang malaking halaga.

Pero dahil sa bisyo at sugal ay walang kinapuntahan ang pera. Nagkandautang-utang ulit kaya balak sana na perahan siya. Pero dahil may pasimpleng nagbabantay sa kanya na kinuha ni Arthur ay nalaman nga nito ang pakikipagkita nang kuya Poldo niya.

Nalaman din nang daddy niya ang tungkol sa nangyari kaya nagalit din ito sa mama niya at kinausap ang huli para matapos na rin ang alitan nang mga ito na may malalim palang pinag-ugatan. Kung ano ay hindi na niya nalaman dahil ayaw sabihin nang daddy niya. Masaya na din siya kaya hindi na niya pinag-aksayahan nang panahon na alamin ang tungkol sa bagay na iyon. Tapos na ang kabanatang iyon nang buhay niya at na gusto nalang niya ngayon ay ang maging masaya kasama ang anak niya at si Arthur.

Ang huling balita niya sa pamilya niya ay umuwi na ang mga ito pabalik sa Batangas. Nag-asawa na ang kuya Phil niya at na-rehab ang kuya Poldo niya.

Panahon nalang ang makakapagsabi kung kailan niya ulit haharapin ang mga ito. Pero sa puso niya ay napatawad na niya ang mga ito. Masyado na siyang masaya ngayon sa buhay niya para magkimkim pa nang galit at hinanakit sa dibdib.

Napangiti nalang siya nang maisip si Arthur. Nalaman niya kay nanay Nina na karaawan na pala nito sa susunod na araw. Gusto niyang tanungin ito kung ano ang gusto nitong gawin sa kaarawan nito. Ang gusto kasi niya ay magkaroon nang konting salu-salu sa bahay nila. Mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang iimbitahin para maging espisyal naman ang kaarawan nito.

Nalaman din kasi niya sa matandang kawaksi na simula nang mawala ang mommy at daddy ni Arthur ay hindi na ito naghahanda para sa kaarawan nito.

Gusto niyang ibahin sa taong iyon. Gusto niyang iparamdam kay Arthur na kahit wala na ang pamilya nito ay naroon naman siya at ang anak nila. May iba pa naman silang kamag-anak at gusto niyang naroon ang mga ito sa espesyal na araw na iyon para man lang mapasaya niya ito.

Kumakanta pa siya habang isinusuot ang isang baby pink na halter dress. Hantad ang makinis niyang likuran at dibdib kaya mas na excite siyang makita si Arthur. Gustong-gusto niyang pagpaganda lalo dahil gustong-gusto niyang nakikita si Arthur na naglalaway sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay siya na ang pinaka-magandang babae sa buong mundo.

Kagabi lang ay halos hindi na sila maghiwalay sa paglalabingan at siya pa ang nauuna sa paglalambing dito. May pakiramdam siyang dahil iyon sa hormones niya. She's very horny everytime na magkakalapit sila ni Arthur. Para bang naglalaway siya sa asawa at wala siyang kapaguran sa pagpapaligaya dito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now