Chapter 13

47.2K 1.1K 51
                                    

Dedicated to WinMar157






Naiinip na siya sa kakaikot sa buong mall ay hindi pa rin niya nakita si Jeanna. Suot pa din niya ang T-shirt na binili nila kanina kaya pinagtitinginan siya nang mga kababaihan na para bang isa siyang putaheng pwede nang tikman.

Mukhang nagkatotoo nga ang naiisip niya kanina na tatakasan siya nito. Ngayon nga ay hindi na niya ito mahagilap sa buong mall.

He mutter a curse under his breath at bumalik nalang sa sasakyan niya. Sana kinaladkad nalang niya ito o kaya ay pinasan para hindi ito makawala sa kanya.

Nagduda na siya nang sabihin nitong maghihintay nalang ito sa entrance nang mall pero nang tingnan niyang parang totoo namang nahahapo na ito ay sumang-ayon na din siya.

Para siyang tinadyakan nang isandaang kabayo nang makitang wala na ito sa kinatatayoan kanina. Nang libutin niya ang mall ay hindi nga niya na ito nakita. Para lang siyang gago.

He can't believed she made a fool out of him. Alam niyang hindi niya ito mapagkakatiwalaan pero binigyan pa rin niya ito nang pagkakataon na makatakas. Nakakagago lang talaga.

Kung inaakala nitong titigilan niya ito ay nagkakamali si Jeanna. Mas lalo lang siyang maghahabol dito. Hindi ito basta-bastang makakawala sa kanya. Lalong hindi ngayon na natagpoan at natikman na niya ito ulit.

Nang marating ang sasakyan ay dali na niya iyong iminaniobra paalis sa lugar na iyon. Habang nasa daan pauwi ay bigla nalang niyang kinabig ang manibela nang sasakyan at tinahak ang daan papuntang McQueen's club.

Maliit man ang tsansang makita niya ito sa club ay gusto pa rin niyang magpunta. Magpapalipas lang siya nag oras doon bago umuwi.

Sa ilang araw niyang pabalikbalik doon ay ni minsan ay hindi pa niya nakita sa bar na iyon si Jeanna.

Nang minsang kumuha siya nang babae para makasama ay tinanong lang niya ito nang lahat nang tungkol sa club. Pasimple din siyang nagtanong nang tungkol kay Jeanna.

Ang sabi nito ay mag-iisang buwan nang leave ang dalaga dahil masama daw ang pakiramdam. Pero alam niyang hindi totoo iyon.

Baka nagleave ito para makasama ang matandang foreigner na kasama nito kanina. "Shiiit! Son of a-----! At kitang-kita niya ang mga pinagagawa nito. Kanina nga ay kung hindi siguro ito iniwan nang matandang kasama nito ay baka kung saan na humantong ang mga ito.

Bigla niyang naapakan ang preno nang sasakyan nang makitang tumigil ang malaking truck sa unahan niya. Muntik pa niya itong mabunggo dahil naapakan niya nang malakas ang gas dahil sa galit na naramdaman sa naiisip.

He's loosing focus and this is all because of Jeanna.
"Fuck! I swear I'm gonna fuck her till she can't get up!" Naibulalas niya na muling pinaandar ang sasakyan at mabilis na nagmaneho nang nakitang nag go na.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa club. Agad siyang pumasok at dumiretso sa bar counter. Gusto lang naman niyang uminom kaya dito na siya naupo sa high chair nang barcounter. Nakita niyang marami nang tao sa loob kahit maaga pa. Binalewala nalang niya iyon at nag order na siya nang isang bote nang Johnny Walker sa bartender.

Hindi pa nag-iinit ang pang-upo niya sa kinauupoan nang mapansin na dumaan sa tagilirang bahagi nang barcounter si Mr.Jon.

Agad nabuhay ang galit sa dibdib niya nang makitang masayang nakapulupot sa bisig nito si Jeanna. Kaya pala tumakas ito sa kanya ay dahil kasama niyo ang matandang lover nito. Napamura siya sa isipan. Masasakal niya ang babaeng ito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now