Chapter 16

45.4K 992 44
                                    

Dedicated to spongebob_dg





"Hala ka madam! Grabe na talaga yang pagkatulala mo! Anyare ba? Dahil kay fafa Arthur noh?" Himig panunukso nang baklang si Jomie nang maabotan siya nitong nakapanlumbaba sa ibabaw nang office table niya.

Mag-aalas-diyes pa lang nang gabi pero tinatamad na siya. Nitong mga nagdaang araw ay unti-unti na siyang nababagot at nawawalan nang gana sa trabaho niya.

Hindi lang niya ipinahahalata dahil ayaw din naman niyang may masabi ang mga staff niya. Pero minsan talaga ay wala siyang silbi sa club lalo na't palagi nalang siyang natutulala tulad ngayon.

Inuukopa ni Arthur ang buong pag-iisip niya na katulad ngayon na nakalutang ang isip niya kung nasaan na kaya ito? Kung anong ginagawa nito at kung sino kaya ang kasama nito.

Para na siyang tanga na umaasang makikita niya itong pupunta nang club at hahanapin siya o kaya ay sumulpot sa mga lugar kung nasaan siya pero wala ito. Ni anino nito ay hindi na niya mahagilap. Sadyang kay bilis naman yata nitong magsawa sa kanya. "Seriously? Sino lang din ba ako para pag-aksayahan nito nag oras. He can have and bed any woman he wants. Si Gigi Hadid nga ay na-e-date nito. Anong panama niya sa mga babae nito. Tsss!" Nasaisip niya.

Hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip dito na hindi naman niya dapat pinag-aaksayahan nang kanyang oras. Alam naman niyang mula't simula palang ay katawan lang niya ang habol nito.

Pero hindi naman niya itinatangging umasa siya na may kahahantungan ang nangyayari sa kanila lalo't iba ang ipinadadama nito sa kanya. Na para bang kailangan siya nito-- o baka iyon lang ang naramdaman niya dahil iyon ang gusto niyang mangyari. Na mangailangan ito sa kanya at na sana ay may katiting naman itong pagtingin sa kanya.

Pero hindi niya alam kung bakit gusto niyang iyon ang maramdaman ni Arthur sa kanya. Wala din naman siyang ibang nararamdaman para dito. Dapat nga ay inihanda nalang niya ang sarili para hindi na umasa dito dahil sa una palang ay alam na niya ang kahahantungan nang pag-gamit nito ulit sa katawan niya. Na magsasawa din ito.

Dalawang buwan na din nang huli niya itong makita. At sa bawat pagpasok niya sa club ay umaasa siyang babalik doon si Arthur at hanapin siya pero walang Arthur na nagpakita ulit doon. Hindi man niya gusto ay nanlulumo siya na hindi na ito nakita.

Basta nalang ito nawala. Hindi naman siya makapagtanong kay Dayana dahil alam niyang tutuksohin lang siya nito.

Hindi rin naman siya mahalaga kay Arthur kaya wala itong dahilan para kitain siyang muli.

Ang alam lang nito sa kanya ay nagtatrabaho siya sa club bilang babaeng taga-aliw at may matandang mayaman na kalaguyo.

Naaalala pa niya kung paano ito nagalit noong inihatid siya nito sa club.

Inalok siya nito na makipag-live-in dito pero hindi siya pumayag. Ang sinabi lang niya ay kailangan niyang mag trabaho sa bar. Nagalit ito nang sobra at hindi niya alam kung bakit ito nagagalit.

"Madam!"

Nagulat pa siya nang may kamay na pumitik sa harap nang mukha niya.

Tinignan nalang niya nang masama ang baklang si Jomie.

"Ba't ka ba laging nangugulat?!" Bulyaw niya dito at ipinasok ang mga gamit niya sa bag.

"Hala madam! Kanina pa kasi ako salita nang salita Hindi ka naman nakikinig. Malala ka na talaga." Tawa pa nito at may inabot na maliit na kulay red na velvet box. Kumunot pa ang tingin niya dito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now