Chapter 29

33.6K 757 52
                                    

Dedicated to. anncypaderan



Mc'Queens Club




"Miss Jeanna!"

Lumingon siya nang marinig ang boses ni Loraine na humabol sa kanya. Pauwi na sana siya at doon lumabas sa backdoor ng club dahil doon niya ipi-nark ang sasakyan nang habulin pa siya ng assistant niya.

"Yes Loraine? May nakalimutan ka bang sabihin?" Aniya dito at kunot noo nang mapagmasdan ang anyo nito.

Pawis na pawis ito at parang namumutla kaya sinalubong na niya ito.

"What happened?! May nangyari ba sa loob?" Agad tanong niya dito nang makalapit dito.

"Errr--ahhm-- Miss J-Jeanna..
b-bumalik kasi yong l-lalaking naghahanap sa iyo. Noong una ay napigilan pa namin siyang pumasok sa club at napauwi rin pero ngayon ay nagwawala ang lalaki sa entrance nang club at gumagawa nang eksena." Mahabang sabi nito sa kanya.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Wala siyang narinig na kahit ano tungkol dito sa lalaking umanoy naghahanap sa kanya' na halatang hindi ipinaalam sa kanya. At sino ba ang lalaking naghahanap sa kanya na hindi kilala nang mga ito?

"Sino ba ang lalaking tinutukoy mo? At bakit wala kayong sinasabi sa akin na may nangyayari na palang ganito?" Bahagyang tumaas ang tinig niya pagkasabi niyon.

"Pasensya na miss Jeanna. Nang pumarito si sir Jon ay sinabi niyang huwag nalang daw ipaalam sa iyo kaya hindi na namin nabanggit." Sabi naman nito at nagyuko pa nang ulo.

"What??? At alam to ni daddy??! Sino ba ang lalaking yan at ba't ba yan nangugulo dito?" Sabi niya habang naglakad pabalik sa loob nang club. Agad naman sumunod si Loraine sa kanya at umagapay sa mabilis na paglalakad niya.

"K-Kapatid mo daw po siya Miss Jeanna." Bigla siyang napapihit dito nang marinig ang sinabi ni Loraine.

Muntikan pa itong mabangga sa kanya buti nalang ay napaatras ito agad nang tumigil siya.

"S-Sinong kapatid?" Nag-aalalang tanong niya dito.

Maaring si kuya Phil niya ang naghahanap sa kanya dahil binigyan niya ito nang tarheta na may telephone number nang club at address. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nagwawala daw. Hindi ganoon ang kuya Phil niya.

"Ayaw naman po niyang sabihin ang pangalan miss Jeanna. Basta kapatid 'nyo daw siya at hindi siya aalis kung hindi mo 'sya haharapin. Mataas na tao po siya miss Jeanna. May hitsura din po,moreno,maitim ang buhok at balbas sarado. Medyo payatin nga lang." Sabi pa nito sa kanya.

Napatango-tango nalang siya. Tiyak ang kuya Phil niya ang naghahanap sa kanya.

"Nasaan na siya?" Tanong niya kapagkuwan.

"Nasa labas pa miss Jeanna. Pinipigilan ng mga guards at bouncer na pumasok. Kaya lang ay nagwawala na. Nag-eeskandalo sa labas kaya hinabol na kita. Pupunta pa naman ngayon si Mr.Masaito." tukoy nito sa isa sa mga VIP nang club.

"Sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Lalabasin ko nalang." Sabi niya agad dito.

Tumango ito at nauna nang pumasok. Malakas siyang napabuntong hininga bago pumasok at dimiretso sa entrance nang club.

Ang inaasahang ang madadatnan sa labas ay ang kuya Phil niya ay isang pagkakamali dahil ang lalaking nakatayo sa labas nang club habang hawak nang mga bouncer niya ay walang iba kundi ang kuya Poldo niya.

Noon lang niya naisip na ang sinabing discripsyon ni Loraine ay katulad nang sa kanyang kuya Phil dahil medyo magkaka-pareho ang mukha at tindig nang mga ito. Siya lang ang hindi kamukha nang mga ito dahil nga mistisa siya at iba ang kanyang ama.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now