Chapter 35

32K 781 97
                                    

Dedicated to.     RubelenCanales



Alas nueve na nang marating nila ang bahay nila ni Arthur. Ihahatid pa sana siya ni Azul hanggang sa loob pero magalang niya itong tinanggihan.

"Okay ka na ba talaga?" May kalakip na pag-aalala sa boses nito.

"Yes..okay na ako dito. Maraming salamat Azul." Taos pusong pasasalamat niya dito. Dahil kung hindi dahil dito ay baka kung ano na ang nangyari sa kanila nang baby niya.

"Walang anuman. Kung hindi dahil sa amin ay hindi rin ito mangyayari sa iyo. Pagpasensyahan mo na talaga. Anyway ito ang number ko. Tumawag ka lang kung may problema ka ha. Tutulungan kita sa abot nang aking makakaya. Friend na tayo diba?" Anito sabay abot sa kanya nang isang tarheta.

Binasa lang niya ang nakasulat doon at nginitian ito. Matapos iyon ay nagpaalam na agad ito sa kanya na hindi na magtatagal.  Inihatid niya nang tingin ang papalayong sasakyan bago pumasok.

Nang tumingin siya sa bahay ay biglang naroon ulit ang sakit at kaba sa kanyang dibdib. Iniisip kung hinihintay ba siya ni Arthur o kung nag-alala man lang ba ito sa kanya?

Ipinilig niya ang mga negatibong pag-iisip at humakbang na papasok nang mansion nito.
Magalang siyang binati nang nagtakang gwardya. Tinanguan lang niya ito at dire-diretso na siyang pumasok sa kabahayan.

Sa frontdoor ay nakasalubong niya si nanay Nina na sinigurong nakasara ang mga pinto at bintana. Nagulat pa ito nang makita siya.

"Jeanna?! Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang asawa mo?" Nagtatakang tanong nito nang makitang walang nakasunod sa kanyang Arthur.

Kung hinahanap nito ang asawa niya ang ibig sabihin ay hindi pa umuuwi si Arthur! Parang kinapos na naman siya nang hininga sa naiisip na kasama parin nito ang dalawang babaeng kalumpungan nito kanina.

Masyado ba itong naaliw kaya hindi pa nakakauwi! Ano na kaya ang pinagagawa nang mga ito sa oras na iyon. Parang gusto na niyang maglupasay sa sakit pero hinamig niya ang sarili at pinigil ang sarili na maiyak sa harap ni nanay Nina.

"Jeanna?! May nangyari ba?" Anang matanda nang matitigan at mahalatang may kakaiba sa kanya.

"Wala ho nanay Nina. May kunting hindi pagkakaunawaan lang po kami ni Arthur." Aniya dito. Hindi niya gustong sirain si Arthur sa harap nang mayordoma at naging yaya nito sa buong buhay na yata nito.

Alam niyang mataas ang respeto nang matanda sa alaga nito at ayaw niyang sirain iyon. Kung ano man ang nangyari kanina ay sa kanya nalang iyon. Hindi na importanteng malaman pa nito. Total ay problema naman nila ni Arthur ito kaya dapat ay sa kanilang dalawa lang at hindi na dapat madamay ang ibang taong nakapaligid sa kanila.

"Maayos din kung ano man ang hindi ninyo pinagkakaunawaan ni Arthur hija. Pag-usapan lang ninyo kung ano man ang problema. Lahat ay maayos kapag napag-usapan. Mahal na mahal ka nang asawa mo kaya alam kong magiging maayos din ang lahat." Mahabang sabi nito sa kanya.

Nahiling na sana ay kung totoo lang na mahal siya ni Arthur at maayos pa din nila ang lahat.

"Salamat nanay Nina." Aniya dito at niyakap ito nang mahigpit.

Naguluhan man sa iginawi niya ay hinaplos-haplos na rin nito ang buhok niya na tulad nang isang ina.

"Sige nay..sa taas ko nalang hihintayin si Arthur. Si Andrei nga pala?" Tanong niya dito nang maalala ang anak niya.

"Kanina pa tulog ang bata hija. Naghapunan ka na ba? May niluto akong sinigang na baka pwede kung initin iyon." Anang matanda.

"Nah huwag na nay..kumain na po ako kanina. Salamat na lang." Tumalikod na siya nang tumango ito at tinahak ang grand staircase.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon