Chapter 22

36.4K 829 26
                                    

Dedicated to  ZoeColleen



Matapos niyang punasan ang natuyong luha sa mga mata nang asawa ay matagal pa niya itong tinitigan bago ito hinalikan sa noo at kinumutan nang maayos.

Naiinis siya dito pero mas lalong naiinis siya sa sarili dahil hinayaan niyang makita nito na hinalikan siya ni Gigi.

Biglang nanumbalik sa isipan niya ang mga naganap kanina na ikinasama nang loob ni Jeanna.


Flashback


"Hey gorgeous! Ba't hindi ka na nagpapakita sa akin huh? Are you hiding from me?"

Nag-angat siya nang nuo nang marinig ang pamilyar na tinig ni Gigi at hindi nga siya nagkamali nang makita itong papalapit sa mesa niya at dumukwang para halikan siya.

Buti nalang ay mabilis niyang naiwas ang mukha kaya sa pisngi lang niya dumapo ang halik nito.

"What are you doing here in my office Gigi?" Seryosong sabi niya dito at hindi pinansin ang pagkakakunot nang nuo nito.

"I'm visiting you of course baby and I miss you so much! You seldom visit me and I have this feeling na pinagtatagoan mo ako. Why Arthur?"

"I'm not hiding from you. I'm so busy Gigi." He said matter of factly.

"Then bakit hindi ka na nadadalaw sa condo ko baby? Next month I will fly back to Paris baka magtagal ako doon I will miss you." Malambing na sabi nito sa kanya at umikot pa sa table niya at umupo sa mesa paharap sa kanya.
"Let's get out of here baby!" Sabi ni Gigi sa kanya at hinigit pa palapit dito ang kurbata niya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now