Chapter 18

42.5K 1K 88
                                    

Dedicated to amir_sexy135




Napaigtad pa siya nang malakas na sumara ang pintoan nang kwarto niya. Dito siya dinala ni Arthur matapos malaman nito ang tungkol sa anak niya.

Alam niyang mangyayari din ang tagpong ito pero hindi niya inaasahang ganito kaaga nito malalaman ang tungkol kay Andrei. Hindi rin naman nagpasabi ang auntie niya na ngayon na nito ihahatid ang anak niya sa maynila.

Nanginginig ang mga tuhod niyang lumapit sa kama para doon maupo. Pakiramdam kasi niya ay bibigay ang mga tuhod niya dahil nanginginig ang mga iyon.

Ni hindi siya makatingin kay Arthur dahil natatakot siya sa makikitang galit dito.

Naiintindihan naman niya ang galit nito pero sana lang ay pakinggan siya nito. At umaasa siyang kikilalanin nito si Andrei. Kung kailangan niyang patunayan dito na anak nga nito ang bata ay gagawin niya.

Naawa na din sa anak niya. Kahit hindi nito sabihin sa kanya ay alam niya bilang ina na hinahanap nito ang pagmamahal nang isang ama.

"Start explaining Jeanna!" Muntik nang malaglag ang puso niya sa kaba nang marinig ang galit na boses ni Arthur. Halata ang labis na galit niyon kaya iniyuko niya ang ulo para hindi nito makita na natatakot siya dito.

"Look at me and talk dammit!"
Bulyaw ulit nito na ikinaigtad niya.

Hindi niya napigilang mapatingin dito nang lumapit ito sa kanya at itinaas siya mula sa kama na kinauupuan niya.

"Talk to me.! Paano ko naging anak ang batang iyon? Bakit hindi mo ipinaalam sa akin.?" Yugyog nito ang balikat niya kaya pinangiliran siya nang luha.

Natatakot siya dito at nasasaktan siya dahil "batang iyon" ang tawag nito sa anak niya. Walang pagkikilala. Hindi paman nangyayari ang kinatatakotan niyang hindi nga nito aangkinin ang anak niya ay nasasaktan na siya.

Nasasaktan siya para sa anak niyang umasa na may ama na nga ito. Na natagpuan na nito ang ama. Parang dinurog ang puso at naninikip ang dibdib niya.

"Don't cry on me sweetheart! That won't work! Now talk!!!!."
His eyes bored into hers and he is not just angry. He is livid. Mas lalo lang tuloy siyang natakot dito.

"H-He i-is y-yours." Paputol-putol niyang sabi dito habang piyok ang tinig sa pag-iyak. "A-Anak mo siya A-Arthur."

Sandaling katahimikan ang namayani bago niya narinig na nagsalita ito.

"Paano mong nasabi na anak ko ang anak mo? Sigurado ka na akin talaga ang batang iyon?"

There he said it.! Ang kinatatakotan niya. Alam niyang ito nga ang magiging reaksyon ni Arthur but somehow she wished na sana ay makikilala agad nito ang anak niya na anak nito. His flesh and blood pero ito ang nangyari.

Hindi niya masisisi si Arthur na ganito ang reaksyon nito pero namayani na ang galit sa dibdib niya.

"Yes ikaw ang ama nang anak ko! Alam ko dahil ako ang ina ni Andrei. Alam ko kung sino ang ama niya." Nanginginig at humihingal na sigaw din niya dito. Galit na siya at gusto niyang isigaw sa mukha nito ang katotohanan. "Kung hindi mo kikilalanin ang anak ko then fine! You can leave now! And I don't want to see your face ever again!" Galit na bulyaw niya dito habang masaganang dumadaloy ang luha sa mga mata niya.

Tumalikod na siya at pinahid ang nag-uunahang luha na naglaglagan sa pisngi niya.  Pakiramdam niya ay pinunit at tinapaktapakan nito ang puso niya.

Gusto niyang bumunghalit nang iyak sa harapan nito pero ayaw niyang maging mahina sa mga mata nito.

"Bakit siguradong-sigurado ka na ako nga ang ama nang bata?" Mariin paring tanong ni Arthur.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now