Chapter 10

48.2K 917 27
                                    

Dedicated to keyahhAmore

Nag-angat ang tingin niya mula sa binabasang novel nang makarinig nang mahinang katok sa pinto. Nang bumukas iyon ay sumilip ang daddy niyang si Jon.
Inilapag muna niya ang binabasa sa bedside table bago umupo sa kama.

"May I come in baby?" Her father ask.

"Yes of course dad. Come in." Wika niya dito.

Bibihira na silang mag-usap nang daddy niya dahil busy ito sa dalawang clubs na pinamamahalaan nito at sa ibang negosyo nito.

Mag-iisang buwan na din na hindi siya pumapasok sa McQueen's club. Idinahilan niyang hindi maganda ang pakiramdam niya at gusto muna niyang magpahinga na sinangayonan naman nang daddy niya.

Maayos naman ang pakiramdam niya pero sinabi lang niya iyon para hindi na magtanong ang daddy niya kung bakit ayaw niyang pumasok sa club. Ayaw niyang sabihin dito na may iniiwasan lang siya doon.

Ayaw muna niyang pumasok dahil ayaw niyang magkita sila ni Arthur. Alam na nitong doon siya nagtatrabaho sa club at alam niyang hahanapin siya nito matapos niyang lisanin ang condo nito.

At tama nga ang hinala niyang hahanapin siya nito dahil nagrereport si Loraine at Jomie sa kaniya na palaging nagpupunta ang lalaki doon at hinahanap siya.

Pero palaging nagdadahilan ang mga ito sa lalaki kung bakit wala siya doon. Minsan nga ay nagreklamo na si Jomie na nauubosan na ito nang idadahilan kung bakit hindi siya pumapasok sa club.

Ang alam ni Arthur ay nagtatrabaho siya sa club bilang dancer. Wala itong alam na siya ang manager doon at wala siyang planong sabihin dito. Bahala na itong manghusga sa kanya total ay wala namang magbabago. Hinusgahan na siya nito at itinuring na isang mababang uri nang babae. Binayaran pa nga siya nito sa pag-aakalang isa siyang GRO.

Pero hindi niya tinanggap ang pera mula dito. Nang una ay tinanggap niya iyon pero nang magising siya kinaumagahan at nakitang wala si Arthur ay dali-dali niya iyon kinuha sa bag niya at inilapag sa lamesa malapit sa kama nito.

Nagulat pa siya nang makitang limang milyon ang nakasulat na halaga sa cheque na ibinigay nito. Mas lalo lang siyang nagalit dito kaya pinunit niya iyon hanggang sa makontento siya at itinapon sa basura nito.

Anong akala nito sa kanya na masisilaw siya sa pera at ipagpapalit ang katawan niya.
Kung hindi lang sana sa nangyari sa mama Lydia niya nuon ay nuncang magpapabayad siya dito para makipagniig.
Kailanman ay hindi iyon pumasok sa isipan niya kahit pa nagtatrabaho siya sa bar noon.
Napilitan lang siyang gawin iyon para mailigtas ang mama niya at nagkataong ito ang lakaking
nag offer sa kanya.

Hindi niya pinagsisisihang ginawa niya ang bagay na iyon pero nahiling niya na sana ay hindi nalang si Arthur iyon. Na Sana ibang lalaki nalang.
Baka sana ay hindi siya nagkakaganito ngayon.

Hindi naman ito mahalaga sa kanya pero hindi niya itinatangging nasaktan siya dahil sa pagtrato nito sa kanya.
Pakiramdam niya ay napakababa at napakarumi niyang babae.

"Baby are you okay now.?" Tanong nang daddy niya na nakaupo na pala sa gilid nang kama niya at matamang nakatitig sa kanya.

"Yes dad. Maayos na po ang pakiramdam ko." Sabi niya dito at nginitian pa ito. "Baka papasok na ako sa club bukas."

"Nah.. Its okay baby. Rest as long as you want. The club is doing good thanks to you." Sabi nito at hinaplos pa ang kanyang buhok.

"I'm okay dad. Don't worry. Na bo-bore na din ako dito sa bahay. Wala si Andrei." tukoy niya sa anak.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now