Chapter 11

45.9K 1K 54
                                    

Dedicated to Maechris22





Napakuyom ang kamao niya habang nakatingin sa dalawang taong kumakain malapit sa floor to ceiling glass window nang Korean restaurant na kinainan nila nang mga business partners niya.

Mula nang pumasok ang mga ito sa loob nang kainan ay hindi na niya inalis ang mga mata dito at sinusundan niya ang bawat galaw nang mga ito.

Nagngingit-ngit ang kalooban niya habang nakatingin kay Jeanna na masayang nakakapit sa matandang foreigner habang ang kamay nang huli ay nakapulupot sa katawan nito.

Pinipigilan niya ang sariling huwag sugurin ang mga ito at ilayo si Jeanna sa matandang iyon pero wala siyang karapatan na gawin iyon.

Pamilyar ang matandang kasama nito. Naalala niyang ito 'yong nagtanong sa kanya kung kaano-ano niya si Jeanna nang huli siyang magtungo sa bar na pinagtatrabahoan nito.

Baka naman ito ang matandang boyfriend ni Jeanna o di kaya ay asawa. "Fuck! Fuck her! Hindi pa ako tapos sa kanya.! " He cuss in his mind.

Laking panlulumo niya noong makitang wala na si Jeanna sa loob nang condo niya. Umalis lang siya saglit nang tumawag ang secretarya niya na may problema sa kontratang pinirmahan niya sa isang kasosyo at agad namang nagbalik sa pad niya pero wala na ito doon.

Hindi na niya nadatnan si Jeanna. At nagtaka pa siya nang makita ang punit-punit na cheque sa basurahan niya. Kung bakit hindi nito tinaggap ang pera ay nakakapagpagulo nang isip niya. Hindi biro ang halagang ibinigay niya dito.

Buong gabi niya itong inangkin pagkagaling nila sa kasal nang kaibigan niya pero hindi pa rin sapat iyon. Kung hindi lang sana ito nag reklamo na nanghahapdi na ang kaselanan nito ay hindi siya titigil sa pag-angkin dito. Nakakaramdam siya nang pagod pero madikit lang ang katawan nito sa kanya o kahit tingnan man lang niya ito ay nabubuhay agad ang pagnanasang hindi niya makontrol.

Para bang naadik siya sa sarap at init nang katawan nito. At hindi na siya natutuwa sa nangyayari sa kanya. Mas lalo pa siyang nalulong dito nang matikman niya ulit ang sarap na ito lang ang nakakapagbigay sa kanya.
Akala niya ay mawawala din ang obsession niya dito kapag naangkin na niya ito ulit pero nagkakamali siya dahil mas lalong nababaliw siya dito.

Kahit pa nakatingin lang siya dito ngayon ay nararamdaman niyang naninikip ang itim na slacks niya. Galit-na galit ito at alam niyang tanging si Jeanna lang ang lunas dito.

Muntikan na siyang mapatayo nang makitang hinawakan nang matandang kasama nito ang magkabilang kamay ni Jeanna. Parang gusto niyang hablotin ang matandang iyon at bugbogin hanggang sa makontento siya.

Mas lalo pa siyang nanggalaiti nang makita ang masayang mukha ni Jeanna habang kumakain. Masaya ito sa piling nang matandang lalaking iyon! Nandidiri siya dito pero mas nangingibabaw pa din ang kagustohan niyang maangkin ito.

"Hey are you okay?" Malambing na tawag pansin sa kanya ni Tracy.

He just nodded ang look away.
Anak at lawyer ito nang isa sa mga business partners niya at sinama lang nang ama sa lunch meeting nila.

Kung titiganan ay parang hindi ito isang abogada. Kung hindi lang siguro niya alam ang trabaho nito ay mapagkakamalan niya itong isang call girl.

Magsuot ba naman ito nang napakarevealing na damit at makapal na make up. Talo pa nito ang mga dancer sa McQueen's club. Very unprofessional amg suot nito.

Kanina pa niya ito napapansing nang-aakit sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Nakatuon lang ang atensyon niya sa babaeng kanina pa nagpapainit nang katawan niya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now