Chapter 7

46.9K 962 60
                                    

Dedicated to mhemharie



yanzkyo may UD na bebe
I miss you powwwwzz! 💋💋💋







Crisostomo Court Hotel



Namangha siya nang makarating na sila sa Crisostomo Court Hotel kung saan gaganapin ang reception nang kasal ni Enrieka at Luther.

Saktong alas singko nang hapon nang matapos ang seremonya nang kasal sa simbahan na dinaluhan nang mga kapamilya at mga malalapit na kaibigan nang couple kabilang na siya at ang daddy niya na kakilala pala nang daddy Nick ni Luther.

Kasama niya kanina ang daddy niya pero hindi na ito sumama sa kanya sa reception dahil pupunta pa ito sa club. Ipinapasabi nalang nito sa mga parents ni Luther na nauna na ito kung hahanapin nito ang daddy niya.

Ang McQueen's naman ay ibinilin niya kay Loraine at Jomie. Wala namang problema kung hindi siya pupunta ngayon dahil mapagkakatiwalaan naman ang mga staff niya. Kampante siyang maiiwan niya ang mga ito at maayos paring pinamamahalaan ang lahat.

 Kampante siyang maiiwan niya ang mga ito at maayos paring pinamamahalaan ang lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Umibis na siya sa sasakyan niyang BMW E30. Ito ang dala niya dahil bukod sa paborito niya ito sa lahat nang sasakyan nang daddy niya ay bagay din ito sa suot niyang fushia multicolored red tube dress na na hapit sa katawan niya dahil pula din ang pintura nito.

Nang makababa at maisara ang sasakyan ay inabot niya ang susi nang kotse sa nang naroong naghihintay na valet nang hotel para ito na ang magpark nang kotse niya.

Nakita naman niya ang pagdating ni Haven at kaibigan niyang si Dayana na madaling nakalapit sa kanya.

"Bes dumiretso na tayo sa loob." Sabi nang kaibigan nang makalapit ito sa kanya.

"Teka paano si Haven?" Tanong niya at hinanap nang mata ang asawa nito.

"Susunod na si Haven bes. Alam naman niya ang table natin. Halika na." Inakay na siya nito papasok sa loob.

Kung namamangha siya sa labas nang hotel ay mas lalo pa siyang namangha nang makapasok. Nalula siya sa rangyang nakikita at nakapaligid sa kanya. Naglalakihan ang chandeliers na nakasabit sa malawak na receiving area. May mga couch at mga silya din doon na halatang mamahalin. May fountain din sa gitnang bahagi na nakakakuha nang pansin sa mga guest. Lahat nang napapadaan ay namamangha ding nakatingin sa fountain.

Pagmamay-ari nang pamilya ni Luther ang hotel na ito at dinig din niyang maraming hospitals na pagmamay-ari ang mga ito.
Sobrang yaman pala nang napangasawa ni Enrieka. Ang swerte nga naman.

Hindi naman sila kapos palad pero hindi naman sila ganito kayaman. Nakakalula ang mga nakikita niya. Sa paligid at sa mga taong bisita nang pamilya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now