Chapter 28

35.8K 899 31
                                    

Dedicated toCecilleCastillo2



"Arthur can you please slow down! Your scaring me!..."
Pasigaw niya kay Arthur.

Natatakot na siya dahil sa bilis nang pagpapatakbo nito. Buti nalang ay wala silang mga nakakasalubong na sasakyan at sila lang ang dumaan sa bahaging iyon nang kalsada pauwi kung hindi ay baga nakabunggo na sila.

"A-Arthur!!" Nanginginig ang tinig na tawag niya dito.

Bigla nalang nitong inihinto ang sasakyan na kung hindi siya nakasuot nang seatbelt ay baka humampas na ang mukha niya sa dashboard. Buti ay naikabit niya iyon kanina.

Nanghihinang napasandal siya sa gilid nang sasakyan. Dumadagundong pa din ang kaba sa kanyang dibdib sanhi nang ginawa nito.

Pagkaalis nila sa party ay medyo kalmado na ito until nang mapag-usapan nila si Jordan. Tinanong kasi siya nito at siya naman ay sinabi agad dito kung sino at ano ang huli sa buhay niya. Naalala din siguro nito ang isiniwalat niya tungkol sa dating katipan kaya nagalit ito. Agad ay nag-iba ang mood nito nang makilala ang lalaki. Hindi man nagsasalita ito ay halatang-halata ang galit nito.

Nakakatakot ang nakabadyang emosyon sa mukha nito pero alam naman niyang hindi siya kayang saktan ni Arthur. Hindi magagawa iyon nang asawa niya.

Napalingon nalang siya sa gawi nito nang buksan nito ang pinto nang sasakyan at lumabas. Nagulat pa siya nang mapatingin sa labas at sa gilid nang kalsada kung saan nagtataasan at naglalakihan ang mga puno. Medyo madilim din ang parteng iyon nang kalsada dahil medyo may kalayuan ang mga poste kaya medyo madilim sa bahaging iyon na kinahihimpilan nila.

Nang sundan niya nang tingin si Arthur ay nakita niyang nakatayo lang ito sa gilid nang kalsada at nakatalikod sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha nito.

Inalis niya ang seatbelt at lugo-lugong lumabas nang sasakyan. Agad humaplos ang malamig na simoy nang hangin sa balat niya. Pinag-iisipan kung lalapitan ba ang asawa o hintayin nalang doon. Pero nanaig ang kagustohan niyang lapitan ito kaya bitbit ang laylayan nang gown na tinungo niya ang kinatatayoan nito.

"A-Arthur!" MAhinang tawag niya dito pero hindi man lang ito timinag.

"Arthur please mag-usap tayo." Pagpapakumbaba niya. Hinawakan niya ito sa balikat at pinilit paharap sa kanya.

Akala niya ay magmamatigas ito pero lumingon ito sa kanya. Walang emosyon na mababakas sa mukha nito kaya hindi tuloy niya malaman kung ano ang unang sasabihin.

"Arthur..... S-Sorry na please wag ka na magalit sa akin." Nahihiyang sabi niya dito pero sinalubong pa din niya ang tingin nito. Kinakabahan man ay ipinagwalang bahala niya iyon dahil ang gusto niya ay mawala ang galit nito.

"Gusto mo pa ba ang lalaking iyon?! M-Mahal mo pa ba 'sya?" Seryosong tanong nito sa kanya wala pa ring emosyon ang mukhang nakatitig lang sa kanya.

"Arthur nakaraan na si Jo-----"

"Mahal mo pa ba ang lalaking iyon Jeanna?!!!!" Putol nito sa sana ay sasabihin niya. Dumagundong ang boses nito na nakapagpakaba pa lalo sa kanya.

Nagulat man sa lakas nang boses nito ay tiningala niya ang asawa at sinalubong ang mga titig nito.
"Hindi! Hindi na!! Wala na akong gusto kay Jordan kung iyon ang gusto mong malaman! Matagal ko na siyang kinalimutan at wala na akong anumang nararamdaman para sa kanya." Pasigaw din niyang sabi dito. Malapit na din siyang mainis dito.

Ito nga ay ang dali-dali kung lumapit sa Gigi na hipon na iyon ay bakit siya...galit na galit ito na nakipagsayaw siya kay Jordan.

"Talagang hindi mo na gusto ang lalaking iyon?" Mahinang tanong nito sa kanya. Bigla ding lumambot ang ekspresyon sa mukha nito matapos sabihin niya ditong wala na siyang gusto pa sa dating katipan.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon