Chapter 19

44.7K 1K 42
                                    

Dedicated to Maechris22





Nang makatulog ang anak niya
ay saka palang siya lumabas nang kwarto para pumunta nang kusina.

Maghahating-gabi na at hindi pa pala siya kumakain kaya nakaramdam na siya nang  gutom.

Dumiretso na agad siya sa kusina at nanghalungkat doon nang makakain. May nakita naman siyang kanin at ulam pero parang ayaw na tanggapin nang tiyan niya ang mga iyon kaya kinain nalang niya ang tirang sandwich nang anak niya at kumuha nang isang cartoon nang fresh milk at baso saka dinala iyon sa may hardin.

Kinabahan pa siya nang may maaninag na malaking bulto nang tao na nakatalikod sa gawi niya pero agad din niyang nakilala kung sino iyon.

Nagulat siya na hindi pa pala umuwi si Arthur. Sinadya kasi niyang mag-tagal sa silid nang anak para hindi na niya ito maharap. Akala niya ay umuwi na ito kaya kampante siyang lumabas.

Hindi pa niya gustong makipag-usap kay Arthur. Natatakot siya sa maaring sabihin nito na ikasasakit nang damdamin nang anak niya. Ayaw niyang marinig na palalayoin siya at ang anak niya dito.

Pero huli na dahil naramdaman yata ni Arthur ang presensya niya kaya lumingon ito sa kanya. Buti nalang ay mahigpit niyang hawak ang mga dalang pagkain kundi ay baka natapon na iyon dahil nanginginig ang kamay at mga tuhod niya.

"N-Nandito ka p-pa pala." Seryoso niyang sabi dito at tinungo ang naroong lamesa at upuan na gawa sa kawayan.

May malaking hamok na may kutson din doon na sadya niyang ipinagawa dahil minsan ay gusto niyang naglalagi sa hardin kapag gusto niyang mag-isip. Minsan nga ay doon na siya nakakatulog.

Hindi naman niya inaasahang nandito din si Arthur kaya imbes na iwasan niya ito ay wala na siyang choice kundi ang harapin ito.

"You think I will leave you just like that? Sa lahat nang mga nalaman ko.?" May hinanakit ang tonong sabi nito sa kanya.

Hindi na lang niya pinansin ito at nagsalin sa baso nang malamig na gatas. Pinapakiramdaman lang niya ang pagkilos nito at nang umupo ito sa kaharap na upuan ay tumingin na siya sa mukha nito.

Ang mukha nito ay makikita-an nang pagsuko at pagpapakumbaba kaya lumambot na din ang puso niya dito. Gusto na niyang malaman kung ano ang mga plano nito para kung sakaling gugustohin nitong lumayo o huwag nang magpakita sa kanila ay maipapaintindi niya nang maayos sa anak niya. Mahirap man pero tatanggapin niya kahit anupaman ang desisyon nito.

"Let's talk Jeanna." Mababaw ang boses na sabi nito sa kanya.

"Sabihin mo na kung ano ang mga gusto mong mangyari Arthur. Kung kailan mo iiwan ang anak ko para naman maipaliwanag ko sa kanya nang hindi naman masyadong masaktan ang anak ko." Seryoso at walang kagatol-gatol na sabi niya dito.

"W-What the-----?!! You were thinking na iiwan ko ang anak ko?!" May halong galit at hinanakit na sabi nito sa kanya.

"Ano pa nga ba? Matapos mong napa-DNA test ang anak ko ano na ngayon ang gagawin mo?! Kilala ko ang mga uri mo Arthur.!" Biglang nanulas sa bibig niya.

Hindi na niya pinag-iisipan ang mga sinasabi at basta nalang ibinubulyaw dito ang mga gusto niyang sabihin.

"Bakit Sweetheart! Ano ang mga uri ko?" Naghahamong tanong nito sa kanya.

Hindi tuloy niya masagot ang tanong nito dahil hindi rin niya alam sa sarili kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga 'uri nito' na tinutukoy niya. Siya tuloy ang natahimik at naguluhan.

"See?! Hindi ka na makasagot sweetheart. Kung mapanghusga man ako ay ganoon ka rin. Wala tayong ipinagkaiba. Bagay nga tayo." He smirked and look at her straight in the eye. "Anyway! Hindi ko dinala ang ANAK ko para ipa-DNA test dahil unang kita ko palang sa kanya ay alam kong dugo at laman ko ang anak mo. Ang gusto ko mangyari ngayon ay magpakasal tayo para sa anak natin. Ayaw kong maging bastardo ang anak ko. Kaya papayag ka whether you like it or not!" Mahabang wika nito sa kanya pero isang salita lang ang rumehistro sa utak niya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now