Chapter 24

39.7K 816 40
                                    

Dedicated to  DanicaAncheta


Happy Birthday Danica. Para sa iyo ang chapter na ito. Pasensya na na late ang UD! Medyo paasa talaga tong phone ko. Anyway.. More cakes to blow! Stay pretty and Godbless bhe 😘😘😘😘😘😘😘




Chapter 24

Napahilot nalang sa sintido si Jeanna nang makabalik siya sa club. Galing pa siya sa presento para tulungan ang isa sa mga dancers niya na inireklamo nang misis nang isa sa mga guest nila.

Buti nalang ay naareglo din ang problema. Hindi na nagsampa nang kaso ang misis sa dancer niya pero nagdesisyon na itong hiwalayan nang tuluyan ang asawa nitong ilang beses na palang nahuli na nangbababae.

Nakakalungkot isipin na ganoon ang kinahinatnan nang pagsasama nang mga ito na may dalawang anak na pero ang ganoong klaseng lalaki ay hindi dapat panghinayangan.

Naging mitsa man nang pagsasama nang mga ito ang isa sa mga babae niya sa club ay wala parin siyang naramdan na kahit katiting na konsensya.

Baka dahil din sa tagal na niya sa club kaya ganoon na katibay ang dibdib niya sa mga ganoong panyayari.

Wala namang kasalanan ang babae niya sa club dahil trabaho nga nito iyon.

Napailing nalang siya. Kung bakit kasi may asawa't anak nay naghahanap pa nang iba. Ni hindi kayang makuntento sa isang babae lang. Iilang lalaki nalang ba ang matino ngayon.
Kahit nga ang asawa niya ay ganoon din.

Pilit man niyang itinataboy sa isipan ang nadatnan noong eksena kay Gigi at Arthur ay bumabalik-balik parin iyon sa isipan niya paminsan-minsan.

Pinilit nalang niya ang sariling kalimutan iyon para sa anak niya. Total ay halikan lang naman ang nakita niya.

Baka makalbo niya ang Gigi na iyon kung hindi lang halikan ang nakita niya sa mga ito. At si Arthur ay itutulak niya sa fiftieth floor nang building.

"Shittt!! Nagiging murderous na yata ako.!" Naiinis niyang bulalas sa sarili.

Bigla namang humahangos na pumasok si Jomie sa opisina niya habang sapo ang dibdib.

Tinaasan niya ito nang kilay habang nililigpit ang mga gamit at inayos ang sarili para makauwi.

"Madam! Trulala ba yong love at first sight?" Tanong nito sa kanya kapagkuwan habang sapo parin ang dibdib.

"Hindi 'yun totoo bakla. Baka "lust at first sight" oo!"

"Ay! Bitter mo talaga madam! May naghahanap sayo sa labas..sobrang pogii madam juicekolord nalaglag yong artificial piluka ko!!" Eksaherado pa nitong bulalas.

Tiningnan lang niya ito na parang naloloka na ito. Professional ito at lalaking-lalaki kung humarap sa mga guest nila pero tuwing walang nakakakita ay lumalabas ang pagkaberde nito. Napailing-iling nalang siya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon