Chapter 173

783K 30.4K 23.6K
                                    

Author's Note: Walang edit-edit... woooohhhhhh....



Operation: Bawiin

Jay-jay's POV

Malakas ang apoy sa ginawa naming bonfire. Buti nalang at hindi ako lasing ngayon at baka bigla nalang akong magtawag ng kung ano.

Kagaya dati!

Napailing-iling ako habang inaalis yun sa isip ko. Tanginik! Muka akong tanga don tapos may video pa. Sana lang hindi ko na ulit gawin yon.

Kakahiya!

"Wala pa rin?" Tanong ni David.

Tinignan namin ang mga look out pero umiling lang sila samin. Senyales na wala pa rin sila.

Malakas ang hinala namin na ninakawan talaga kami. Kailangan naming makasiguro at naisip naming paraan ay magpadala ng espiya sa ibang Section. Sa B lang sana muna dahil isa kanila yung may-ari ng panyo na nakuha namin. Pero naisip ni Keifer na magpadala na sa iba.

Taray sa Espiya!

"Ayan na! Ayan na!" Sigaw ni Mayo.

Agad naman naming inabangan. Si Rory at Edrix ang unang dumating galing sa Section A. Kasunod nila si Kit at Eren galing sa Section B. panghuling dumating sila Blaster at Drew galing sa Section D. Meron pa kaming isang hinihintay galing sa Section C.

"Bakit wala pa sila?" Nag-aalalang tanong ni Eman.

Kahit ako nag-aalala na rin. Baka kasi nahuli sila. Nagpadala kami ng dalawang tao sa bawat Section. Hindi sa pinaghihinalaan namin ang Section nila Rakki pero kailangan naming maka-siguro.

"Natatanaw ko na!" Sigaw ni Mayo at nakita naming parating si Ci-N at Felix.

"Kompleto na lahat?" Tanung ni David.

"Andito na!"

"Kompleto! Walang palya!"

"Okay na!"

Naglapitan na lahat sa bonfire. Para kaming nasa isang importanteng pulong. Bale importante din naman to, dahil usapang pagkain!

"Rory & Edrix! Did you see anything?" Tanong ni Keifer.

"Meron!" Sagot ni Rory. "...nasa kanila yung cooler natin!"

"Shit!"

"Bakit sa kanila?!"

"Pano na tayo nyan?!"

Pinatahimik ni Yuri ang lahat sa pagsenyas sa kamay nya. Ginawa naman nila yon at nagpatuloy si Rory sa pagsasalita.

"...Ang masama nito. Nilagyan nila ng alak yung cooler. Hindi na tayo pwedeng magsumbong sa organizer." Huminga sya ng malalim. "...baka isipin nilang satin din yon."

Sumang-ayon ang karamihan samin. Hindi naman namin pwedeng sabihin na sa Section A yon. Sigurado'ng babaliktarin na nila kami.

"How about you, Kit and Eren?" Tanong ulit ni Keifer.

"Meron." Sagot ni Kit. "...Yung bigas natin nasa kanila."

"Pinaghati-hatian ba nila mga pagkain natin?" Inis na tanong ni David.

Kahit ako naiinis na. Bakit naman kasi kailangan nila kami'ng nakawan? Wala naman kaming ginagawa sa kanila.

Wala nga ba?

"Nasa Section D naman yung mga canned goods at noodles natin. Yung anim na kahon na dala natin." Singit ni Blaster.

"Malinis sa Section C!" Sabi ni Ci-N habang nakataas ang kamay. "...mabait kasi si Rakki me'loves. Hindi nya kayang gawin satin yun."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon