Prologue

11.7K 235 8
                                    


Daily Magazine


The Philippines' recently hailed no. 1 sexiest woman intrigued a lot of netizens not just with her oozing charm but with her mysterious origin and identity which was never revealed by her manager and their agency. With the cooperation of her manager, Leila Fuentes we got a chance to interview Rosaline. When we happen to ask the question on why did she have to hide her real identity and use Rosaline as her screen name, she courteously answered our query.

"In the tragic love story of Romeo and Juliet, Rosaline wasn't given enough emphasis even with the fact that she was Romeo's first love. Romeo's feelings towards her just became a mere basis on how Romeo strongly loves Juliet more than her. As my analysis, Rosaline is just another word for 'forgotten' or 'ignored' and that was me, before I entered Rising Stars modeling agency. For now, i'm afraid that I can't narrate my life story. It's a bit personal and unrelated with the kind of business that I am with right now. I'm hoping for everyone's understanding. Thank you."

"taray mo girl.,di na ako magugulat kung may maghire ng private investigator para lang malaman kong saang lungga ka nanggaling.,pamysterious epek ka kasi masyado...Dinamay mo pa ang namayapa nang sina Romeo and Juliet.." kantyaw ni Jazz sa kaibigan matapos mabasa ang magazine na si Ciara/Rosaline ang cover.

"For what reason? I'm just a mere model para saan pa't malalagas din ako sa sexiest woman na yan...kay daming mas sexy dyan eh ako pa ang napunta sa posisyon." depensa naman ni Rosaline. Napaikot naman ang mata ni Jazz sa narinig.

"Like duhhh.,ang daming artista ang nais mapunta sa spot mo tapos ikaw na natanghal.,ayaw mo.Ewan ko sa'yo...ang labo mo."

"Tsk! ang mahalaga lang naman ay may mga mag-ooffer na kompanya at clients sa akin...nothing more nothing less. I can already be satisfied with that."

"Oh yun na nga eh., dahil sa no.1 ka na mas dadami ang mag-ooffer sa'yo. Kaya paghandaan mo na ang mga susunod na araw dahil alam kong ngayon pa lang di na magkaundagaga si Ate Leila sa kakaarrange sa mga appointments mo sa mga new clients..oh di ba bongga? Syempre kasama na ako sa makikinabang.."tuwang tuwa pang turan ng kaibigan. Napailing na lamang siya dahil batid niyang may katotohanan sa bawat sinabi ng kaibigan.

Sa totoo lang ay di naman niya dapat papasukin ang ganitong industriya pero dahil di naman siya makahanap dati ng matinong pagkakakitaan gamit ang kursong tinapos niya which is fine arts ay naengganyo siya ni Jazz na mag-apply as model sa Rising Stars. Totoo nga siguro yung sabi nila na kakaunti lang ang maswerteng yumayaman sa larangan ng sining. Sa kabutihang palad nga ay natanggap silang dalawa.

Natuto naman agad sila sa mga dapat at hindi dapat para sa isang modelo hanggang sa unti-unti silang nakilala at napaskil ang mga larawan at pangalan sa mga naglalakihang establishments and companies. May mga pagkakataon ding nagiging talent sila sa ilang mga pelikula,teleserye at nagiguest sa mga shows sa iba't ibang channels.

Sa kabila ng natatamo niyang kasikatan lalo na ngayon ay naging mailap siya sa pagkukwento sa media patungkol sa tunay niyang buhay. Lalo pa't nangangahulugan ito ng pagbabalik tanaw niya sa sakit at pait na dulot ng kanyang nakaraan. Hindi naman ito kahiya-hiya pero sadyang nakakabangungot.

Recalling our past may help us shape our future but some past isn't really meant to be remembered.

At least that's what Rosaline believes.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now