Chapter 14

5.1K 158 6
                                    

Habang nagmamaneho pabalik sa siyudad ay di maiwasang lumukob ang matinding panghihinayang sa puso ni Zach. Hiningi niya sa may-ari ng mansion ang mga gamit ni Ciara at agad naman itong pumayag. Napasulyap siya sa shotgun seat kung saan niya nilagay ang mga gamit ni Ciara.

Naalala na naman niya ang nakasulat sa huling pahina ng diary notes nito.

Diary,

Do I deserve to be left alone?

Birthdays and Anniversaries are suppose to be happy, right?

But why?

Why do they need to leave  me today?

Di ba pwedeng ipagpabukas nila ang paglisan?

Hindi niya masyadong maintindihan ang tunay na pinupunto ng huling diary log ni Ciara. He is well aware that he left her broken during her debut, pero bakit pakiramdam niya parang hindi lang siya ang nang-iwan sa kanya noong gabing yun.

Pinuntahan rin niya kanina ang dating tagpuan nila at nakakalungkot na nadatnan niyang sira na ito at halos wala ng bakas ng kubo nila noon, just like how he ruined their relationship.

Nagtanong tanong siya sa mga tao roon kung alam ba nila kung nasaan si Ciara ngayon, pero ni isa sa mga natanungan ay walang maisagot sa kanya.

Natigil siya sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya. Si Hans ang tumatawag.

"Bakit Missing in Action ka ngayon?" sigaw nito sa kabilang linya kaya nailayo niya sa tainga ang cellphone.

"Asan ka ba?" tanong ni Greg na hula niya'y inagaw mula kay Hans ang cellphone.

"Tsk! Chill guys. May importante lang akong inasikaso sa probinsya. I'll be there within 4 hours..i'm on my way." cool niyang sagot.

"Gaano ba yan kaimportante? Di mo man lang kami tinext..di ka pa sumasagot sa tawag namin. Akala namin nakidnap for ransom ka na.." exaggerated namang ani Hans.

"Gago! as if papayag ako.." depensa naman niya.

"tsk kahit di ka pumayag..criminals are wiser ..Kaya sa susunod magsabi ka naman sa mga whereabouts mo." tatawa tawang ani Greg.

"Your acting like his father. He's old enough to handle himself. Alam na niya ang ginagawa niya." sabat naman ni Rage sa kabilang linya. Napailing na lamang siya. Rage will always be Rage.

"tsk basta pabalik na ako..." anito saka binaba ang tawag.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating din siya sa wakas sa condo. Naligo siya at nagbihis saka iniwan ang mga gamit ni Ciara at napagpasyahan niyang pumasok sa Beliza. He still need to sign a lot of papers.

______*-*______

"Tandaan mong kailangang magpahinga ka ng isang linggo. Wag matigas ang ulo kung ayaw mong kutusan kita..." Paulit ulit na litanya ni Jazz kay Rosaline mula ng madischarge sila sa ospital hanggang sa nakarating sila dito sa condo niya.

"Yes Mom...masusunod po." sarkastiko namang sagot niya.

"Oy oy wag na wag mo akong kakausapin ng ganyan dahil baka di kita matansya..." badtrip na sabat ni Jazz. Napailing naman si Rosaline sa inaasta ng kaibigan.

"tsk wag mo naman ako idamay sa kabadtripan mo kay Paul. Masyado ka sigurong nag-assume kaya ka nasaksaktan ngayon." aniya na ikinatigil ni Jazz sa kakadada. Hinila niya ang kamay ng kaibigan para yakapin. Tinapik tapik pa nito ang balikat niya.

"Alam ko namang binabaling mo sa akin lahat ng dada mo para makalimutan mo ang balitang may fiancee na ang long time crush mo o crush mo nga lang ba si Paul? Hindi mo siya crush Jazz.,mahal mo na siguro. Di ka masasaktan ng ganyan kong crush lang yan...sabi sa'yo eh masyado na tayong matanda para magkacrush.." aniya habang patuloy ang marahang pagtapik tapik sa balikat ni Jazz. Natatawa namang naiiyak si Jazz sa dibdib niya.

"Akala ko kasi abot ko na siya kasi katrabaho ko na siya tapos kinuha pa niya number ko..yun pala may fiancee na. Kung di ko pa binuksan ang TV kanina sa ospital di ko malalaman." mangiyakngiyak na anito.

"tsk. Di kasi porque kinuha number mo may pag-asa ka na...masyado ka kasing ambisyosa bakla..." tatawa tawang tugon niya sa kaibigan. Umalis naman si Jazz sa pagkakayakap niya at pinunasan ang mga luha ng nakabusangot.

"wow salamat sa tawa at libreng lait ah friend.." puno ng sarkasmong sagot nito. Mas tumawa si Rosaline.

"Tsk di mo ba alam na ang tunay na kaibigan tatawanan ka muna bago icomfort.." tila nasisiyahan naman nitong depensa. Padabog namang tumayo mula sa kama niya si Jazz.

" kabwesit ka! Masyado kang magaling magmemorize ng linya..,kaya pati nakaraan mo eh memoryadong memoryado mo pa.." pambawi nito sa kanya. Siya naman ngayon ang napasimangot.

"talent ang tawag dyan." aniya

"Sandali nga Rosaline.,maiba tayo ng usapan. Wala ka bang napapansin kay Rage?" biglang tanong ni Jazz sabay balik sa gilid ng kama niya at naupo. Kumunot naman ang noo niya sa tanong ng kaibigan.

"Tsk! Iba talaga eh.. Iba. Ibang iba." binato ni Rosaline si Jazz ng unan.

"Ano ba yung iba? Iba ka ng iba dyan?" nginisihan naman siya ng kaibigan saka pinulot ang unan na nahulog sa sahig.

"Iba kung makatingin sa'yo. Yung tingin na parang nagbibigay insurance...." lalong nangunot ang noo niya sa eksplinasyon ng kaibigan.

"anong nagbibigay insurance? Ano siya SSS?"

"PAG-IBIG.." tatawa tawang  ani Jazz.

"baliw!"

"Pero hindi eh., pwera biro bakla. Yung mga tingin kasi niya sa'yo kakaiba. Yung tingin na nagsasabing " if you'll just see through me, you'll see yourself in me. You've always been a part of me and I'm more than willing to be a part of you.." yung ganun ba na tingin.." madramang paliwanag nito. Binato muli siya ni Rosaline ng unan.

"Yan! Yan ang napapala mo sa kakapanuod ng fairytale at romance.,puro ka pag-ibig akala mo tuloy gusto ka niya yun pala may mahal ng iba." singhal niya sa kaibigan. Humalukipkip naman si Jazz saka tumayo.

"Pilit mo talagang pinamumukhang umasa ako kay Paul eh nuh? Kabanas ka bakla! Di ko gawa gawa yung sinabi ko kanina. Totoo yun. Gusto mo next time i-analyze ko naman ang titig sa'yo ni Zach? Huh?" nanghahamong anito.

"tsk umalis ka na nga lang Jazz. Imbes na magpahinga ako sa stress free environment.,ini-stress mo naman ako." singhal niya rito. Umirap lang ito sa kawalan saka nakapameywang na hinarap siya.

"Hmp! Oo na aalis na. Ikakain ko pa sa condo ko ang heartache ko. Basta ikaw ah.,wag matigas ang bungo. Pag sinabing magpahinga.Magpahinga. Araw araw kita bibisitahin.." sumusukong paalam niya.

"OO na. Gusto ko rin namang magpahinga." sang-ayon niya.

"Good. Tandaan mo. Di lang career mo o ako o si Ate Leila ang maaapektuhan pag nagkasakit ka ng malala. Tandaan mong may Anak kang umaasa sa'yo!" serysosong ani Jazz. Natahimik siya at malalim na napabuntong hininga.

Yeah. She has a son.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now