Chapter 25

4.6K 125 2
                                    

"Congratulations.,Job well done guys.." batihan ng mga team na nakasama niya sa shooting para sa commercial ng VTS10.

"Ms. Rosaline.,Ms. Jazz. Salamat sa pagdalo.." panay din ang bati at pasasalamat sa kanila at malugod naman silang nakikipagbeso, nakikipagkamay at nakikisalamuha sa mga ito.

It was a simple celebration. Syempre di mawawala ang pagkain, alak, laro at sayawan. So far, Jazz and Rosaline is enjoying themselves.

"naku Rosaline.,ang lakas mo pala kumain.." asar sa kanya ng isa sa mga babaeng crew. Tumawa naman siya.

"obvious naman. Di nga ako kasing skinny ng ibang models eh.." ngingiti-ngiting aniya. Natawa naman yung mga crew.

"Bagay naman po sa inyo. Di ko rin maimagine hitsura niyo kung masyado kayong buto't balat." sabat naman ng isa.

"Sinabi mo pa. Kahit nga lumubo pa kayo.,maganda pa rin kayo.." sang-ayon pa ng iba. Ngumiti naman siya.

" Wala naman sa size ng katawan ang ganda. Nasa paniniwala yan. Kung naniniwala kang maganda ka.,ipush mo yan. Kaysa naman maganda ka nga sa tingin ng iba, di ka naman naniniwala." paliwanag naman niya.

"ahsus! nag-advice si bakla!" singit naman bigla ni Jazz kaya napatawa silang lahat.

"Tsk! Bida kontrabida talaga ito sa buhay ko eh." nakangiwi namang ani Rosaline. Tumawa lang si Jazz.

"Palibhasa kasi mas maganda ako..." proud namang depensa niya. Natawa na lang sila dahil di nila makuha ang koneksyon ng pinagsasabi ni Jazz.

"Bilib din kami sa friendship niyo eh..bihira na lang kasi ang tunay na magkaibigan sa mundo ng spotlight." komento ng camera man. Nagkatinginan naman sina Jazz at Rosakine saka sabay tumawa.

"Magkaibigan na kasi kami bago pa kami pumasok sa modeling kaya ilang years ko na ding pinagtitiisan ang kagagahan ni Rosaline." panlalaglag sa kanya ni Jazz. Binatukan naman niya ito.

"Lalo naman ako.,sa ating dalawa ikaw ang mas gaga. Ang dali mo kayang mag-assume.." depensa naman niya dahilan para humiyaw ang mga nakikinig.

"Ala! Ang daya Rosaline.,confidential yun eh! Tsk at least di tulad mo.,iyakin!" resbak naman ni Jazz. Nagtatawanan na ang karamihan at tila ineenjoy ang palitan ng dalawa ng argumento.

"sana kayo na lang yung mga artistang nakakatrabaho namin para masaya. Madalas kasi.,di namin sila abot.." natatawa pa ring komento ng isang crew.

"Naku! Di naman kasi kami artista. Maganda lang kami pero di magaling umarte..." feel na feel pang deklarasyon ni Jazz kaya muli'y natuloy ang tawanan. Maging si Rosaline ay nakikibaliw-baliwan na din. Hindi alintana ang dami ng mga matang nakamasid.

"Looks like your having fun.." biglang sulpot ng isang baritonong boses. Halos sabay sabay silang napatingin sa gawi ni Rage.

Nabitin naman sa ire ang tawa ni Rosaline ng makita ang pagmumukha ni Zach pero nagpanggap din agad na walang pakialam.

"Oh Sir.,kayo pala. Sinusulit lang po namin kasama sina Ms. Jazz at Ms. Rosaline.,ang saya nga nilang kakwentuhan eh,." sagot ng isang crew. Napasinghap naman ang karamihan ng ngumiti si Rage at napatingin sa gawi ni Rosaline.

"Hi Rage. Kami na ang bumida sa celebration kahit wala ka pa.." nakangiting ani Rosaline. Natawa naman ang ilan.

"It's okay. The celebration is really meant for you.." ani Rage na umani ng hiyawan at tuksuhan sa dalawa.

"Oy tama na. Baka maheadline kami bukas." natatawang ani Rosaline na di mapagkakailang namumula na.

"ehhh gusto mo naman..." tudyo pa sa kanya ni Jazz sabay sinisiko siya sa tagiliran.

Para di mapahiya ay pinasakan niya ng cupcake ang bunganga ni Jazz.

"hanoo vaaa!" ani Jazz na puno ang bibig ng cupcake. Natawa naman ang lahat.

"Maingay kasi..." binatukan siya ni Jazz saka dalidaling nag-excuse para pumunta sa washroom.

Bigla na lang tumugtog ang isang pampaindak na musika kaya napahiyaw at napasigaw ang lahat. Naghihilahan doon sa maliit na dancefloor. Natatawa na lamang si Rosaline habang pinapanuod ang mga nagsasayawan. May ilan na natutumba dahil sa siksikan at hilahan.

"wooowhhh" sigaw nila. Nagulat naman siya ng biglang sumulpot si Jazz at hinila na lang basta sina Greg at Hans sa dancefloor at sinayaw sayawan ang dalawa.

"eww Jazz. Ang gross mo!" natatawang sigaw ni Rosaline sa kaibigan. Kumindat naman sa kanya ang dalawang lalaki saka siya tinawanan ni Jazz.

"Inggit ka lang bakla. Di mo kasi alam gumiling.." tatawa tawang anito.

"Kaya ko!" nakahalukipkip na depensa niya.

"oh eh di patunayan mo.." balik sigaw ni Jazz. Umiling naman siya.

"Saka na lang pag may space na para may emphasis.." tatawa tawang aniya saka tumalikod papunta sa bar counter. Kumuha siya ng alak at iinumin sana ng may nang-agaw sa kanya.

"hmm orange juice?" bulalas niya ng makita ang ipinalit ni Rage sa alak na iinumin sana niya.
Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Rage dahil sa pagnguso niya.

"Wala kasing gatas kaya orange juice na lang.." depensa pa ni Rage. Natampal niya ang braso nito.

"Loko! Anong tingin mo sa akin? Baby?" parang siya naman ang natauhan sa tinanong dahil sa biglang pagdaplis ng alaala ng nakaraan sa isipan niya.

baby?

" Hey! you okay?" ani Rage sabay alog sa balikat niya. Saka naman siya bumalik sa realidad.

"ah oo. Tsk! Saan na ba kasi yun? Ayaw ko sa orange juice.." pagmamaktol niya. Nakangiti lang si Rage sa kanya. Amusement is dancing in his eyes as he is watching her.

"You still have photoshoot tomorrow. Kaya di ka pwedeng uminom ng alak..." biglang sulpot ni Zach kaya siya muling natense. Agad naman niyang pinakalma ang sarili sabay inom sa orange juice.

"there. Ininom mo din." tila proud namang ani Rage. Napasimangot naman siya.

"No choice." aniya saka pinaharap ang sarili kay Rage para maiwasan si Zach na nasa may likuran na niya ngayon. Nakasandal sa bar counter.

"BAKLA! Halika na! Masyado kang nag-eenjoy kay Rage ah. Maheheadline talaga kayo bukas. Sige ka!" biglang sigaw ni Jazz habang sinasayaw pa din sina Hans at Greg.

Sabay naman silang natawa ni Rage at mas matawa sila ng magkatinginan pa sila. Saka lang sila tumigil ng tumikhim si zach sa gilid.

"why don't you dance?" biglang tanong sa kanya ni Rage. Napailing naman siya.

"May trauma na kasi ako sa pagsayaw." natatawa niyang sagot pero deep inside yung nakaraan pa rin ang nasa isip. Napatitig sa kanya si Rage.

"trauma?" taka nitong tanong. Natense yata siya lalo na ng mahuli niya ang matamang pagtitig sa kanya ni Zach.

"ah wala..." kunwari naubo siya.

"you okay?" tumango siya.

"excuse me lang hah?" tumango naman si Rage.

Nahagip pa niya ang pagsunod ng tingin ni Zach sa kanya papunta sa washroom.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now