Chapter 31

4.8K 140 2
                                    

"tskkk kulang na lang talaga.,mukha na ni Rosaline ang maging laman ng bawat kalye at establisyimento ngayon..kita mo oh..." ani Hans sabay turo sa mga naglalakihang billboard ng modelo na tanaw mula sa glass wall ng opisina ni Zach.

" ani Hans sabay turo sa mga naglalakihang billboard ng modelo na tanaw mula sa glass wall ng opisina ni Zach

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Di naman napigilan ni Zach na mapatitig sa gawing nakasuot ng medyo kapiranggot na damit ang dalaga.

Naalala pa niyang binigyan niya ito noon ng roba pantakip

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naalala pa niyang binigyan niya ito noon ng roba pantakip. Napaiwas muli siya ng tingin ng maramdaman niya ang titig sa kanya ni Rage.

"Anong magagawa mo kung ganyang beauty ang in demand ngayon sa market..." naiiling namang ani Greg. 'Ang sarap busalan ng mga ito'  sa isip isip ni Zach.

Napabuntong hininga na lamang siya saka napahawak sa sintido. Ilang linggo na ang nagdaan at talagang mataoos ang photoshoots ng dalaga sa kompanya ay di na siya nagkaroon ng tsansa para makita ang dalaga.

Kulang din naman kasi ang effort niya para sundan ang dalaga. Sa ilang araw niyang pag-iisip ay napagtanto niyang kailangan niyang makabawi sa panahong lumipas sa kanilang dalawa.

Hindi lang niya mawari sa ngayon kung anong dapat gawin gayong may Rage na pakiramdam niyang malaking hadlang sa dapat niyang gawin. Madalas niyang mabalitaan mula kina Hans at Greg na nagkikita at nasusundo nga ni Rage si Rosaline galing trabaho.

Nagngingitngit man ang kalooban niya sa kaalamang ito ay wala naman siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Simula't sapul siya naman ang nagpasimuno ng lahat. Kung natuto sana siyang makuntento noon ay di naman siya hahantong sa ganito.

"Oh anong balak mo Zach? Inaasikaso mo na ba ang divorce papers mo para pag nahanap mo si first love ayos na?" biglang tanong ni Hans na nagpaangat ng tingin ni Zach sa kanila. Maging si Rage na busy na naman sa magazine ay napaangat ng tingin sa kanya.

"Tsk Hans.,bakit yan ang tanong mo? Dapat kung nahanap na ba niya? Ayaw kasi patulong eh tsaka malay mo may asawa na yun.." komento naman ni Greg at ramdam niya ang mas matiim na titig sa kanya ni Rage. Tila may nais ipahiwatig sa bawat titig niya. Kung ano man yun ay di niya alam.

"Darating din tayo dyan." simpleng sagot nito. Namataam uli niya ang pag-iling ni Rage.

"May bago ka na din palang sekretarya. Ganda ah.." komento bigla ni Hans. Naalarma naman si Zach.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now