Chapter 16

5K 132 2
                                    

Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Rosaline mula sa pagkakatulog. Nasapo niya ang ulo at napasuklay ng mariin sa buhok dahil sa panaginip.

After almost 10 long years.,saka lang niya nalaman na ganun pala ang nangyari sa gabing iyon. Goodness! She buried herself for that long years hating that man and yet she was the one who initiated everything.

How can she be so fool? Bakit kasi siya nagpunta sa bar na yun mag-isa samantalang alam niya sa sarili niyang di siya palainom at mababa lang ang tolerance niya sa alak. Hindi sana nangyari yun kung nag-isip lang sana siya ng matinong gawin sa gabing yun. Indeed, everything was her fault.

JC

Bigla namang nanaig ang pusong ina niya ng maalala ang gwapong anak. Despite everything God still gifted her with a very wonderful child.

Flashback

"bakla..anyari sa'yo? Saan ka ba galing? Di ka na nga umuwi kagabi tapos hapon ka na pa dumating. Di ka man lang sumasagot sa mga tawag ko..." hindi na naituloy ni Jazz ang panenermon ng makita siya nito na muling humahagulgol sa iyak. Agad siya nitong yinakap at inalalayan paupo sa lumang sofa sa apartment nila.

"Wala na. Wala na. Ang tanga tanga ko, Jazz. Ang tanga tanga ko..." humahagulgol na pagtangis niya.

"ano ba yung wala na? Ano ba yun hah? Linawin mo naman.." naiiyak na ding tanong ng kaibigan habang mahigpit siyang nakayakap sa kanya.

"Di na ako virgin..." hirap na usal niya na nakapagpakalas sa yakap ng kaibigan mula sa kanya.

"Ano?" sigaw na tanong ni Jazz na mas lalong ikinahagulgol niya. "Ano ka ba naman Ciara! Bakit ka ba naman kasi tumuloy eh mag-isa ka..Sinong nakakuha hah?" tanging iling lang ang naisagot niya dahil ni isang detalye ng lalaki wala siyang maalala maliban sa pag-iinom niya sa bar.

'Hindi ko alam..wala akong maalala. Wala talaga kahit pigain ko ang utak ko wala talaga. Basta nagising na lang ako sa isang hotel na hubad at may dugo sa kobre kama...at napakasakit sa baba ko...hirap pa akong maglakad kanina..Amg sakit-sakit..." humahagulgol na paliwanag niya. Wala namang ibang nagawa si Jazz kundi yakapin siya at patahanin.

Mula noon, halos isang linggo siyang di pumasok sa trabaho at school. Nagmukmok lang siya sa apartment. Galit siya sa sarili lalo na sa lalaking lumapastangan sa kanya.

"Ano ba Ciara! Ganyan ka na ba? Tutunganga ka na lang dito? Paano ka mabubuhay ng ganyan? Paano mo papatunayan sa mga nang-iwan sa'yo na kaya mo kung magmumukmok ka lang dito? Walang nasosolusyunang problema sa pagmumukmok Ciara!" pasalamat siya noon at sinigaw sigawan siya ni Jazz kaya siya natauhan at bumalik sa skul at trabaho. Pero di niya inaasahang buntis pala siya. Nalaman niya ito ng may isang buwan na ang buhay sa tiyan niya.

"Anong gagawin ko Jazz? Makakaya ko bang buhayin siya? Mag-isa na ako oh .. kawawa naman siya.." naiiyak niyang turan. Padabog namang tumayo si Jazz saka siya hinarap.

"Tanga ka ba?! Anong mag-isa. Ciara andito ako. Di kita iiwan at yang batang nasa sinapupunan mo.,buhayin mo. Alagaan mo. Anuman ang nagawa mo para mabuo yan hindi niya kasalanan yun kaya wag mo siya idamay..Matatag ka nang maituturing matapos ng mga nangyari sa'yo. Ngayon ka pa ba susuko? huh?" niyakap na lang niya ang kaibigan dahil sa patuloy na pagtitiyaga sa kanya.

Mula noon ay walang sawa siyang inalalayan ni Jazz na katulad niya'y napag-iwanan din sa buhay kung wala lang siyang kaisa-isang tita na umaagapay sa kanya ay halos pareho na siguro sila ng sitwasyon. Iniwanan.

Natapos niya ang unang semestre as firt year college sa kursong fine arts ng di pa kita ang umbok sa tiyan niya. Pero noong second sem ay di na siya nag-enrol at di na din pinapasok sa resto. Tumuloy na lamang siya sa Tita ni Jazz at doon namalagi. Tumulong siya sa bakery nito hanggang sa makapanganak siya.

Lahat ng sakit na pinagdaanan ay tila nawalis dahil sa pagsilay niya sa munting anghel ng buhay niya. She named her son, Jansen Cruise Henson.
Hands on siya sa anak sa unang dalawang buwan nito hanggang sa inalok siya ng tita Marisol ni Jazz na siya na ang bahala sa bata at mag-aral na lamang siya. Nag-aalangan siya noong una pero ng maglaon ay naisip niya ang kinabukan ni JC kaya minabuti niyang pumayag. Naawa pa siya noon sa baby dahil imbes na direkta sa kanya galing ang gatas ay kailangan pa itong magbottle feeding. Wala rin kasing masyadong gatas ang dede niya.

Once a week na lang kung dalawin niya ang anak sa bahay ni Tita Marisol kaya kahit mahirap ay tinitiis niya para na rin sa kinabukasan nilang mag-ina. Nagtatrabaho siya habang nag-aaral, wala siyang panahon sa iba lalo na sa pakikipagligawan kahit madami namang nagkakainteres sa kanya. Wala na siyang mapagkatiwalaan na lalaki matapos ang lahat ng napagdaanan.

Samantala, pag saturday at sunday ay umuuwi sila ni Jazz kay tita Marisol para makasama si JC. Noon madalas ito magtanong tungkol sa ama pero habang lumalaki ay tila nagsawa na rin ito sa katatanong.

Halos apat na taon na ganun ang routine niya hanggang sa makatapos siya ng pag-aaral. Naghanap siya agad ng trabaho pero sa kasamaang palad ay wala agad siyang nahanap na related sa kursong kinuha. Kaya ng makilala nila si Leila Fuentes mula sa Rising Star Agency ay sabay sila ni Jazz pumasok bilang modelo.

Nahirapan sila sa puspusang training kaya halos maiyak na siya lagi sa sobrang pagkamiss sa anak pero tiniis niya lahat pati pangungulila sa anak alang-alang sa pangarap na maginhawang buhay para sa anak. Kinailangan din niya itong itago sa publiko magpahanggang sa ngayon. Good thing his son is mature enough to understand her job.

Anyway, when she was already picked as official model saka niya napili ang Rosaline as her screen name, bilang simbolismo sa nakaraang pinagdaanan.

End of Flashback

Pagkagaling niya noon sa bayan nila ay nakilala agad niya si Jazz sa terminal ng bus at ito ang nagdala sa kanya sa apartment na tinitirhan. Matipid siyang tao kaya kahit papaano ay may ipon siya noon at nagamit niya sa pagbili ng mga pangangailangan niya. Nang magkapalagayan na silang dalawa ng loob ay saka sila nagsama sa iisang apartment.

"Ang lalim yata ng iniisip mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Jazz. Binisita na naman siya nito.

"Oo..medyo nasobrahan siguro ng tulog.." dahilan niya pero ang totoo'y ayaw lang niyang ikwento na napanaginipan na niya ang nangyari sa kanya noong gabing yun kaso di naman malinaw ang mukha ng lalaking naakit niya ng gabing yun.

"hmmm nga pala bakla...free ako ng three days. gusto mo uwi tayo kina JC?" bigla akong nabuhayan sa balita niya.

"seryoso Jazz?" tumangotango naman ito kaya agad siyang napatango at patakbong pumasok sa kwarto para maghanda.

Miss na miss na niya si JC. Alam niyang makita lang niya ang anak ay gagaan na ang pakiramdam niya.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora