Chapter 27

4.4K 151 5
                                    


Mag-aalascuatro na ng hapon pero nakatulala pa rin si Zach sa kawalan habang nasa opisina niya. Kanina pa pinauwi si Rosaline para makapagpahinga dahil bukas ireresume ang shoot.

God knows how much he wanted to follow her pero ayaw naman niyang matakot ito ng tuluyan lalo pa't ilag na ilag ito sa kanya.

knock knock

"Come in.." aniya saka umayos ng upo.

"Ah sir.,itatanong ko lang sana kung maiinterview niyo pa ba yung nirecommend kong sekretrya.,kasi pwede naman siyang dumaan ngayon na." ani Anna. Tumango naman siya.

"Sige Sir. Papasukin ko na lang pag andito na siya." muli siyang tumango bago lumabas si Anna. Kaninang umaga pa dapat niya ininterview ang inirekomenda ni Anna kaso mas inuna niyang panuurin si Rosaline.

He sighed and resumed reading and signing some important papers of Beliza. Mayamaya'y narinig niya ang dalawang katok at ang pagbukas sara ng pinto.

"Please have a seat." aniya ng hindi tinitingnan ang pumasok.

"Good Afternoon, Sir." bati naman ng isang babae. Doon na siya nag-angat ng tingin. Ganun na lang ang pagkagitla niya ng makilala ahg babae.

"Jessica?!" gulat niyang anas. Tila napapahiya namang umupo si Jessica(Ciara's big sister., if you can still remember from the flashback)

"Ikaw yung nirekomenda ni Anna?" nagugulat pa rin nitong kompirmasyon pero nanaig ang pag-asa na baka siya ang magiging daan para makita na niyang muli si Ciara.

"Yes sir. Di ko naman inexpect na ikaw pala ang magiging boss ko." tila kinakabahang sagot ni Jessica.

"Relax Jessica.." medyo natatawang ani Zach. "Ako lang ito.,and just call me Zach. I'm no boss. Kumbaga nagttraining pa lang ako.." aniya para maging casual ang usapan.

"Salamat. Ito pala resume ko." kinuha naman ni Zach yun at di pinagkaabalahang buklatin.

"Since I need a trusted and reliable secretary with experience to replace Anna.,I might as well hire you..." nakangiting ani Zach. Gulat naman si Jessica na napatitig kay Zach.

"Seryoso ka Zach? Ni hindi ka man lang nagtanong sa akin. Malay mo scammer pala ako.." natawa naman si Zach sa sinabi ni Jessica.

"I trust Anna's information but I trust you more. I have known you ever since.." anito.

"Maraming pwedeng magbago sa paglipas ng panahon Zach pero dahil kailangan ko ng trabaho, di na ako mag-iinarte. So hired na talaga ako? Wala ng bawian?" pangungumpirma nito. Nakangiti namang tumango si Zach.

"Kawawa naman si Anna. I also want her to rest. Naaawa ako kapag bigla na lang siyang naduduwal." sagot niya.

"Naku salamat. The search is over na ako. May kambal na kasi akong kailangang buhayin." paliwanag naman niya. Nakuha niya ang atensyon ni Zach.

"oh really? May lahi pala kayong kambal?" takang tanong ni Zach.

"Wala naman baka yung ama nila." anito saka ngumiti ng mapait. Tumango naman si Zach.

"Can I ask you a lot of questions?" kahit nag-aalangan ay tumango din si Jessica sa tanong ni Zach.

"What happened 10 years ago? Bumalik ako sa Sta. Rita pero 10 years na rin pala kayong wala doon sa mansion. Nasaan kayo ngayon?" napayuko si Jessica dahil sa mga tanong ni Zach.

"How's Ciara? Where is she?" doon na tuluyang tumulo ang luha ni Jessica. Di na niya mapigilan ang emosyon.

Tumayo naman si Zach para lapitan si Jessica. Inabutan niya ito ng panyo.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now