Chapter 32

4.3K 128 2
                                    

"Sorry Ciara..patawarin mo kami nina Papa...Sobra kaming nagsisisi dahil sa pag-iwan sa'yo. Kasama ko ngayon si Papa at miss na miss ka na niya. Sobra siyang nagsisisi. Araw-araw niyang hinihiling na sana dumating yung araw na mapatawad mo siya..kami. Patawad Ciara...patawarin mo kami..." patuloy na paghingi ng tawad ni Jessica habang nakaluhod siya at nakayuko sa harapan ni Rosaline na parang nabato sa kinatatayuan pero walang tigil ang pag-agos ng kanya luha.

Hinawakan ni Jessica ang kamay niya habang patuloy sa paghingi ng tawad.

"Patawad Ciara. Sorry dahil naging makitid ang utak ko. Patawad kasi iniwan kita..." pilit niyang inalis amg pagkakahawak ni Jessica sa kamay niya saka pinahid ang mga luha sa pisngi. Tumungo siya para maharap ang kapatid.

"Hindi ako galit Ate..pero sana wag na lang kayo magpapakita sa akin. Kasi, akala ko sapat na ang isang dekada para maghilom ang sugat na iniwan niyo sa puso ko, pero mali ako. Kasi habang nakikita ko kayo ngayon ni Zach, sumisikip yung dibdib ko sa sobrang sakit. Di ako galit pero yung pait andito pa rin eh..." aniya sabay duro sa dibdib niya.

"Ok na sa akin. Tanggap ko na iniwan niyo na ako at napatawad ko na kayo ng matagal pero hindi ibig sabihin nun na na hindi na ako nasasaktan, kasi masakit pa rin eh. Ang hapdi pa rin.." dagdagpa niya saka tuluyang humakbang palayo sa kanila. Sa nakaluhod na si Jessica at sa dalawang lalaki na nakabantay sa kanila.

"Ate..,pakikumusta na lang ako kay Papa.." nahihirapang aniya kahit sabik din sa yakap ng ama.

Darating din ang araw na maluwag ko nang matatanggap ang lahat. Pa, Ate, Zach...masakit pa rin kasi eh. Sobrang sakit pa rin.

She was mindlessly walking kahit nanlalabo ang mga mata, nakaramdam na din siya ng hilo. Bago pa siya matumba ay may matitigas ng braso ang sumalo sa kanya, bago siya nilamon ng kadiliman.


 Bago pa siya matumba ay may matitigas ng braso ang sumalo sa kanya, bago siya nilamon ng kadiliman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

He can't help but gently caress her hair. Dalawang oras na siyang tulog at halatang mugto pa din ang mga mata sa kakaiyak kanina.

He heaved a deep sigh as he recalled how vulnerable and hurt she was a while back. Kung pwede lang niya kunin ang sakit na nararamdaman nito ay gagawin niya.

"mmmmm" ungol ni Rosaline kaya agad siyang lumapit rito.

"ssssshhhh..." paghihili niya sa dalaga sabay marahang tinapiktapik ang balikat nito. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Rosaline. Napabagsak tuloy siya sa tabi nito at napasubsob si Rosaline sa dibdib niya.

Bigla namang pumasok si Jazz sa kwarto ni Rosaline kaya naabutan sila sa ganoong lagay. Gulat man ay napalitan ng pilyang ngisi ang reaksyon ng babae.

"Enjoy mo lang yan habang di pa aware si Rosaline sa pinaggagagawa..." bulong ni Jazz kaya napapailing na lamang siyang umayos ng higa. Lalo namang naging impit ang tili ni Jazz dahil sa lalong isiniksik nito ang sarili sa kanya. Animo'y ayaw siyang pakawalan.

"Sige...enjoyyy..." nanunudyong ani Jazz saka marahang lumabas sa kwarto. Naiwan tuloy siyang pawisan sa piling ni Rosaline.

Huminga siya ng malalim saka hinaplos muli ang buhok ng dalaga.

"I'll surely savor this moment coz this might be the last.."  bulong niya sa dalaga habang ito'y mahimbing na natutulog sa kanyang piling.

"I'll always love you .
May you be Rosaline or Ciara Henson.."

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now