Chapter 4

6.4K 189 7
                                    


Kagabi pa di mapuknat ang ngiti ni Rage sa labi. Mapagkakamalan mo na nga siyang baliw sa inaasta. Maliban sa di naman siya madalas ngumiti ay napakaseryoso din niya lalo na kapag nasa trabaho. Nanglibre na nga siya sa buong staff sa last floor ng VillaTech building dahil nandoon ang opisina niya.

Halos lahat ng bumati sa kanya pagpasok pa lang niya sa kompanya ay binati niya pabalik kaya di mapagkakailang nagulat ang mga ito. Napailing na lamang siya. Bakit nga ba siya hindi sasaya eh nakausap niya sa tawag kahapon si Rosaline for the first time mula ng maging taga-hanga siya ng modelo.

"Hello. Who's this?" seryosong aniya habang nasa kaliwang tainga ang cellphone.

"Hello Mr. Rage Villaflor..." kumunot ang noo niya dahil sa babae ang sumagot. Di niya maipagkakailang napakaganda sa pandinig ang boses nito kaso wala siyang panahon makipaglaro. Akala niya isa ito sa mga babaeng lumalandi sa kanya pero ng ibababa na sana niya ang telepono ay nagpakilala na ang babae na lubos niyang ikinagulat at ikinasaya na rin.

"This is Rosaline., My manager instructed me to call you if I happen to decide on signing your company's contract.." dugtong nga nito. Napatikhim siya para di mahalata ng kausap ang ngiti na pilit niyang sinusupil.

"So this call means your finally signing the contract?" pilit ang pagseseryosong aniya.

"Yes, Mr. Villaflor." sagot nito na halos ikatalon niya sa tuwa.

"Ok then. I'll be expecting you tomorrow 10am sharp. I don't have time to waste in waiting..." pilit ang pagseseryosong aniya kahit gusto niyang kutusan ang sarili sa sinabi.

"Yes Mr. Villaflor. Thank You."

"hmmm.." tanging aniya kaya ganun na lang din ang panghihinayang niya ng tuluyan ng nagpaalam ang kausap. Mayamaya'y napalitan iyon ng saya.

"YES!" di niya napigilang isigaw kaya tuloy nagitla ang sekretarya niya. Tumikhim naman siya saka seryosong bumalik sa upuan at ng lumabas na ang sekretarya ay sisipol sipol siyang nagbalik trabaho saka tinawagan si Zach.

Naipilig niya ang ulo dahil sa naalala. Tama si Hans iba na talaga pag tinamaan ka ng lintik! Hardcore!

"Good Morning Sir..tumawag po pala kanina ang manager ni Ms. Rosaline. On the way na po sila." imporma ng sekretarya sa kanya. Tumango lang siya kahit gusto na niyang mangiti. Nang lumabas na ang sekretarya niya ay agad niyang chineck ang relo...

20 minute before 10

Di siya magkaundagaga sa kakaayos ng mga papeles sa table niya at maging ang sofa sa opisina niya ay pinagpagan niya ito.

tsk i'm really losing it!

Maya maya'y kumatok ang sekretarya niya senyales na naroon na ang hinihintay.

"Send them in,.." aniya na pilit pinaseryoso ang boses. Akala niya kasi sina Rosaline na yun pero ganun na lamang ang inis niya ng makitang yung mga kaibigan niya ang pumasok.

"What's up Rage!" puno ng enerhiyang bati sa kanya ni Hans pero di niya ito pinansin dahil sa pagkakalukot mg mukha.

"Aha! I know that face.,akala mo si Rosaline ang papasok ano?" kantyaw sa kanya ni Greg sabay tawa at nakipagfist bump pa kina Hans at Zach na nakikitawa na rin.

"tsk! Just shut up! They'll be here in a minute..." pambawi niya sa pagkapahiya kanina sa pag-aakalang si Rosaline na ang papasok.

"Ok.." simpleng ani Hans saka siya naunang umupo sa may sofa. Sumunod na rin ang dalawa at prente na siyang napasandal sa swivel chair niya.
Napapikit siya sandali para pagtakpan ang kaba at excitement na nadarama para sa pagkikita nila ni Rosaline. Ang babaeng noon pa lamang niya pinapangarap pero sa niyaman yaman niya ay tila di niya kayang abutin.

"Oy wag mo naman kaming tulugan.." pagpapansin sa kanya ni Greg pero di siya nagmulat ng mata.

"Hayaan niyo na ...nag-iimagine lang siya."tatawa tawang ani Hans.

Di niya na lang pinansin ang mga iyon at pinagpatuloy ang pagmumuni-muni. Di tuloy niya namalayan na may nakapasok na pala sa opisina niya. Nang maramdaman niya ang pagtahimik ng mga kaibigan ay napamulat siya at tumingin sa gawi nila. Lahat sila nakatingin sa may pintuan at maging siya ay napatingin din doon.

Pakiramdam niya nagslow motion ang lahat ng pumasok na si Rosaline na sumusunod sa manager nito.

"Good Morning Mr. Villaflor...sa inyo rin mga pogi..." bati sa kanya ng manager at sa mga kaibigan niya. Na kay Rosaline lang ang tingin niya na nakatingin lang din sa kanya. Nagitla pa siyang ng ngumiti ito sa kanya.

 Nagitla pa siyang ng ngumiti ito sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Shit! I can't breathe..

Simple lang ang suot nito ngayon. Just jeans, white top and accessory. Hindi rin heavy ang make up niya kaya mas lalong lutang ang natural nitong ganda.

"Good Morning Mr. Villaflor. Nice to finally meet you. You look more handsome in person kaysa sa magazine..." nakangiting ani Rosaline. Gusto niyang sabihin sa dalaga na "ikaw din. Alam mo bang mas maganda ka pala kaysa sa mga larawan mo sa mga kinolekta kong magazines..." pero nabalik siya sa huwisyo ng tumikhim ang mga kaibigan.

"Thank you Ms. Rosaline. You're effin' gorgeous as always. Please have a seat. Don't mind my lunatic friends.." anyaya niya sa mga bisita.

"Ganyanan na Rage. Di mo man lang kami ipapakilala.." hirit ni Hans na napatayo at naglakad palapit kina Rosaline na tila naamuse sa mga kaibigan niya.

"Hans Tiu..." aniya saka nakipagkamay kay manager at humalik naman sa kamay ni Rosaline. Sumama naman ang tingin ni Rage dito lalo na ng gayahin siya ni Greg.

"Greg Montero.."

Napansin naman niya ang sandaling pagkagitla ni Rosaline ng bumaling siya sa gawi ni Zach pero agad din itong nakabawi at ngumiti.

"Zach Fletcher...And I would like to talk to you in a while after you settle the contract with Rage. Will it be fine with you?" casual na pagpapakilala ni Zach pero di siya tanga para di mapansin ang paghanga sa mga mata nito.

Ngumiti naman si Rosaline saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Zach.

"Ok." alanganing sagot nito saka bumaling kay Rage ng nakangiti at sumunod na umupo sa kanang bahagi ng visitor's chair kaharap niya.

Sandali niyang tinawagan via intercom ang sekretarya niya para ipasok ang kontrata.

"Ok. Here's the contract. Kung may tanong kayo just fire away. I'm more than willing to answer your queries.." aniya habang kay Rosaline nakatingin na busy sa pagbabasa sa kontrata.

tss sana kontrata na lang ako para ako yung pinagtutuunan niya ng atensyon ngayon

Damn, this is not me. I've never been jealous dahil sa isang bagay at sa kontrata pa!

Seriously?!

Napailing si Rage kaya napatingin tuloy siya sa gawi nina Hans na nakangising nakatingin sa kanya. Di naman nakatakas sa paningin niya ang matamang pagtitig ni Zach kay Rosaline.

Zach, your gaze is alarming me..

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now