Chapter 22

4.7K 128 3
                                    


Kakatapos lang ng first part ng commercial at heto ngayon sina Rosaline pauwi. Ihinilig niya ang ulo sa may bintana ng van na sumundo sa kanila. Katabi niya si Jazz na tila may katext, kanina pa.

"Whatever thought is hindering you to do this, get over it.Just imagine that you'll miss half of your life if you will let this oppurtunity pass."

Malalim siyang napabuntong hininga dahil na naman sa naisip.

"ang lalim nun ah!" napatingin na lang siya sa labas dahil sa pagpansin sa kanya ni Jazz.

"bakla.,kanina pa ako nagtitimping magtanong ah. Ano ba talagang napag-usapan niyo ni Rage at mula nun ay parang ang lalim na ng iniisip mo? Nagtapat ba sa'yo? Ano na?!" pangungulit sa kanya ng kaibigan. Muli siyang napabuntong hininga.

"Kinausap niya ako para sa Beliza."

"Oh! Payag ka na kasi. Magkakatrabaho na nga tayo ayaw mo pa! Tsaka.,di ba nga sabi sa atin ni Tita Marisol noon na., kapag madaming hadlang sa gusto mo it's either sinusubok ka lang o di talaga yun para sa'yo. Pero pag madami namang nang-uudyok sa'yo na gawin ang isang bagay.,sundin mo ang desisyon ng puso mo pero isama mo lagi  ang isip mo. Dahil malamang sa malamang nakalaan yun  para sa'yo." sagot sa kanya ng kaibigan. Naalala nga niya yun mula sa payo ni Tita Mirasol noong nag-aalangan sila na magmodel.

Napapikit siya ng mariin saka nagsalita.

"Payag na ako." anito kaya napatili si Jazz.

"Jusko! Salamat at nagkaisip itong kaibigan ko. Tatawagan ko na siya!" tili nito kaya napatitig siya kay Jazz na nagdadial sa cellphone.

"Teka.,sinong tatawagan mo?" takang tanong niya. Ngumiti sa kanya si Jazz sabay pakita sa phone. Nalaglag ang panga niya sa nabasa...

Calling Zach....

"Jazz.,wag!" pero huli na dahil nasagot na ni Zach ang kabilang linya. Nakaloudspeaker pa.

"Hello Jazz. Pumayag na ba?" She froze.

____________*-*_____________

"Hello Jazz. Pumayag na ba?"agad niyang tanong pagkasagot sa telepono. Nailayo naman niya ang cellphone sa tainga dahil sa pagtili ni Jazz sa kabilang linya.

"Oh yeah Zach. Pumayag na siya. Ihanda mo na ang kontrata..." anito na halatang tuwang tuwa. Maging si Zach tuloy ay di mapigilang mapangiti dahil sa balita.

"Sure Jazz. I'm on it.."

"Basta. Tuparin ko yung double payment ah.." dagdag pa ni Jazz.

"oyy Jazz mahiya ka naman.." Rinig niyang ani Rosaline sa kabilang linya. Di niya mapigilang mas mapangiti.

"Of course Jazz. You have my word.." Tumili muli si Jazz at hula niya'y niyayakap pa niya si Rosaline.

"Sige Zach. Kausapin ko pa itong kaibigan ko.." ani Jazz saka ibinaba ang tawag. Di naman mapigilang mapasuntok sa hangin si Zach.

"Yes!" di niya napigilang maibulalas.

"Oh anong meron?" tanong sa kanya ni Greg. Andito muli sila sa bar ni Hans.

"pumayag na siya." anito habang di mabura ang pagkakangiti. Nahagilap naman ng mata niya ang biglaang pagdaan ng ngiti sa labi ni Rage.

"Si Rosaline?!" tila di mapakaniwalang ani Hans. "wow..kaya pala nararamdaman kong dapat tayong magcelebrate ngayon..."dagdag pa nito.

"Paano siya napapayag?" taka namang tanong ni Greg. Napatitig naman si Zach kay Rage dahil alam niyang may kinalaman siya sa pagpayag ng dalaga.

"woah..I knew it! Yun ba yung pinag-usapan niyo nung pinasok mo yung tent niya?" ngingisi ngising ani Hans. Napangisi din si Rage saka nag-iwas ng tingin.

"She has her own desicion. I just helped her think about it." anito saka nilagok ang alak. Napabuntong hininga naman si Zach saka tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Thanks man." pagpapasalamat niya. Tinanguan lang siya nito. Bukal naman sa loob niya ang pagpapasalamat pero yung katotohanang siya pa rin ang nagpapayag sa dalaga ay lubos yata niyang pinagseselosan.

Naipilig niya ang ulo.

the heck! What? I'm jealous?

Doon naman nasagi sa isip niya si Ciara. Hanggang ngayon di pa rin niya mahanap kung nasaan ito. He used all his connections pero tila may humaharang sa imbestigasyon niya.

"Anyway.,how's your search for her?" biglang tanong ni Rage na nakaagaw sa pansin din nina Hans at Greg.

"Malabo pa rin. Dead end lagi." dismayadong aniya.

"Need help?" offer ni Greg pero napailing siya agad. Ayaw niya. He knows how he stirred their curiousity about Ciara especially Greg. Hindi niya alam kong saan niya hinuhugot ang possessiveness niya kay Ciara.

Baka nga may asawa na ito ngayon eh. Hindi niya mapigilang makaramdam ng panghihinayang.

"tss wag ka masyado umasa Zach. You might not know.,pamilyado na siya ngayon at ikaw din. Sinayang mo noon kaya malamang may sumalo na sa kanya ngayon." ani Greg saka sumimsim ng alak. He perfectly knew his point.

"If that's the case.,i'll still look for her. I'll chase for her forgiveness..na dapat noon ko pa hiningi." aniya. Maybe, if Ciara forgives her already. Gagaan ang bigat sa kalooban niya.

Maybe by then, everything will fall into place.

"Ang seryoso naman ninyo mag-usap. This is a celebration di ba?" biglang singit ni Hans, breaking the awkward silence.

"Cheers for Beliza!" dagdag pa ni Hans sabay taas ng baso. Natawa lang sila sabay kanya kanyang inom ng alak.

"I'll go first. I still have unfinish paper works.." pagpapaalam ni Rage mayamaya. Tinanguan naman nila ito dahil batid nilang di naman nila mapipigilan ang pag-alis niya.

"tsk! Workaholic! Akala mo naman pamilyado at kailangang kumayod ng todo para sa future ng mga anak.." naiiling na komento ni Hans ng makaalis na si Rage.

"Kung babae ako.,baka madivorce ko yan. He's so uptight. Parang di alam maging sweet." ani Greg na napapailing.

"Tsk! Malay mo bang sweet pala siya pag private place. Di ka babae kaya di mo naramdaman yun mula sa kanya." depensa naman ni Hans.

"He only knows how to stare at Rosaline.,but he's never making a move." ani Greg.

"Di pa ba make a move yung pag-offer niya kay Rosaline bilang model at yung pagkausap niya dito. Magkakaiba lang kasi tayo ng technique." pagtatanggol naman ni Hans kay Rage. Natawa na lang si Zach sa bangayan nila.

"Wala kasi kayo noong naospital si Rosaline. He's cheesy. It will make you vomit if you happen not to believe in love." komento naman ni Zach na nakaani ng reaksyon. Napaiwas muli siya ng tingin dahil sa naalalang eksena sa ospital.

Alam niya sa sarili niya kung gaano niya hiniling noon na sana nakakausap din niya ng ganun ang dalaga. He still can't fathom the reason why he badly wants Rosaline, not for Beliza but seemingly for himself.

"Rage, am I turning into a traitor because I'm starting to like her even more? " bulong ng isip niya.

She reminds me of Ciara, Rage.

What if she really is Ciara?

Will I give way for you?

Or will I start to be selfish all over again?

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now