Chapter 40

6.7K 126 23
                                    


"JC.,bakit kanina ka pa yata nakabusangot dyan?" takang tanong ni Ciara sa anak. Simula kasi ng magbakasyon sila kahapon dito sa private resort nina Greg ay di masyadong umiimik ang anak niya.

Naipakilala niya na rin kasi ito sa ama niya at sa Ate Jessica niya at mga kakambal nito. Doble naman ang naging saya niya ng makitang tuwang tuwa ang anak na makilala ang mga ito lalo na ang lolo at sina Jerick at Joshua, ang kambal na anak ng ate niya.

Kasalukuyan nga silang nagbabakasyon ngayon kasama si Zach at mga kaibigan niya. Selebrasyon daw. Isang linggo na din mula ng umuwi sina Selena dito at si Cheska. Kahapon ay bumalik na din sila agad sa Italya upang asikasuhin ang nalalapit na kasal niya sa isang Italyanong negosyante.

Falshback...

"Daddy..." napaiwas siya ng tingin ng takbuhin ng anak niya si Zach. Halata sa mukha ng mag-ama ang sobrang pangungulila sa isa't isa.

"Cheska....miss na miss ka ni Papa..." ani Zach habang mahigpit na nakayakap sa buhat buhat na anak.

"me too Papa.,I miss you Papa. I'm sorry I have to leave you too.." umiiyak na sagot ng bata kaya di niya maiwasang mapaluha na din sa eksena ng mag-ama. Nasa Beliza sila ngayon at saktong kakatapos niyang ishoot yung last part ng para sa TV commercial ng Beliza.

"husshhhhh....It's okay. Ang mahalaga..you are already here.." pang-aalo naman ni Zach sa anak. Nasa ganun silang sitwasyon ng bigla siyang lapitan ni Selena. Wala pa rin itong pinagbago, maganda pa rin ito at bata tingnan.

Kaso.,para itong nahihiyang lumapit sa kanya. Nagulat na lamang siya ng lumuhod sa harapan niya si Selena.

"Selena anong ginagawa mo?!..." taranta nitong sabi sabay inaalalayan patayo si Selena.
"Di mo naman kailangan lumuhod..." dagdag pa niya at natigilan na lamang siya ng makita ang luha mula sa mga mata ni Selena.

"I'm sorry Ciara. Di sana magkakaganito ang lahat kong hindi dahil sa akin. Patawad Ciara. Alam ko na noong may relasyon kayo ni Zach pero pumatol pa rin ako. Ako din ang nagsabing magtanan kami pero ako naman itong di kayang manindigan kaya iniwan ko siya para kay Ranny..Inilayo ko pa tuloy pati anak namin." humihikbing aniya kaya naipatong na lamang niya sa likod ni Selena ang kamay upang hagurin ang likod nito.

"Wag mo nang isipin yun. Nakaraan naman na yun. Ang mahalaga ay yung ngayon.."kung dati siguro ay galit at pait ang laman ng puso niya ngayon ay magaan sa loob niya ang lahat. She had learn to let go of all the bitterness from her past.
Napayakap naman sa kanya si Selena kaya di niya namalayang nasa harap na pala nila sina Cheska t Zach.

"Mom why are you crying? Who is she po?" tanong ni Cheska. Pinahid niya ang takas ng luha na kumawala sa kanyang mata saka humarap sa dalawa.

"Ehm Cheska.,this is Tita Ciara. She is your Papa's new wife...Be nice to her okay?" sagot naman ni Selena kaya bahagya siyang napayuko dahil sa pakilala sa kanya nito. Akala niya magagalit o aayawan siya ng bata pero nagulat na lamang siya ng yumakap ito sa tiyan niya. Lumuhod na lamang siya para mapantayan ito.

"So I can call you mom no. 2? Coz you are my Papa no. 1's new wife and I also have Papa no. 2. Sounds fun right?" natawa na lamang siya sa kabibohan ng batang babae. Tumango na lamang siya saka yinakap ang bata.

"Of course you can call me mom no. 2.,coz I also have a son and he can can call me mom. no 1 too..." pagsabay na lamang niya sa trip ng bata.Tuwang tuwa namang tumango ito saka muling lumapit kay Zach para magpakarga.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now