Chapter 28

4.4K 142 1
                                    

"woahhh Zach dahan dahan.,di ka mauubusan ng alak..."saway sa kanya ni Hans. Di niya magawang ngumiti man lang sa kaibigan. Pakiramdam kasi niya pinagsakluban siya ng langit at lupa.

"Bakit naman bigla ka yatang nagyayang mag-inuman. Masyadong maaga para magcelebrate ah..." komento naman ni Greg pero nagpatuloy pa rin siya sa paglaklak ng alak diritso at di na nag-abalang isalin pa sa baso.

Muli'y naalala niya ang pag-uusap nila ni Jessica kanina lang. Magkakahalong emosyon yung dumaragan sa kanya ngayon. Masaya siya kasi tama ang hinala niya na baka nga si Ciara si Rosaline pero mas nangingibabaw sa kanya ang pait at pagsisisi na nadarama ngayon.

Paano niya nagawa yun sa kanya? Bakit di man lang siya nag-abalang alamin ang naging buhay nito matapos niya itong iwanan at ipagpalit?

"Minahal mo ba talaga ang kapatid ko Zach? O sadyang di mo na siya mapansin kasi masyado mong mahal si Selena?"

Parang isang tape recorder na nagreplay sa utak niya ang tanong ni Jessica. Napakasakit sa puso niya na di niya masagot ang tanong nito sa mismong isip man lang.

Ano nga ba?

Pero bakit ngayon gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga? Bakit ngayon gusto niya itong markahang kanya kahit wala na siyang pinanghahawakan pa?

Bakit ngayon gustong gusto na niyang bumawi sa sampung taong nasayang na di niya nakita ang dalaga? Bakit ngayon siya na ang matimbang sa puso niya kaysa ang mag-ina niya na masaya ng malayo sa kanya?

Pero paano niya sisimulang mapalapit muli dito kung pader ng bakal na ang depensa na ginawa ni Ciara para sa kanya? Paano siya babawi gayong walang kasing sakit ang napagdaanan nito?

Saan siya magsisimula?

"Zach.,may di ka ba sinasabi sa amin?" di siya umimik sa tanong ni Greg. Nakatingin lang siya sa malayo habang paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya ang imahe ni Ciara mula noon hanggang ngayon.

"Zach..." untag sa kanya ni Hans pero wala pa rin. Nagulat na lamang sila ng bigla itong tumayo at walang sabi-sabing lumabas. Alerto si Rage para habulin siya.

Mariin niya itong hinawakan sa balikat kaya napaharap sa kanya si Zach.

"Whatever your problem is.,we're just one step behind you..." ani Rage bago niya pinakawalan ang balikat nito.  Agad namang tumungo si Zach sa kotse niya at pinaharurot palayo sa bar.

Rage, you'll not like it if I tell you. Mas lalong nanikip ang dibdib niya. Anong pipiliin ko?

Ang saktan ang kaibigan kung walang sawa kong tumulong at magtiwala sa kanya o bawiin ang babaeng minsa'y walang ibang ginawa kundi mahalin at pahalagahan siya?

Now, he's thorn between two equally significant choices in his life. Kung di kaya siya nagpadalosdalos noon sa pagdedesisyon, ano kaya siya ngayon? Ano sila  ngayon?

BAHALA NA!

Without second thoughts he maneuvered his car towards the street where Rosaline's condo is situated. He knows that she's alone in the unit and even her room number, he memorized it. It's creepy but he must admit that he has been stalking her for quite sometime this past few days.

Ilang minuto lang ay nakarating siya sa labas ng mataas na condo building.

______________*-*___________

Phone rings.

1 message received

Agad bumalikwas sa pagkakahiga si Rosaline dahil sa pagtunog ng cellphone. She immediately opened her phone.

Rage: Rest well, Rosaline. Tomorrow.,please don't stress yourself too much. Goodnight.

Di niya maiwasang mapangiti dahil sa text ng binata. Buong akala niya noon kasing tigas ng abs nito ang ugali pero di naman pala. He has this soft charming side na palagi yatang pinapakita ng binata pag kasama siya. Kikiligin na ba siya?
Will she be alarmed?

Naipilig niya ang ulo dahil sa naisip.

Tsk! Don't assume too much. Masasaktan ka lang. Last time na nagpaka-assumera ka, iniwanan ka lang.

Ang kaninang matamis niyang ngiti ay napalitan ng mapaklang tawa. It's her past again, hunting her down with pain. Ang puso naman niya di na namanhid sa sakit.Hindi na natuto.

Babalik sana siya sa pagkakahiga ng marinig niya ang patuloy na pagtunog ng kanyang door bell, kinakalampag na ito.

Kunot noo siyang bumangon sa pag-aakalang si Jazz yun at tinutopak na naman. But when she opened the door, she was taken aback for what she saw. Zach is in front of her door. He look so damn wasted yet still manage to be handsome.

The  heck! what is she thinking?

Pinatigas niya ang mukha at taas kilay siyang nakipagtitigan.

"What are you doing here? Can't you see that it's already pass 10 pm... nambubu--" di na niya naituloy ang sasabihin ng bigla na lang siyang yakapin ni Zach ng pagkahigpit higpit dahilan para tuluyan itong makapasok sa loob at maisarado ang pinto. Isiksik nito ang mukha niya sa dibdib niya at animo'y di na sila daratnan ng bukas dahil sa higpit ng yakap nito..

"I miss you...I miss you so much..." naguguluhan siya sa pinagsasabi ng binata kaya pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakayakap nito pero ayaw siya nitong pakawalan. Mas lalo lamang siya nitong yinakap. Naaamoy na niya ang kombinasyon ng alak at ang pabango nito.

"Zach...ano ba di...ako makahinga...bakit ka ba nangyayakap..." nahihirapan nitong sambit. Niluwagan naman ni Zach ang pagkakayakap sa kanya, sapat para makahinga siya ng maayos pero hindi sapat para makawala siya.

"Zach ano ba...harassment 'to...urrrhhggg,.." pagpupumiglas pa rin niya pero sadyang ayaw talaga siya nitong pakawalan.

"Please let me just hug you like this...I miss you so much. I really do. Mababaliw na ako pag di pa kita nayakap ng ganito..." nagsusumamong anito at ramdam niya ang pagkabasa ng dibdib niya. Umiiyak ba ito? Doon naman siya natauhan sa suot niya. Ang nipis ng suot niya na sando at nakashort shorts lang pala siya. Goodness!

"Ano bang pinagsasabi mong namiss namiss ka dyan? Lasing ka na! Di ako ang dapat mong uwian para mag-acting ng ganyan...Labas na.." matigas na aniya saka napapakagat labing tinutulak palayo sa katawan ang lalaki. Basa nga ang dibdib niya sa luha ng binata bakat na tuloy ang bra niya. Goodness!

"Please..." di niya alam kung bakit nagmamakaawa ang lalaki basta ramdam na lamang niya ang unti-unting pagdalaw muli ng nakaraan sa puso't isip niya. Kinukurot na naman siya nito.

Nagtagumpay siyang maiwaksi si Zach pero laking gulat niya ng akmang tatalikod siya ay iyinakap ni Zach ang mga braso niya sa binti niya.

"Zach ano ba!" sigaw niya pero natigilan siya ng makita ang tubig sa paanan niya. Para siyang mauupos sa kinatatayuan dahil sa pagsusumamo at pagmamakaawa na nakitakita mula sa umiiyak na mata ni Zach.

Mahigpit itong nakayakap sa braso niya at nakatingala sa kanya. Doon na tumulo ang kanina pa niya pinipigilang luha.

"I miss you so much..." parang bigla na lamang hinaplos ang puso niya dahil sa muling binitawang salita ni Zach habang nakatitig sa mga mata niya.

"I miss you.,Ciara.."

She instantly froze.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now