Chapter 18

4.7K 130 3
                                    


"Me.,kailan po ulit alis niyo? Mamimiss ko na naman po kayo pag umalis kayo.." nakabusangot na tanong sa akin ng anak ko habang nakakandong ito sa akin at nakapulupot ang mga braso sa batok ko. Napapikit naman siya saka hinalikan sa ulo ang anak.

"May 5 days pa si Me para makasama ka kaya wag kang mag-alala sa 5 days na yun kasama mo ako..huh?" aniya saka sinilip ang nakangiti nang anak.

"Ok po. Mahaba na ang 5 days para makasama kita Me. Di na kasi kasya sa akin ang titigan ka lang sa mga magazine eh.." nakangusong anito. Natawa naman si Rosaline sa sinabi ng anak.

"Wag kang mag-alala, pag nakaipon na ng sapat si Me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wag kang mag-alala, pag nakaipon na ng sapat si Me. Titigil na ako sa pagmomodelo at araw araw ka nang magsasawang makita ako..hmmm" sagot niya sabay pisil sa bilugan at mamula mulang pisngi ng anak.

"Di naman po ako magsasawa na makasama kayo eh. Syempre, ang ganda-ganda kaya ng Me ko." tila proud na proud pang ani JC. Gusto tuloy tumulo ng luha niya sa sobrang galak na nadarama. Napakasakit man ng napagdaanan at nahihirapan na siya sa tinahak na career ay wala namang katumbas na ligaya ang nadarama niya sa tuwing ipapadama sa kanya ng anak na mahal na mahal siya nito.

"tsaka Me..di mo naman po kailangang mag-ipon. Mayaman na kaya tayo." nakanguso pa din nitong sabi. Natawa na lamang uli siya.

"talaga anak mayaman tayo?" kunwari gulat na tanong niya sa anak. Tumango naman ito.

"Oo Me. Mayaman tayo kasi...." tila alanganin ito sa susunod na sasabihin.

"kasi?" tanong muli ni Rosaline para ituloy ni JC ang sasabihin. Tila nahihiya namang isinubsob ng anak ang mukha sa dibdib niya.

"Mayaman tayo sa love, Me." bulong nito kaya mas lalo siyang nanggigil sa anak. Kinilikiliti niya ito kaya pareho silang tawa ng tawa sa sala. Pagulong gulong naman sa carpeted na sahig si JC.

"pumipick up line ang anak ko ah..." tudyo nito sa humahalakhak pa ring anak.

"Me...tama na. Tama na Me...hahahahhaha...di ko na kaya Me..." anito habang pagulong gulong.

"ayaw.." tanggi naman niya na tawang tawa.

"Oy tama na muna yan...magmiryenda muna kayo,." biglang sulpot ni Tita Mirasol dala ang miryenda nila. Kasunod nito si Jazz na kunot noong nakatitig sa kanila na nakahiga sa sahig.

"anong trip niyong mag-ina?" taas kilay na tanong ni Jazz. Nagkatinginan naman ang mag-ina saka tumatawang bumangon.

"tsk! Mag-ina nga kayo. Parehas may saltik.." anito sabay upo sa sofa.

"ang bitter naman ni Tita..." nakabusangot na ani JC habang na kay Jazz ang tingin. Tumawa naman si Tita Mirasol at Rosaline sa tinuran nito.

"ay JC saan mo natutunan yan?" sita sa kanya ni Jazz. Samantalang, kumakain na ang mga kasama ay nag-eemote pa rin ito.

"sa TV tita..." simpleng sagot ni JC. Bigla naman itong binuhat ni Jazz pakandong sa kanya.

"Paglaki mo at wala pang lovelife si tita. Ligawan mo ako ah.." ani Jazz kay JC kaya nabulunan bigla si tita Mirasol at napaubo naman si Rosaline.

"Ano ka ba naman Jazz.,kung anu-anong sinasabi mo sa bata.." saway sa kanya ni Tita Mirasol. Ngumisi lang si Jazz sabay halik sa pisngi ni JC.

"ang gwapo niya tita eh.." tila nang aasar na depensa nito. Tatawa tawa naman si JC.

"Oy bakla.,tigilan mo yang anak ko. Ang tanda tanda mo na nun at hindi yan ginawa para maging rebound." saway din sa kanya ni Rosaline. Bumunghalit naman ng tawa si Jazz saka ibinaba si JC na sobra namang ganado sa pagkain.

"Rebound talaga ah bakla. Mahal na mahal ko naman si JC eh." tatawa tawang pang-aasar ni Jazz sa kanya.

"Wag mo akong iniinis Jazz. Makukutusan kita." singhal niya.

"Mahal ko naman po si tita Me eh..Masama ba yun?" lalong napabunghalit ng tawa si Jazz sa pagsabat ni JC.

"JC.,di naman masama. Iba kasi sinasabi ni tita Jazz mo. Di mo pa maiintindihan sa ngayon.." paliwanang naman nito sa anak. Tumango naman si JC saka itinuloy ang pagkain. Sinamaan naman niya ng tingin ang baliw na kaibigan.

"Come here JC. Ipapaintindi ko sa'yo.
Come here, Baby." ani Jazz na nakapagpaubo kay Rosaline. Dinuro niya si Jazz saka tumakbo papasok sa may kitchen para iluwa sa lababo ang nakain.

"I'm not drunk, baby..just a little tipsy.."

"Baby huh? Am I your baby?"

"Yeah..you are my baby..."

Parang mapupugto ang hininga niya dahil sa naalala. Goodness! Pulang pula ang mukha niya at gusto niyang paulit ulit na kutusan ang sarili dahil batid niyang di lang basta panaginip yung naalala dahil yun talaga yung nangyari sa gabing nabuo si JC sa sinapupunan niya.

Wah! Ang landi-landi ko sa panaginip na yun.

Mas masaklap di ko naman maaninag ng husto ang mukha nung lalaki.

Bakit siya kaamoy nung lalaki?

Ipinilig naman niya ang dahil sa naiisip. Umaasa ka naman siya. Nag-aassume!

"Iha okay ka lang?" nagulat naman siya sa pagsulpot ni Tita Mirasol sa kitchen.

"Oo Tita ayos lang. Medyo nabilaukan lang ako dahil sa pinagsasabi ni Jazz." pagsisinungaling niya. Napailing naman si Tita.

"Oh sha sige bumalik ka na doon at baka malason ni Jazz ang utak ni JC." tatawa tawang ani Tita kaya nagpasya siyang bumalik sa sala.

"JC, gusto mo baby itawag ko sa'yo?" naabutan niyang tanong ni Jazz sa anak.

"Hep hep! Wag kang papayag JC. Di ba big boy na ang JC ko? Hindi na siya baby?" anito na tila nahihirapang bigkasin ang baby.

"Opo tita. Tama si Me. Big boy na ako at di na baby.." proud namang sagot ni JC na ikinaluwag ng paghinga niya. Tinawanan na lamang niya ang pag-irap ni Jazz sa kawalan.

"hmmm how did you know that i'm still a virgin hmmm? baby?"

"I have good eyes baby.,I always know how to differentiate a virgin woman compared to the used ones."

"And if you still wanna go home unscratched, just give me your address and I'll drive you home."

"I won't tell you, baby. I'm still enjoying myself ......with you.."

"That's it baby. I'm done playing. You asked for this..hmm baby.."

"I completely lose control, baby. You're mine tonight. Mine baby."

Muli'y naipilig niya ang ulo sa kahihiyan. Shocks!

"Okay ka lang? Bakit pulang pula ka?" may pag-aalalang tanong sa kanya ni Jazz. Parang gusto tuloy niyang itago ang sarili sa kahihiyan.

"Ok lang ako. Dala lang ng pagkasamid ko kanina." aniya sabay iwas ng tingin. Pasalamat na lang siya at walang alam si Jazz tungkol sa panaginip na yun.

hayyyyy

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now