Chapter 36

4.6K 119 2
                                    

"Stay. Baby, please stay."

Naestatwa siya bigla sa narinig. Masyado na siyang naguguluhan. Dahil sa pagkatulos sa kinatatayuan ay di niya namalayang hinaltak na siya nito pahiga sa tabi niya kaya napatili siya.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa si Greg.

"Tulong naman dyan oh..." hinging saklolo niya kay Greg dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya ni Zach.

Napangisi lang si Greg saka naiiling na tinungo muli ang pintuan.

"oyy tulong ano ba..." sigaw niya kaya lalong napahigpit ang yakap ni Zach sa kanyang baywang.

"Dyan ka na lang. Lumalalim na ang gabi. Hindi ligtas para sa magandang babae gaya mo..." ani Greg saka kumindat. Nainis siya bigla.

"urghhh.." pagpupumiglas niya.

"Baby.,stop wiggling...you might wake up a sleeping friend..." nanlaki bigla ang mata niya sa narinig. Buti di ganun kaliwanag ang lampshade kaya di kita ang pamumula ng mukha niya.

Napatawa naman si Greg.

"Di ka nga ligtas sa pag-uwi sa oras na ganito pero mukhang mas lalo ka dapat mag-ingat sa katabi mo..." dagdag pang asar ni Greg saka tuluyang umalis at isinara ang pinto.

Sinubukan naman niyang alisin ang brasong nakapulupot sa tiyan niya pero wala siyang lakas gawin ito. Masyado itong nakakapit.

"Baby, you promise not to leave.." nangilabot muli siya dahil sa endearment na yun..Goodness!

Sa huli ay napagod din siya sa pagpupumiglas.

"Kahit ngayong gabi lang Ciara. Let us stay like this.." nagsusumamo ang boses na ani Zach. Napabuntong hininga na lamang siya saka inirelax ang katawan para makatulog. Ipinikit niya ang kanyang mata at ang huli niyang naramdaman ay ang kiliti ng mga halik ni Zach sa noo, mata, ilong pisngi at labi niya.

"Good night Ciara ko."

Nagising siya dahil sa pagdampi ng marahang halik sa labi niya. Malambot ang mga labing iyon at nakakakiliti ang sensasyong dulot pero dahil di siya sanay na makagisnan yun ay agad siyang napabangon.

Nagkauntugan tuloy sila ni Zach.

"arayyyyy.." aniya sabay sapo sa noo na nasktan.

"Sorry ..." ani Zach saka siya dinaluhan.
"That's suppose to be my morining kiss..." tila nagtatampong aniya. Ngumuso naman siya.
"Sandali magdadala ako ng pangcold compress para di bumukol.." nasabi na lamang niay na nakahawak din sa noo. Nakonsensya tuloy siya.

Nang makalabas na ito ay saka naman napadako ang tingin niya sa mga lumang notebooks na nakapatong sa bedside table. Lumapit siya sa mga ito.

Agad niyang nakilala ang mga notebook na mga yun. Amg mga diary notes niya na sinadya na lamang niyang iwan noon sa dati nilang tirahan. Kinuha niya ang mga ito at ipinatong sa kandungan.

Sinimulan niyang buklatin at basahin ang parte ng mga ito at di niya namalayang napatulo na pala ang mga luha niya.

Moat of her feelings for the day especially for Zach was honestly written there. Again. The past started to rummage into her brain.

"hey..you okay?" dinaluhan agad siya ni Zach dahil siguro sa pag-iyak pero natigilan din ito ng makitang nasa kandungan niya ang mga diary niya.

"We were so happy back then. Saan ba ako nagkulang at nagkaganito ngayon?" napayuko naman si zach dahil sa tanong niya habang umiiyak na naman.

"Everything You did was almost written in here.." aniya sabay hawak sa mga diary books." You loved me.,did you?" tumango naman ang lalaki. Napangiti aiya ng mapait."Pero kung gaano ako kakuntento noon na nasa piling mo ganun ka naman pala kabored sa kaya kong ibigay.." mapait niyang saad na ikinailing ng lalaki.

"Walang mali sa'yo Ciara. Ako ang nagkulang. Ako. Please don't ever blame nor question yourself...the fault is all on me.." paliwanag nito na na ikinailing din niya.

"No. You won't look for another if i'm already enough to be loved by you. There's certainly wrong with me coz nobody's perfect right?" napailing pa din ang lalaki at yinakap na lamang siya.

"Can we just get rid of the past. Together.." saad na lamang ni Zach.

"Your past will always be a part of you, Rosaline. Though it hurts so much when you remember them, it's still a part of what you are today. You can't runaway from it. Facing it is the best way to get rid of the painful memory and acceptance is the key to moving on."

That was like a Eureka moment when Rage's voice echoed on her mind. He's really her angel. He always comes in whenever she needs him.

"Yeah. Let's get over the past.." sagot niya at naramdaman na lamang niya ang mas mahigpit na yakap sa kanya ni Zach.

"oppss you still need this..." biglang ani Zach saka dahandahang inilapat sa noo niya ang cold compress.

Iniangat naman ni Rosaline ang kamay sa noo ni Zach.

"Does it hurt?" ngumiti naman sa kanya si Zach saka napailing.

"Nothing hurts more than breaking your heart." malamlam ang mata at sincerong saad niya.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now