Chapter 2

7.2K 184 5
                                    

It's been a week simula ng maupo si Zach bilang regent ng CEO ng Beliza. Hindi pa naman siya tuluyang magiging CEO hangga't di niya napapatunayan ang sarili. Aaminin niyang naging mahirap para sa kanya ang mag-adjust sapagkat wala siyang masyadong alam sa fashion and cosmetics as their main company product.

Nakapagtapos siya ng business administration sa US pero hindi naman sapat yung natutunan niya sa university compared sa on field na siya. Iba pa rin talaga pag first hand experience na lalo pa't ginugol niya ang kalahati ng buhay niya sa America bilang football player hindi bilang isang business man.

Pasalamat na lang siya sa mga loko-lokong kaibigan lalo na kay Rage na palaging umaalalay sa kanya. He already met most of his employees in every department inside the company, sa factory na pagawaan ng mga sariling desinyo nilang mga damit at sa laboratory nila kung saan nafoformulate at ginagawa ang mga cosmetics and scents ng Beliza.

He's so thankful for the employees' loyalty and guidance dahil sa pagiging amateur niya sa business world. Good thing his parents are even giving him some lecture and tips via phone or skype.

"Ito naman ang maganda sa kompanya na ito...araw-araw mabubusog ang mata mo sa mga babae." ani Hans habang sila'y dumadaan sa hallway ng model's quarter. Dito madalas tumambay at magphotoshoot ang mga modelo o product endorsers ng Beliza.

"Ang landi mo talaga Hans!" singhal naman sa kanya ni Rage na may hawak na namang Magazine.

"Inggit ka lang kasi di ka pa rin makaporma sa Rosaline mo.." tatawa-tawang depensa ni Hans sabay hapit sa baywang ng babae na nakasalubong nila sa hallway.

"Call me.." bulong pa nito sa babae sabay iniabot ang calling card saka nilagpasan ang babae.

Napapailing na lamang ang tatlo sa pagiging babaero ni Hans. Ubod na sobra pa!

"Wag mo kaligtaang gumamit ng proteksyon.,baka mabuntis bawas modelo..." tukoy ni Zach kay Hans na ngingisi-ngisi lang sa tabi.

"Copy! Besides boy scout yata to!" proud pang ani Hans.

Halos ganito lagi ang eksena nila simula sa mga nakaraang araw. Bibisita ang tatlo sa umaga at sasabayan siyang umakyat sa opisina nito. Matapos ang ilang oras ay basta na lang aalis ang mga ito dahil rin sa kanya-kanyang trabaho.

Papasok na sila sa opisina ni Zach ng maabutan nila ang bulungan at usapan sa paligid. Maging ang sekretarya niya ay tila nakikiusyuso na.

"Anna, what's the commotion about?!" aniya sa seryosong tono.

"Ah Good Morning po Sir Zach..sa inyo rin.." bati ng sekretarya sa kanila na tila nahuling nagnanakaw.

"Bakit ang ingay?" muling aniya. Kapansin pansin naman ang biglaang pananahimik ng paligid.

"Ah kasi po Sir.,kanina galit na galit si Ms. Madelinne. Buntis daw kasi si Ms. Adrianna yung magiging image model sana ng Beliza tsaka nagback out na rin yung magiging endorser sana ng Cara Mia (referring to the new Beliza perfume for women) eh two weeks from now na sana sisimulan ang shooting para sa Tv commercial nun." nakayukong imporma ng sekretarya sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya saka sinenyasan ang mga kaibigan na mauna ng pumasok sa opisina niya. Agad naman silang tumalima.

"Anna, I want you to call Ms. Madelinne. Kumatok ka na lang pag andito na siya." utos niya saka pumasok sa loob ng opisina para harapin ang mga kaibigan.

"Paano ba yan.,isang linggo ka pa lang dito pero ang dami mo nang kinakaharap na problema." ani Greg. Napahilot na lang siya sa noo. Tama naman kasi ito. Noong unang araw nga niya sa Beliza ay nakaharap na niya ang grupo ng mga empleyado galing sa factory nila dahil sa delay na sahod yun pala nakaligtaan lang ng in-charge sa payroll ang pagpapasahod sa mga ito. Buti na lang naagapan agad kundi masisira ang kompanya dahil sa nakahanda sana nilang protesta.

"You'll get use to it. Minor problems pa lang yan. The worst is yet to come. Trust me." komento naman ni Rage ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin dahil nasa magazine na naman nakatutok ang mga mata. Ibang magazine na naman ito pero si Rosaline pa rin ang nasa cover.

 Ibang magazine na naman ito pero si Rosaline pa rin ang nasa cover

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Mayamaya'y kumatok ang sekretarya niya at pinapasok si Madelinne. Siya ang Official Head Stylist ng Fashion and Cosmetic Department, isa sa trabaho niya ay siguraduhin na perpekto lahat para sa On-Cam appearance ng mga modelo at endorsers ng Beliza.

"Good morning Sir..." bati nito sa kanya saka binati rin ang mga kasama.

"What happened to Adrianna and the Cara Mia endorser?" diretsahang tanong ni Zach.

"I'm so sorry to inform you Sir but Adrianna confirmed to me last night via call that she's already 3 months pregnant and her pregnancy is so sensitive that she can't already be Beliza's image model.,Jane's manager on the other hand talk to me this morning that Jane can't already be the endorser of Cara Mia dahil mas malaki daw ang offer ng kalaban nating kompanya sa kanya." casual na imporma sa kanya ni Madelinne. Nasapo niya ang noo dahil sa kompirmasyon ng stylist.

"Wala ba kayong second choice aside from them?"

"Unfortunately, that's our department's mistake masyado kasi kaming nakampante na sila na talagang dalawa since they already signed the contract. Di naman sila pwedeng kasuhan ng breach of contract lalo na si Ms. Adrianna dahil nakasaad sa condition na pag buntis siya automatically terminated yung contract. At sa kaso ni Jane malinaw din na nakasaad sa kontrata na pwede siyang lumipat as long as she feels that she is not well compesated by the company. Wala naman pong problema sa male model dahil pumayag at nakapirma na si Paul Mendez and we are still contacting the manager of Jazz Alanis para pumalit kay Jane. In short, female image model na lang ang kulang.." paliwanag ni Madelinne. Kahit papaano ay nahimasmasan si Zach. Magsasalita pa sana si Zch ng magring ang cellphone ni Madelinne. Sinenyasan na lamang niya ito na sagutin.

"Excuse me Sir..." ani Madelinne saka lumayo ng kaunti para sagutin ang tawag. After a while.

"Sir pumayag na raw si Jazz according to her manager. She'll be signing the contract tomorrow." ani Madelinne na tila nabunutan ng tinik.Napatango naman si Zach at napasipol bigla si Hans.

"Damn! Shes hot. Really hot. Seems like I'll have another reason to barge in here everyday, i guess." ngingisi-ngising ani Hans. Binato naman siya ni Greg ng unan galing sa sofa.

"Para namang papatulan ka nun!" angal ni Greg. Napailing na lamang si Zach saka muling binalingan si Madelinne.

"So how about the female image model? Do you have someone in mind bilang kapalit?" tanong ni Zach. Napakagat labi naman si Madelinne.

"Sir actually, second choice lang ng board si Adrianna noon pa man.,.."

"What do you mean?" putol ni Zach kay Madelinne. "Kung second choice lang siya, sino bang first choice?"

Bumuntong hininga muna si Madelinne bago sumagot.

"Rosaline..." aniya na nakaagaw pansin kay Rage at nakapagpagising kay Zach.

"Nagsisimula pa lang siyang model gusto na siya ng Mama niyo para sa Beliza pero laging tumatanggi si Rosaline, hanggang ngayon."

A/N: Credits to Google Images as the source of all the posted pictures and the future ones to be inserted in the story(:

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant