Chapter 9

5.2K 149 1
                                    


Present

Mayama'y may narinig siyang nagbell sa labas ng condo niya. Inayos niya ng kunti ang hitsura at pinunasan ang natuyong luha saka lumabas sa kwarto para pagbuksan ang sinumang nasa labas.

"Oh bakla.,anyari sa'yo. Hindi pang bikini show ang datingan.. Ang haggard mo!" bungad sa kanya ni Jazz. Natawa na lamang siya saka niluwagan ang pinto para papasukin ang bungangerang kaibigan.

"Umiyak ka nuh? Bakit na naman hah?" nagsusungit pero nag-aalalang usisa ng kaibigan. Napailing na lamang siya saka dumiritso sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Wala to! Ipapaligo ko lang fresh na ulit ako.." depensa niya saka ininom ang tubig.

"Lokohin mo ang lelang mo..Naku kilala kita bakla...alam kong may bumabagabag sa'yo. Si Zach nuh? Nagkita kayo?" bigla siyang napaubo sa narinig.

"Aha! So confirmed nagkita nga kayo sa VillaTech?" tumango na lamang siya saka umupo sa stool. Si Jazz lang kasi sa lahat ng malapit sa kanya ang tanging nakakaalam sa buong nakaraan niya.

"Bakit alam mo?" taka niyang tanong. Umirap naman ito sa kawalan.

"tss matapos kung isign ang kontrata sa Beliza.,narinig ko mula sa mga chismosang magiging co-models ko na papunta daw si Zach sa VillaTech... grabe crush na crush siya ng mga babae dun..Gwapo nga naman siya at hot pero syempre para sa akin mas hot si Paul.." paliwanag pa niya na kinikilig..Napailing na lang si Rosaline.

"Paul Mendez na naman...pinansin ka ba?" usisa na rin niya para malihis ang topic kanina.

"hmm hindi pa pero nararamdaman kong malapit na..Lalo pa't makakatrabho ko na siya sa Beliza. Siya lang naman ang male image model nila..." anito habang nakasiklop ang dalawang kamay at kumukurap kurap pa sa kanya.

"Baliw.." natatawang aniya kay Jazz. Aalis sana siya sa kinauupuan pero pinigilan siya ni Jazz.

"hepzzz...umiiwas ka na naman sa tanong...anong sabi sa'yo? Nagsorry ba? O nakipagfriends? Ano?" pangungulit nito na ikinabuntong hininga lang niya.

"Di niya ako nakilala.." malungkot na aniya. Nagulat na lamang siya ng bumunghalit ng tawa si Jazz.

"Ganun ka ba kapangit noon at di ka na niya kilala ngayon? bwahahahahhaa kaya ka siguro ipinagpalit kasi di ka pretty noon nuh ..." anito habang patuloy ang pagtawa. Hawak hawak pa nito ang tiyan. Napatayo na lamang siya mula sa pagkakaupo.

"wow salamat sa words of comfort mo ha..The best ka talagang kaibigan.." puno ng sarkasmong aniya. Di naman tumigil si Jazz sa kakatawa.

"Tsss di mo ba alam na ang mga tunay na kaibigan.,tatawanan ka muna bago icomfort.." anito saka umayos na ng upo at inayos ang nagulong buhok dahil sa kakatawa.

"oh eh kinausap ka ba naman?" seryoso ng tanong ni Jazz na ikinatango niya lang.

"eh ansabi?"

"Inaalok akong maging image model ng Beliza.."

"uwaaaahhhh pangatlong beses na ang offer na yan.. payag ka na tapos ibridge mo ako kay Paul...sige na..." with matching puppy eyes na pakiusap ni Jazz sa kanya.

"Ayoko. Para saan pang inilayo ko ang sarili ko sa lugar ng bangungot ko kung ilalapit ko din lang ang sarili ko sa main character ng nakaraan ko..." seryosong aniya. Napabuntong hininga naman si Jazz.

"eh bakla..di naman kasi habang buhay matatakasan mo ang nakaraan mo. Parte na yun ng pagkatao mo kaya dapat ngayon kaya mo na itong harapin. Matapang ka naman eh.." payo nito sa kanya. Napangiti siya saka biglang niyakap si Jazz. Marahan namang hinaplos ni Jazz ang likod niya.

"Alam ko naman yun eh pero di lang ako handa ngayon. Ito siguro yung sugat na di sapat ang isang dekada para maghilom." Napabuntong hininga na lamang si Jazz sa naging tugon nito.

"Sana naman di ka nagpahalata kanina na sobrang affected ka pa din sa kanya.."

"Syempre hindi.,para saan pang natutunan natin ang pekeng ngiti sa camera kung di ko gagamitin sa kanya..buti na lang talaga mabait si Mr. Villaflor. Akala ko masungit pero mukhang hindi naman.,mas gwapo pa nga siya kaysa sa mga pictures niya sa VillaTech Mag..." may gumuhit na ngiti sa kanyang labi dahil sa kwento. Napakalas naman si Jazz sa pagkakayakap sa kanya saka mataman siyang tiningnan.

"Teka nga..crush mo si Rage Villaflor nuh?" ngingiti ngiting ani Jazz. Napairap naman siya.

"Seriously, Crush? Ang tanda ko na para dyan..inaappreciate ko lang naman siya.." depensa niya.

"Tsk defensive..tsaka crush has no age. Ano ba!"pagpupumilit naman ni Jazz. "At kung sakali ngang magtuloy tuloy ang crush na yan..baka mauwi sa L-O-V-E... perfect siya. Wala ka nang hahanapin pa. Yummy pa ang abs. Ano ba!" tila kinikilig pang aniya..

"Baliw..bakit? natikman mo ba yung abs niya?" tatawa tawang tanong niya kay Jazz.

"Gaga! Pero Oo sa panaginip ko. *chuckle* Una ko siyang naging crush dahil sa nakita kong billboard niya noon na sobrang hot niya pero ng makita ko si Paul, nalove at first sight ako kaya nabura eventually.." kwento pa nito in a convincing manner..

"tss masyado kang adik sa fairytale...walang ganun Jazz di pwedeng makaranas ng sarap kung si ka muna nagdaan sa sakit..."

"ay ang bitter mo bakla...pero infairness...saan mo nahugot yun? Sakit bago sarap?" tatawa tawang kantyaw sa kanya ni Jazz.

Naantala naman ang tawa ni Jazz ng magring ang telepono ni Rosaline.

"Oh Ate Leila.."

"Maghanda na kayo...ipapasundo ko na lang kayo kay Manong Allan.."

"Copy.." aniya saka ibinaba ang tawag.

"Ligo na muna ako bakla..entertain yourself.." pagpapaalam nito kay Jazz saka pumasok sa kwarto upang maligo at maghanda.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now