Chapter 34

4.5K 122 5
                                    

Kakatapos lang ng magazine interview niya sa loob mismo ng building Beliza bilang tungkol naman rito ang mga tanong sa kanya para sa ilalabas na Beliza Mag.

Nagpatiuna na ang manager niya at nahuli siya ng kaunti dahilan para madali siyang mahila ni Zach. Napasubsob siya sa matipuno nitong dibdib at napasinghap siya sa agarang pagpasok ng mabangong amoy nito sa ilong niya.

"Ano ba!" angal niya dahil sa bahagyang nakuha nila ang atensyon ng mga tao sa room na yun. Hinila naman siya palabas ni Zach hanggang sa makarating sila sa conference room.

Hingal na hingal siya at nanakit bahagya ang paa dahil sa mabilis na pagkaladkad sa kanya ni Zach. Napadaing siya sa sakit at nagulat na lamang siya ng bigla siyang buhatin ni Zach paupo sa malawak na table sa conference room.

Naupo ito paharap sa paa niya at agad niyang pinaglapit ang hita dahil sa nakadress siya. Nagitla pa siya ng hawakan ni Zach ang paa niya sabay alis sa 4 inches heals niya.

"I'm sorry that I needed to drag you here.." malumanay nitong saad habang hinihilot ang paa niya.

"Okay na..." aniya sabay iwas sa paa. Medyo nakikiliti na kasi siya. Akmang bababa siya sa mesa ng hawakan ni Zach ang balikat niya.

"Stay. We'll talk..." napaiwas siya ng tingin dahil sa sinabi ng binata. Sa totoo lang, hinanda na niya ang sarili sa muling paghaharap nila pero di naman niya inakala na ngayon yun at di pa nga siya handa.

"Anong pag-uusapan natin?" pilit niyang pinakaswal ang boses dahil anytime soon..mangangatal na siya sa halo-halong emosyong bigla na lamang sumanib sa kanya.

mangangatal na siya sa halo-halong emosyong bigla na lamang sumanib sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinapo ni Zach ang mukha niya at pilit pinaharap sa kanya. Wala siyang choice kundi tumingin sa mata ng binata. Tumingin siya sa mga mata nito na puno ng pagsisisi, pagsusumamo at lungkot.

"Ciara.,I-i'm sorry for leaving you...." panimula niya na agad nagpaalpas sa mga luha niya. Kapag pag-iwan na ang usapan doon na talaga nahuhugot ang mga luha niya.

"I didn't know why I did that...di ko alam kasi wala ka namang ibang ginawa kundi mahalin ako...I'm so sorry..." pagpapatuloy nito.. Lalo lamang siyang nasasaktan dahil sa iniwan siya dahil sa hindi pa rin niya matiyak na dahilan. Doon na siya tuluyang humagulgol.

"10 years Zach...sampung taon kong tinatanong sa sarili ko kung bakit nagawa mo akong iwanan ng ganun..." umiiyak na aniya hinahampas na rin niya ang didib ni Zach at hinayaan naman siya nito.

"Mahal na mahal kita (hampas)pero bakit mo ako pinagpalit?" (hampas)

"Bakit mo ako iniwan na parang wala lang?"
(hampas_____hampas)

"Minahal mo ba talaga ako?"
(hampas)

"Bakit ang dali dali sayong ipagpalit ako (hampas) samantalang ako kahit lumipas na ang isang dekada(hampas)..ikaw pa rin lintek ka.(hampas hamaps!)." lalo pang lumakas ang palahaw niya habang hinahampas ang dibdib nito.

"ang daya daya mo!" (hampas)

"pinako mo lahat ng pangako mo!"(hampas)

"sana di ka na nangako kung di mo rin lang tinupad!"(hampas)

"Galit ako sa'yo Zach(hampas)
pero tangina ang tanga ng puso ko! (hampas)
Bakit ikaw pa rin!(hampas)
Kahit alam ko na may asawa ka
bakit ayaw tumigil sa pagtibok sa'yo!"
(hampas       hampas         hampas)

"Gusto ko nang makalimot Zach..."nanghihinang tumigil na siya sa paghampas kay Zach. Nanghihina na rin siyang nakatingala sa binata habang umiiyak.

"Gusto ko nang makalimutan ka! gusto ko ng patayin ang nararamdaman ko para sa'yo...di ko alam kung paano Zach.." halos pabulong na nitong saad habang umiiling at nakakapit na sa braso ni Zach.

"Ayaw na kitang mahalin.,pagod na ako..."hinang hinang bulong niya habang nakatitig sa naluluhang binata.

"Pagod na ako...ayaw na kitang maha----" di na niya naituloy pa ang  sasabihin ng lukumusin na siya ng halik ni Zach. Dahil sa panghihina'y napakapit na lamang siya ng mahigpit sa braso nito habang dinadahan dahan na ni Zach ang paghalik sa kanya.

Banayad ang mga halik nito at animo'y nangangako ng mga salitang muli'y alam niyang magpapaasa sa kanyang puso.

Humiwalay din agad ito saka pinagtagpo ang kanilang mga noo. At di pa man siya nakakahinga ng maluwag ay agad na naman siyang hinalikan ni Zach.

Bawat bahagi at anggulo ng kanyang labi ay masuyo nitong hinahalikan at wala siyang ibang nagawa kundi mahinang mapadaing. Kinagat nito ang pang ibabang labi niya saka ipinasok ang dila upang galugarin ang kanyang bibig.

"mmmmm" mahinang daing niya dahil sa unti-unti ng pagbigay ng katawan sa init na nararamdaman.

Lalo siyang napadaing ng magsimulang maglakbay ang isang kamay ni Zach sa  kanyang baywang samantalang ang isa'y naglalakbay na pababa sa kanyang hita. Ang mga halik nito'y bumaba na din sa kanyang leeg.

Kung di pa umangat ang kamay ni Zach sa gitna ng kanyang hita ay di siya magigising sa kapangahasan.

"Zach!" saway niya rito at tila naman natauhan ito sa pinaggagawa kaya tumigil ito. Nasapo niya ang mukha sabay napapailing.

"Ang tanga tanga ko ...ang tanga ko..." aniya sabay sinasampal ang sarili. Agad naman siyang pinigil ni Zach at sinubsob siya sa kanyang dibdib.

"I'm sorry...I just missed you so much. You don't need to hurt yourself..Miss na miss kita Ciara..." bulong ni Zach sa kanya na tuluyang lumusaw sa depensa niya. Naramdaman na lamang niya ang muling pagbalong ng luha mula sa kanyang mata.

"Bakit ang hina hina ko pagdating sa'yo? Ayaw ko na ng ganito Zach...Gusto ko ng makalimot sa nakalipas..." nanghihinang bulong niya.

"ssshhhh No  Ciara. Please don't get tired yet. Let's give us a chance...please.. just another chance...I'm begging you Ciara..just one last chance.." garalgal ang boses na pakiusap nito sa kanya. Lalo siyang naiyak dahil sa di malamang dahilan.

"I don't wanna be your other woman this time, Zach. Ayoko.." napapailing na aniya habang nakasubsob pa din sa dibdib nito.
Hinawakan naman siya ni Zach sa balikat saka pinaharap sa kanya.

"Pangako pag nakaluwag ako sa schedule ko..I'll go back sa LA para sa pagsasaayos ng papel ng kasal namin ni Selena. This time, it'll be you whom i'll choose." sincero nitong saad na nagpabunyi sa parte ng puso niya.

"I've been suffering for the past years and I know that it will only be by your side that I shall have peace of mind." anito saka siya mahigpit na niyakap. Napahinga naman siya ng malalim saka pinakawalan ang tanong na kanina pa niya nais itanong sa lalaki.

"Zach, do you still love me?

Or you just miss me?"

#hampas  

pfffftttt hha

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now