Chapter 19

4.7K 138 3
                                    

It's been a week at within two days nga ay sisimulan na ni Rosaline ang pagtupad sa kontratang nilagdaan sa VillaTech.

Maayos na siya lalo pa't walang pagsidlan ang tuwa ng anak ng makasama siya nito ng halos isang linggo. Indeed, her rest is absolutely worthwhile.

Si Jazz naman ay sinisimulan na ang photoshoot sa Beliza. Mangilan ngilan lang ang kailangan niyang trabahuin ngayon kaya hindi siya ganun kaexhausted, di tulad kay Jazz na siyang pinakaabal sa ngayon. After two days ay siya naman ang tambak sa mga appointments at photoshoots.

Hihiga na sana siya para matulog ng biglang tumunog ang cellphone niya?

Mr. Rage Villaflor calling..

Nagdadalawang isip pa siyang sagutin ito pero sa huli'y sinagot niya rin.

"Hello R-rage.." medyo alanganin niyang pagbati. Di pa kasi siya sanay na tawagin ito sa first name.

"Rosaline.." anito sa baritonong tono.

"ahh napatawag ka?" kagat labi niyang tanong.

"well, I just wanna check on you.." natigilan naman siya sa sinabi ng binata. Anong check on me?

"I mean.,okay ka na ba? Have you had a good rest? Last time we saw each other ay sa ospital so I just wanna ask.." paliwanag nito. Doon siya napahinga ng maluwag. Tumikhim naman siya saka sumagot.

"I'm fine. I guess 1 week rest is more than enough for me to regain strength." sagot niya na sinundan ng maikling tawa para maitago ang uncertainty na nadarama.

"that's good news then. Take care of yourself. I still need you.." napalunok naman siya sa narinig.

"h-huh?" utal niyang tanong. Natawa naman ang nasa kabilang linya. Sexy.

"I mean, VillaTech still needs you. Remember, within two days you'll be working for me." dagdag nito. Naipilig na lang niya ang ulo dahil sa ibang pagkaintindi nung "I still need you".

"Yeah sure. Salamat nga pala ulit last time. Nakakahiya naman sa'yo." aniya habang nginangatngat ang kuko sa kamay.

"Welcome. It's my pleasure.." sagot naman nito.

"Basta salamat ulit. May sasabihin ka pa ba?" narinig naman niya ang tila malalim na pagbuntong hininga ni Rage sa kabilang linya.

"Nothing...well, you already need to rest. Goodnight Rosaline."

"Goodnight Rage.." aniya saka dali-daling ibinaba ang telepono.

______________*-*________________

Kanina pa papalitpalit ng posisyon si Rage sa higaan pero di pa rin siya madalaw ng antok. He's still thinking about the call.

He's happy that at last, he got to initiate a call for her but he can't help but be dismayedo of himself. Pakiramdam kasi niya napaka-lame ng pagtawag niya and he even slip a word.

"I still need you."

Just what the heck! Paano kung matakot siya bigla sa kanya? Paano kung mailang ito? Damn. He hates himself sa pagiging padalosdalos.

He heaved a deep sigh saka bumagon. He sat on the edge of his bed saka mariing isinuklay ang mga daliri sa buhok. Wala naman siyang maisip na gawin to destruct himself kaya humiga ulot siya.

"Goodnight Rage."

Her voice is just so sweet. It's like a musix to his ears. Nakahinga siya ng maluwag as a smile slowly crept on his lips. At least, Rosaline got to wish her goodnight tonight.

With that, he slowly drift to sleep.

______________*-*______________

Di makatulog si Zach. Ilang gabi na rin siyang ganito. He used to have sleepless nights starting when Selena and their daughter left him.

Pero ngayon iba ang dahilan kaya siya di makatulog. It's been a week since he tried his best to investigate on Ciara's whereabouts but every information he gets leads him to a dead end.

He rested his back on the headboard and he reached for the three thick notebooks placed on his bedside table. Ciara's Diaries. He started to flip on it's pages.

From the first notebook:

Dear Diary,

April 2, 2000

I can't help it. I think I already love him. I want him to be my boyfriend. Gustong-gusto ko na siyang sagutin. Ayaw ko na siyang nahihirapan pa sa kakasuyo sa akin. Sawa na din akong magpanggap na di ako kinikilig sa mga efforts niya.

He just don't know how he can make me feel like i'm floating in the air everytime he kiss my cheeck and hug me. When he gives me flowers, chocolates and expensive gifts. He always bring me on a date every weekend. He's so handsome and gentleman.

Tell me, Diary. How am I suppose to suppress falling in love with Zach when my heart already keeps on beating erratically just the thought of his name huh?

But Papa said that, I could only answer him if I turned 16. I love Zach but I love my father too. I don't wanna break my promise to him.

Wala sa sariling nahaplos niya ang pahinang iyon. A tear escaped his eyes.

I'm so sorry, Ciara. You did nothing but to love me yet I choose to hurt you.

From the 3rd notebook:

Dear Diary,

February 13, 2003

OMG! I'm so excited. Tomorrow is my 18th birthday. I feel so giddy. Zach will be my escort and of course, last dance. Papa will be my first, of course. How's that?  ♥-♥

Pero diary naisip ko lang, paano kaya kung biglang marealize ni Zach na di pala niya ako mahal? Na nahuhumaling lang siya sa akin kasi mula noon ako lang ang babaeng nakakalapit sa kanya.

Na mula noon kami na ang magkasama kaya akala niya mahal niya ako. Paano kung makakita siya ng iba? Lalo pa't di naman ako tanga na sa hitsura pa lang niya madami ng nangangarap sa kanya.

Iniisip ko pa lang na di talaga ako mahal ni Zach para na akong sinasaksak. Bakit ganun diary? Does this mean, I love him too much?

Kasi siguro kahit sabihin niya sa akin na hindi niya na ako mahal.,mamahalin ko pa rin siya. Kahit sobrang sakit basta mahal ko siya. Sinubukan ko ngang tumingin sa mga gwapo ring schoolmates ko pero kahit anong gawin ko, si Zach pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Sana diary, siya din. Sana diary, ako lang din ang tinitibok ng puso niya kahit madaming mas magandang babae siyang makita. Sana tuparin niya yung pangako niya na hanggang sa huli ako pa rin at siya pa rin ang mag-aantay sa akin sa altar.

Lord, this is my debut wish.

Sa puntong iyon ay di na niya nakontrol ang mga luha. He feels like a little girl crying. Sa bawat pagbasa niya sa mga letra na naisulat ni Ciara ay bumabaon ang punyal ng sakit at guilt sa puso niya.

Ilang pangako ba ang napako niya? Iilan lang ba ang natupad niya para sa dalaga? Ilang wish ng dalaga ang di niya natupad? Napakarami.

God, please let me see her once again.

Please.

I miss her so damn much.

I really really do.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now