Chapter 7

5K 172 18
                                    

Para siyang nabuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa narinig. Tears begun to cascade down her cheeks and she's just controlling her sobs.

Lying on the carpeted floor of their haven is Zach and Selena. She can even smell their after sex and they seem to be lost in their own world. Zach is gently stroking Selena's hair while whispering sweet words of assurance.

Di niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas para pagmasdan ang eksena mula sa nakaawang na pinto ng kubo. Gusto pa yata niyang patunayan kung hindi ba nagbibito ang kanyang mga mata at tenga.

"I love you so much Selena. I promise to finish everything with Ciara tomorrow so we can be free. Di ko na maatim na itago ka sa lahat. I want to be proud of you as my girl.."ani Zach saka hinalikan ang sentido ni Selena.

"Thank you Zach.,for loving me despite everything. Pero, will Ciara accept us? I mean, she's your first love..baka nga mahal mo pa rin siya eh.." mahihimigan ang uncertainty sa boses ni Selena. Di gaya sa mga nababasa niyang romance novels, hindi siya umalis agad. Papakinggan niya lahat kahit masakit dahil alam niya na hindi ito gaya ng mga nabasa niya. Sa nasaksihan niya talagang nagmamahalan ang dalawa at isa lamang siyang hamak na extra.

How can she be so fool? How can she be so naive to notice na simula ng matanghal at nagkasama sina Zach at Selena bilang Mr and Ms. Intrams isang taon na ang nakaraan ay nagsimula ng manlamig sa kanya si Zach.

Di lang niya ito pinansin sapagkat greatest rival ng mga Fletcher sa politika ang pamilya ni Selena sa lugar nila kaya akala niya di pwedeng magkalapit ang dalawa. Pero heto siya ngayon at siya ang napag-iwanan.

"sssshhh i'm more than sure of my feelings for you. Besides, have you heard of the quote "First
love never dies but True love can bury it alive."? And you are my true love Selena..i'll marry you whatever it takes. That's how I love you..I may have loved Ciara but rest assured that i'll forever end up with you.." Zach lovingly said. This time di na nakontrol ni Ciara ang paghikbi. Napaupo siya sa tabi ng pinto. Naramdaman na lamang niya na may mga mata na nakatingin sa kanya.

"C-Ciara..." utal na sambit ni Zach habang nakaboxers lang. Nag-angat siya ng tingin sa dalawa. Kita niya ang awa sa mata ni Selena samantalang di naman niya mabasa ang emosyong nakapaloob sa mata ni Zach.

"You could at least had the decency to inform me that you're already in love with each other. Oo masakit pag inamin niyo pero mas masakit kasi yung ganito. Ang tagal niyo na pala akong pinagkakaisahan. Di man lang ba kayo nakonsensya?" hirap na hirap na pagbubuhos ng hinanakit na ani Ciara. Halos di siya makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Ciara..am sorry it's just that I don't wanna hurt you---"

"That's bullshit Zach!" putol niya sa sasabihin pa sana ni Zach. Nagulat naman ito sa pagmumura niya, wala eh masakit."You're just pouring salt to my wounds. Ayaw mo pala akong saktan pero nagawa mo ito..." nahihirapan mang tumayo dahil sa panlalambot ng tuhod at sa gown na suot ay pinilit pa rin niyang tumayo para harapin si Zach.

"Ciara.,I'm sorr--"

"Shut the fuck up!!! No word would make me feel better coming from you so just pocket your bullshits..."nanggagalaiting sigaw niya. Hindi siya palamura, she has always been demure pero tangina masakit eh. Kailangan niya ng outlet.

"Naghintay ako Zach.,nagmukha akong tanga kanina sa debut ko. Hinintay kita at umasa ako sa pagdating mo! Pero binigo mo na nga ako ganito pa ang maabutan ko. Ni hindi mo nirespeto ang kahalagahan nitong kubong 'to! Bakit nawala bigla ang pagmamahal mo sa akin? Hah?!" galit na sigaw niya sabay dinuro duro ang dibdib ni Zach."Dahil ba hindi ko pa kayang makipagsex sa'yo na kaya niyang ibigay hah?"

*PAK!"

Napasinghap si Selena at napaupo naman siya sa lakas ng sampal na yun. Di na niya nakayanan ibalanse ang pagkakatayo.

"Sor--" di niya pinatapos si Zach at tinabig niya ang kamay nito saka siya malakas na napahagulgol.
Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam na sinampal ka ng lalaking pinakamamahal mo. Wala lang sa kanya ang pisikal na sakit pero yung katotohanang nakaya ka niyang sampalin dahil may kapalit ka na sa dating pwesto mo sa buhay niya ang pinakamasakit sa lahat

"Zach naalala mo pa ba? Ngayon ang 18th birthday ko, 15th anniversary din ng pagkakaibigan natin at 2nd year anniversary sana natin...lahat yun matatapos sa gabing ito na napakasakit..salamat Zach hindi ko ito makakalimutan..." hinang hinang aniya saka unti unting tumayo. Gusto pa sana niyang punasan ang mga luha sa pisngi ni Zach pero pakiramdam niya wala na siyang karapatan.

Mas lalo niya itong napagtanto ng yumakap sa binata si Selena. Sobrang nanikip ang dibdib niya with the sight of them. Tuloy ang bagsak ng mga luha niya at mahina siyang napatawa ng pagak.

"Pangako.,hindi ako manggugulo sa relasyon niyo. Sana lang di niyo maranasan kung gaano kasakit ang pakiramdam ko ngayon..." aniya saka tumalikod sa dalawa. Patakbo niyang linisan ang lugar. Palayo sa makasaysayang lugar na yun sa puso niya at palayo na rin sa taong mahal niya.

"First love never dies but true love can bury it alive."

So sad but so true!

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora