Chapter 6

5.6K 159 9
                                    

Nanghihinang napaupo si Rosaline sa sahig pagkasara niya sa pintuan ng kwarto sa condo niya. Parang nadrain bigla lahat ng energy niya dahil sa muling nakita sa VillaTech.

Alam niyang bumalik na ito sa Pilipinas pero di naman niya inaasahang magkikita sila sa VillaTech kanina. Mabuti na lang talaga hindi siya nakilala nito. Pero mas nangingibabaw yung masakit na pakiramdam niya na hindi man lang siya nakilala ni Zach.

Di tuloy niya namalayang umaalpas na naman ang mga luha niya kasabay ng alaalang pilit niyang kinakalimutan pero sadyang nagpupumilit kumawala sa isipan niya.

10 years ago...

"Naku.,ang ganda-ganda na talaga ng dalaga ko.,mana sa mama..." maluha luhang sabi ng kanyang ina habang inaayusan siya.

"Ma naman kay Papa ako nagmana, siya kaya ang kamukha ko..." depensa pa ni Ciara. "Tsaka Ma, tahan na ang iyak.,debut ko lang di naman ako mamamatay eh.." dagdag reklamo niya dahil sa kadramahan ng ina.

"tssss favoritism ka talaga Ciara. Mas love mo ba talaga si Papa mo kaysa kay mama hah?" nagtatampong tanong ng ina niya..

"tsk syempre mahal ko kayo pareho ., mas kamukha ko nga lang si Papa..." sagot niya saka yinakap ang ina.

"Oo na nga..I Love You Ciara..." anang ina saka mas hinigpitan ang yakap rito.

"I love you too Ma,."

"hay naku naku...tama na ang drama ..Ma, baba na tayo madami ng bisita sa labas..." pag-istorbo sa kanila ng Ate Jessica niya. Di sila masyadong close ng Ate niya pero in good terms naman sila, sadyang mas close lang siya sa ama.

"oh siya Ciara...mauna na kami sa baba hah.." paalam ng ina saka tumayo mula sa kama na kinauupuan nila.

"Ciara.,ang ganda mo. Mana ka kay Ate.." ani Jessica sabay kindat. Natawa na lang siya. Pinipilit kasi nila na sila ang kamukha niya pero halata namang Papa niya ang kamukha niya.

18th birthday niya ngayon at sadyang pinaghandaan ito ng mga magulang niya. Minsan lang daw siya mag18 sa buong buhay niya kaya dapat bongga lahat. Dagdag pa't kakagraduate lang din niya sa high school as salutatorian.

Di rin niya mapigilang mangiti dahil sa isiping magiging First dance niya ang ama at last dance ang pinakamamahal na kasintahan, si Zach. Exactly, 2nd year anniversary nila ngayong debut niya dahil sinagot niya ang binata noong 16th birthday niya.

3 years old sila noong una silang nagkakilala, so they are childhood friends. Siya lang ang bukod tanging kaibigan niya dahil ayaw ni Zach na nakikipagkaibigan siya sa iba. Ayaw kasi niyang may kaagaw siya ng atensyon sa kanya kaya sinunod na lamang niya ang lalaki.

Noong 14 years old na sila ay nagsimula ng mag-iba ang turing sa kanya ni Zach, hindi na siya nito tinuturing na kapatid o kaibigan lang kundi higit pa dun. Hanggang sa magtapat ang binata na ayaw na niya itong maging kaibigan, gusto daw nito higit pa doon. Syempre, bata pa sila noon kaya tumanggi siya pero di rin niya naikaila ang tunay na damdamin sa binata kaya noong 16th birthday niya ay sinagot niya ito.

"Pangako Ciara, hanggang sa huli ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Sisiguraduhin kong ako ang maghihintay sa'yo sa altar.."

Mga linyang tumatak na sa kanyang isipan sapagkat di lang siya napakilig nito ngunit ramdam din nito ang sinseridad mula sa iniibig. Alam naman niyang bata pa sila pero naiintindihan naman ng puso niya kung gaano kamakapangyarihan ang pag-ibig na bata man o matanda ay natatamaan pa rin nito.

Mayamaya pa'y tinawag na ang kanyamg pangalan bilang debutante. Masaya siyang nagsimulang maglakad pababa sa magarang staircase habang ang lahat ay pumapalakpak at pinagmamasdan ang kanyang pagbaba. Napakaelegante ng naging hitsura ng mansion nila dahil sa masusing pag-oorganisa ng kanyang ate at ina.

Di na maalis ang ngiti niya sa labi hanggang sa dumating siya sa pinadulong bahagi ng magarang hagdan. Pero laking gulat niya ng ang Papa niya ang sumalubong sa kanya na dapat sana ay si zach dahil siya ang escort nito.

"ang ganda ganda talaga ng prinsesa ko.." nakangiting papuri sa kanya ng ama. Kung andoon sana si Zach ay mapapayakap siya sa ama dahil sa sinabi nito pero yung isip niya ay nasa kasintahan.

"Pa, si Zach po?" tanong niya sa ama. Napabuntong hininga naman ang ama saka siya sinagot.

"Baka nahuli lang yun.,darating din yun. Baka may nangyari lang. Bakit kailan ka ba binigo ni Zach?" sagot ng kanyang ama na kahit papaano ay nakapagpagaan ng pakiramdam niya.

Darating siya.

Mahal niya ako at di niya ako bibiguin sa mahalagang araw ng buhay ko.,ng buhay namin.

Mantra ng isipan niya habang nakikisalamuha sa lahat. Pero ganun na lamang ang panlulumo niya ng matapos na ang party at lahat pero walang Zach na dumating. Isa isa nang nag-aalisan ang mga bisita pero walang Zach na dumating.

Paulit ulit niya itong tinatawagan pero lagi itong out of reach. Dahil noon lang naman siya hindi sinipot ng binata ay naisip niyang baka susurpresahin lang siya ng binata. Mahilig din kasi itong surpresahin siya.

Kaya habang abala ang lahat sa pagpapaalaman ay naisip niyang tumungo sa sekretong lungga nila ni Zach. Isang kilometro lang ang layo nun mula sa mansion nila kaya naisip niyang tumungo roon kahit mag-aalas dose na ng gabi. Ginawa nila yun ni Zach noong sampung taong gulang pa lang sila at doon madalas magtagpo para maglaro noon pa man.

Napangiti siya ng makitang may ilaw na nanggagaling mula sa munting kubo nila. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa kubo, pinatay na din niya ang ilaw na galing sa cellphone para di siya mahalata ni Zach. Alam kasi niya na naghihintay sa loob ang kasintahan.

"I love you Zach.." rinig niya mula sa isang babae na tiyak niya'y nasa loob ng kubo. Tinambol ng kaba ang puso niya lalo pa ng sinagot ito ng napakapamilyar na boses sa kanya.

"I love you too Selena.."

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now