Chapter 29

4.6K 126 1
                                    

"I can feel that it was you all along..." matapos siyang tawagin ni Zach bilang Ciara kanina ay agad niyang naitulak ang lalaki. Ngayon nga ay pareho na silang nakaupo sa sofa. Tahimik lang siya. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin.

"I just confirmed it a while ago. Bakit ka nagtatago sa pangalang Rosaline kung pwede ka namang makilala bilang Ciara Henson?" mapakla siyang napatawa sa tanong nito.

"Unang una Zach, wala kang karapatang kwestyunin ako. Sino ka ba?" nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mata nito pero wala siyang pakialam ngayon.

"Naramdaman mo ba talagang ako talaga siya o sadyang may nagsabi lang sa'yo?" napangiti siya ng mapait ng mapansin na bahagyang natigilan ang lalaki.

So tama nga.

"Zach, si Rosaline ang kaharap mo ngayon. Matagal ng wala ang uto-utong Ciara Henson na sinasabi mo. Ngayong alam ko na.,pwede bang umalis ka na. Kailangan kong matulog para di magmukhang gurang ang image model ng kompanya mo. Nakakahiya naman sa'yo!" aniya saka walang pasabing tumayo at nagtungo sa pintuan ng kwarto.

"Umalis ka na at wag na wag ka ng babalik pa." huling aniya saka pumasok at inilock ang kwarto. Bahala na siyang  lumabas. Anyway the door will automatically lock when he close the door outside.

Nanghihina siya napaupo sa sahig katabi ng kama. Pinalaya na niya ang mga luhang nagbabadya kanina pa. Wala naman ng makakakita kaya malaya niyang nailabas kung gaano pa rin siya kahina mula noon hanggang ngayon.

Isang dekada na pero napakasakit pa rin manariwa sa pag-iwan nila sa kanya. Kung pag-intindi lang at pagpapatawad nakaya na niyang ibigay kahit hindi pa man nila hinihingi pero yung sakit at sugat na iniwan nila sa kanya ay mahirap na yatang magamot pa.

Habang buhay na yata itong nakaukit sa kanyang puso at kahit pa lumipas ang maraming taon, mananatili doon ang peklat ng pag-iwan sa kanya sa masalimuot na nakaraan.

_________*-*__________

Nanghihinang lumabas mula sa condo ni Rosaline si Zach. Para siyang nauupos na sigarilyo dahil sa nakitang sakit na bumabalatay sa mukha ng dalaga kanina.

Ang mga matang masayahin at puno ng pagmamahal noon ay napalitan ng matang puno ng sakit at lungkot. Kasalanan niya yun.

Kung sana...

Yan na lamang ang tanging nagpapaulit ulit na salita sa utak niya habang siya'y pabalik sa condo niya. Nang icheck niya ang phone ay puro tawag at text ito ng mga kaibigan niya.

Maging si Rage na bihira kung magtext o tumawag sa kanya ay naging highest bidder sa call logs at inbox niya.  Bigla niyang naalala kung gaano nito kagusto si Rosaline.

What will you do if I will turn to be your rival?  How will you react if you happen to discover that the one you like right now was my first love?

Pero sino bang binibiro niya, alam niyang hindi simpleng pagkakagusto ang nararamdaman ni Rage para kay Rosaline. And that's why things are becoming so much more complicated for him.

Nanghihina siyang napaupo sa kama. Kakataoos lang niyang magshower pero hindi nito nabawasan ang bigat ng kanyang nadarama. Napakabigat pa rin ng kalooban niya.

His eyes landed on the bedside table. Muli'y kinuha niya ang mga diary notes ni Ciara at dahandahang binuklat ang isa.

How will she react if she'll know that I have her diaries? hmmm

Napaisip naman siya. Ibabalik baniya ito o sa kanya na lang, coz almost every log inside it is almost about him and her. How he missed those times where nothing roles over them but happiness and love.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now