Chapter 30

5.1K 128 9
                                    

"Napadaan ka?" seryosong tanong ni Zach kay Rage. Nasa opisina na sila dahil maagang natapos ang shoot ni Rosaline para na rin sa isa pa nitong magazine interview.

"Well, since you left last night sa di malamang dahilan I voluntarily came to check on you..that's my purpose in coming here." napabuntong hininga naman si Zach. Nakokonsensya sa inis na nararamdaman sa kaibigan dahil sa panunuod nito kanina kay Rosaline.

"I'm fine. May kinailangan lang akong puntahan kagabi." sagot naman niya ng di nakatingin kay Rage.

"Did you already found her?" di naman alam ni Zach kung ano ba dapat niyang isagot. Ayaw niyang magsinungaling pero di pa siya handa sa magiging reaksyon ni Rage kapag nalaman nitong iisa si Rosaline at ang Ciara na hinahanap niya. Kaya minabuti na lamang niyang umiling.

"Bakit di ka na lang kasi magpatulong sa amin..we might find her easily..." suhestiyon ng kaibigan na lalong nagpabigat sa kalooban niya.

"Nah. I can manage. Hihingi naman ako ng tulong kapag di ko na kaya eh.." aniya na lamang. Napabuntong hininga naman si Rage tila may nais pang itanong sa kanya.

Di nga siya nagkamali dahil maya maya'y nagtanong na ito.

"Tell me Zach, Anong balak mong gawin kapag nahanap mo siya?" di siya makasagot sa tanong nito. Kahit nga ngayong alam niya na si Rosaline ay si Ciara ay di niya matiyak ang tamang gawin.

"What if she's still unmarried? Will you woo her? Because basing on what I see, you are still harboring feelings for your first love. What about Selena and your daughter? Don't you think it's about time to let one of them go? It's either that you will pursue your pass and free your wife or chase your wife and forget your pass? It's not a matter of choosing the right one, Zach. This time, it's a matter of choosing who your heart truly beats for. Is it really your wife? or your first love all along?" seryosong pahayag sa kanya ni Rage. He admits that all his friend said went straight to his being. Naguguluhan man siya sa tunay na nararamdaman dahil sa mga sinabi nito ay napagpasyahan niyang magdesisyon sa lalong madaling panahon.

"Think and choose wisely Zach coz someone else might win over the best choice." makahulugang ani Rage saka wala ulit pasabing lumabas sa opisina niya. 

Napahawak siya sa batok at malalim na napabuntong hininga. Di niya na malaman ang gagawin.

Una pa lamang, sino ba talaga?

Dumaan ang isang linggo at sa wakas tapos na rin ni Rosaline ang photoshoot para sa Beliza maging ang para sa TV commercial. Abala naman siya ngayon para sa iba pang magazine photoshoots at interviews maging sa mga nakalinyang fashion shows at tv guesting.

"Oh my gosh bakla...mukha na akong gurang sa hectic ng schedule.." natawa na lang si Rosaline sa reklamo ng kaibigan.

"tssk bakit mas busy ka naman pero fresh ka pa din tingnan..kulang nalang iisipin kong in love ka.." dagdag pa nito sa sinasabi. Di na lamang niya pinansin ang kaibigan at tuloy lang sa pagbasa sa magazine na hawak kung saan siya ang cover.

 Di na lamang niya pinansin ang kaibigan at tuloy lang sa pagbasa sa magazine na hawak kung saan siya ang cover

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Romeo's Rosaline (COMPLETED)Where stories live. Discover now