Chapter 33

4.6K 119 1
                                    


"Tahan na...makakaya din nila kayong harapin balang araw.." pang-aalo ni Zach sa kanina pang iyak na iyak na si Jessica. Ilang araw na rin ang nakaraan mula ng mangyari ang pagkikita nilang iyon pero sa tuwing naaalala yun ni Jessica ay kusa na lamang itong naluluha.

"Hindi eh..nakita mo ba yung mga mata niya. Puno yun ng sakit at pait Zach. Di ko alam ang gagawin ko..." patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Tuloy lang din siya sa paghagod ng likod ni Jessica.

Mula din sa araw na yun ay di na niya nakausap ng matino si Rage. Malamang alam na nito ang lihim niya. Na ang babaeng hinahanap niya ay ang babaeng gustong-gusto niya.

"ssshhhh tahan na..." natigil lang si Jessica sa pag-iyak ng biglang may kumatok at iniluwa ng pinto ang dalawang kaibigan. Wala si Rage kaya malalim siyang napabuntong hininga.

Dali dali namang nag-excuse palabas si Jessica.

"oi anyari dun? Pinaiyak mo?" biglang ani Hans. Napaiking naman siya.

"May pinagdaraanan lang..." simpleng sagot niya. Naupo naman ang dalawa sa sofa sa opisina niya.

"Wala ba kayong trabaho at narito na naman kayo?" pag-iiba niya sa usapan.

"So ang lagay.,pinapalayas mo kami ganun?" tila iritadong ani Hans. Napailing na lamang si Greg.

"Hayy ano bang meron sa mundo ngayon...Una si Rage, ngayon naman ikaw.,nagpapalayas.." ani Greg.

"Di ko naman kayo pinapalayas.,nagtatanong lang. Tsaka bakit si Rage?" napangisi bigla ang dalawa.

"Nasa Singapore. Ewan kung kailan ang balik. nagkaproblema sa negosyo nila kaya kinailangan pumunta siya doon. Noong isang araw pa pala andun, di man lang nagsabi." sagot ni Hans na ikinabigla niya. Ilang araw na nga silang di nagkita at nag-usap pero di naman niya akalaing nasa ibang bansa na ito.

Oo mahilig itong hindi magpaalam pero kapag naman out of country siya, nagsasabi siya ngayon lang na hindi. It must really have something to do with him.

"Malaki pa daw yung problema kaya malamang matatagalan siya doon...kulang ang isang buwan.." dugtong pa ni Greg. Napahugot muli siya ng malalim na buntong hininga.

what to do?

Shall I grab the opportunity?


Nakahawak sa baso ng kape si Rosaline habang pinagmumunimunihan yung mga huling sinabi sa kanya ni Rage bago umalis paSingapore.

Nagising siya isang umaga at sakto namang may nagdoor bell. Sa pag-aakalang si Jazz yun ay agad niyang binuksan ang pinto at iniluwa si Rage. May dala na naman itong pagkain at isang bagong labas na Daily magazine at siya na naman ang cover nito. Nakacollage ito.

Nahihiyang pinapasok niya ang binata na maluwag ang pagkakangiti

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Nahihiyang pinapasok niya ang binata na maluwag ang pagkakangiti. Pinaupo niya ito sa kusina at hinain niya ang mga pagkaing dala nito. Di niya maiwasang maconscious sa tuwing mahuhuli niya ang matagal na pagtitig sa kanya ni Rage.

"Huwag ka nga tumingin...nakakaasiwa kaya,.," lakas loob na aniya.

"*chuckle* ang ganda mo lang kasi. Mas maganda sa mga pictures mo dun..." anito sabay nguso sa dalang magazine. Namula siya sa hiya dahil sa hitsura sa magazine.

"bolero...bakit ka nga pala napunta dito?" pag-iiba niya sa usapan na naging dahilan yata para mawalan ng buhay ang mukha ng binata. Marahas itong napabuntong hininga.

"Aalis kasi ako..." inatake ng lungkot ang puso niya sa unang mga salita na sinagot ng binata.
"Nagkaproblema sa isa sa negosyo ng magulang ko sa Singapore at ako lang daw ang makakaayos. Di ko alam kung ilang buwan kitang hindi makikita." malungkot na paliwanag nito. Tumango na lamang siya bilang senyales na nakikinig siya.

"So., goodbye breakfast ba ito?" hirap niyang tanong sa binata. Tumango naman ang binata bilang kompirmasyon. Napayuko na lamang siya. Nasanay na din kasi siyang halos araw araw nakakasama si Rage bukod kay Jazz. Isa siyang mabuti at maaasahang kaibigan.

Napaangat siya ng tingin ng biglang hinawakan ni Rage ang kanang kamay niya na nakapatong sa mesa.

"Sana sa pag-alis ko maayos mo din kung anumang gusot ang natitira pa sa nakaraan mo." napadiin ang paghawak nito sa kamay niya ng akmang aalisin niya ang pagkahulagpong ng mga kamay nila.

"Rosaline, I heard every word you said sa Ate mo. Kung andyan pa din ang sakit ibig sabihin di mo pa sila tuluyang napapatawad." isa isa nang umalpas ang mga luha niya.

"Real forgiveness brings peace to our heart, mind and soul. Kapag totoong nagpatawad ka, kahit gaano kasakit dati ang nararamdaman mo you will feel free from the burden of pain nor bitterness." nakatitig pa rin ito sa mga mata niya. Para bang inaarok ang kaibuturan ng kanyang katauhan.

"Your past will always be a part of you, Rosaline. Though it hurts so much when you remember them, it's still a part of what you are today. You can't runaway from it. Facing it is the best way to get rid of the painful memory and acceptance is the key to moving on." napahagulgol na siya sa harap ni Rage. Agad naman siyang dinaluhan nito para yakapin.

"I may not know how it feels to be left like what you experienced but I just wanted you to know that you're the bravest lady i've ever met. Fully overcome everything and you will forever be at peace. Trust me Rosaline. Let go of the pain and just let what your heart really wants..." anito habang nakayakap sa kanya at hinahagod ang likod niya.

Ilang minuto rin sila sa lagay na yun bago nagpasyang magpaalam si Rage.

"I may be physically far but I'll be with your journey in spirit. Next time that you will feel so down, don't hesitate to give me a call." aniya saka siya hinalikan sa noo at naglakad palabas sa condo niya.

Napanbuntong hininga siya.

"Lalim nun ah..." ani Jazz saka tumabi sa kanya.

"Tingin mo ba., duwag ako dahil sa pilit ko silang itinataboy sa kasalukuyan?" tanong niya sa kaibigan na natigilan sa tanong niya.

"Iba iba naman tayo ng paraan para maipakita na matapang tayo eh. Pero ang tanong, tama ba ang katapangang pinapakita mo? Baka naman dahil sa sobrang tapang mo pati mahahalagang tao na dapat mong panatilihin sa buhay mo naitaboy mo na..."yinakap siya ng kaibigan saka tinapik tapik ang balikat niya.

"Mag-isip ka bakla, Bakit ba sila binalik ng tadhana sa buhay mo? Lahat may rason at malalaman mo lang yun kung matututo ka nang harapin sila." dagdag pa nito habang hinahagod nito ang buhok niya.


"Let go of the pain and
just let what your heart really wants..."

Deep sigh.

Romeo's Rosaline (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن