Chapter Four

31.4K 806 22
                                    


Chapter Four

Gael

"ANONG IBIG mong sabihin na wala pa siya d'yan?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba matapos kong makausap si Eliz. Sa huling pag-uusap namin, nasa may Palawan na siya at matapos no'n ay wala na.

Noong una ay hindi naman ako masyadong kinabahan sa hindi ko pagkaka-contact sa kanya dahil alam kong mahirap makakuha ng signal sa El Nido mas lalo do'n sa barangay na magsasakay sa kanya papuntang Alta Puebo.

Pero magmula pa kahapon ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Kahit pagod na pagod ako sa maghapong trabaho at pakikipag-usap sa mga lawyer, hindi ko pa rin nagawang makatulog. Tapos bigla pang pumasok sa isip ko si Eliz. Doon na ako nagsimulang makaramdam ng matinding kaba.

At ngayong ngang tumawag ako sa pinsan kong si Kesha, nasisiguro ko na dapat nga akong kabahan sa mga nangyayari.

Magdadalawang-araw ko nang hindi nako-contact si Eliz. At wala akong ni katiting na ideya kung nasaan na siya ngayon, kung nakarating ba siya sa El Nido o kung ano nang nangyari sa kanya matapos ang naging huli naming pag-uusap.

"Sumagot ka, Kesha dahil tinatanong kita!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses sa kausap ko sa telepono. "Nasaan si Eliz? Hindi ba inihabilin ko siya sa'yo?"

"Gael, please! Let me explain—"

"Explain what?!"

"You're scaring me, Gael. Hindi mo naman ako kailangang sigawan, hindi ba?"

"I'm the one who's getting scared here, Kesha. Not you," madiin kong sabi sa kanya. "I entrusted her to you! Sinabihan kita na samahan siya papunta ng isla. Tapos ngayong sasabihin mo sa akin na hindi mo alam kung nasaan siya?"

"May buhay rin ako, Gael!" nagsimula na ring magtaas ng boses niya sa akin si Kesha. "I've been waiting for this job for a very long time! Alangan namang bitawan ko na lang 'to basta-basta dahil lang sa girlfriend mo! Saka hindi ko rin naman ginusto 'to. I'm also worried about her, Gael. Kung iniisip mo na naging makasarili ko, yes! I am! And this guilt is eating me already kaya p'wede bang huwag mo akong sisigawan?!"

Madami pa sana akong gustong sabihin at isisi sa kanya pero pinili ko na lang na hindi na magsalita.

After all, in the first place, this was all my fault.

Kung sana pinigilan ko siya na magpunta sa isla nang mag-isa. Kung sana pinilit ko na lang siya na hinatayin ako at nang sabay kaming magpunta sa Alta Puebo. Kung sana sinamahan ko siya...

God, Eliz! Where are you?

"Uuwi ako. Arrange a search party for me."

"Uuwi? Akala ko ba bukas na ang hearing n'yo sa kaso base ro'n sa sinabi mo sa akin noong—"

"And what do you want me to do? Stay here and mind that fucking case and disregard the fact that my fiancée has been missing for two fucking days?!"

I've never yelled this hard to someone before. Hindi ako 'yong tipo ng tao na mabilis magalit because I was trained how to keep my cool from any type of situation.

But Eliz is nowhere to be found. And this is not the right time to be calm.

"Let me atone for my mistakes, Gael," narinig ko ulit ang boses ni Kesha matapos ko siyang putulin sa pinagsasabi niya kanina. "This is my fault kaya hayaan mo akong gumawa ng paraan na mahanap si Eliz."

"I will never entrust her to you again, Kesha," walang emosyong sabi ko. "No. I will never trust you again."

"Gael naman! Don't do this to me! Pinsan mo pa rin naman ako!"

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now