Chapter Forty Six

18.6K 499 46
                                    

Chapter Forty Six

Eliz

"HAPPY BIRTHDAY, Gael!"

"Kumusta ang project mo doon sa Makati? Balita ko that is a billion dollar project?"

"Hindi ka na namin nakakasama sa paggo-golf. Maglaro naman tayo minsan!"

Para akong robot na naka-programang awktomatikong ngumiti at tumango sa mga bisita na bumabati kay Gael kasabay ng pagpapakilala niya sa akin sa mga ito.

Gaya nga nang nabanggit ni Elisha, literal na malalaki at hindi basta-bastang tao ang mga bisita ni Gael sa birthday party na ito. Bigla tuloy akong nahiya para doon sa mga simpleng handaan na pinagsasaluhan namin ni Gael noon—maging kung paano siya nasanay at posibleng pinakisamahan iyong simple kong pamumuhay kapalit ng lahat ng nagkikinangan at nagmamahalang selebrasyon gaya ng binigay sa kanya ng pamilya niya ngayon.

"Okay ka lang?"

Napa-angat ang tingin ko sa kanya nang marinig ang tanong niya, sunod bumababa iyon sa isang kamay niya na marahan niyang pinatong at tinapik-tapik sa kamay kong naka-sabit sa braso niya.

"Boring ba ang party?" Tanong pa niya sabay napatingin na rin sa mukha ko na may bahid ng pag-aalala.

Marahan akong umiling bago nagsalita. "Hindi naman. Hindi lang ako sanay."

"Pasensya na kung kailangan mo pang sumama sa akin na harapin ang mga bisita ko," sagot pa niya saka napatingin doon sa kumpol ng mga tao na nasa harapan nito. "Ayoko lang... no. Don't mind."

"Ayoko lang alin?" Kunot-noong ulit ko.

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Gael na magpatuloy saka ko narinig ang pagbuntong-hininga nito.

"Ayoko lang malaman ng mga magulang ko, lalo na nila abuela at abuelo, na hindi tayo ayos. Na may problema tayong dalawa," wika pa niya saka nagpatuloy na may kasama nang himig ng lungkot sa boses nito. "I just don't want to disappoint them anymore..."

"Sa paanong paraan ka naman nakaka-disappoint?" litong tanong ko. "Successful ka naman. May maayos na trabaho. May pinag-aralan. Mabuting anak—"

"I am not," putol niya sa sasabihin ko na may kasama pang matipid at mapait na ngiti sa labi nito. "I've been a disappointment in this family for months now. Since... since I lost you."

Kung kanina, malalakas na sipa lang ang nararamdaman ko sa dibdib ko, ngayon tila may mabigat ng bato ang biglang bumagsak doon dahil sa mga binitawang salita ni Gael at maging doon sa lungkot na mababakas sa mukha nito.

Ikaw ang may dahilan ng mukhang 'yan, Eliz! Sermon pa ng isang bahagi ng utak ko.

"Ano bang nangyari noong nawala ako?" alanganing tanong ko.

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang marinig ang buong kwento para malaman ko. O, gusto ko lang iyon marinig para mas saktan at konsensyahin ang sarili ko sa mga maling desisyon ko sa buhay bago pa man ako nagka-amnesia.

"I..." Maging si Gael ay nag-aalangan kung magku-kwento ba ito sa akin o hindi.

"Hindi kita huhusgahan at hindi ako magagalit sa kung ano mang maririnig ko," pagpapalubag-loob ko pa sa kanya.

Nagpalipas muna ng ilang sandali si Gael saka niya ako hinila papunta sa isang sulok ng malaking sala ng malaking mansyon saka ito nagsimulang magkwento.

"I've lost myself, same as I lose you, Eliz," panimula niya. "Noong unang araw na malaman kong hindi ka sinundo ni Kesha sa El Nido, halos mabaliw na ako kakaisip kung anong nangyari sa'yo at bakit hindi ka nakarating sa araw na dapat nasa isla ka na. Nasa Chicago ako nang mga panahon na iyon para asikasuhin iyong maling bintang at kaso laban sa mga magulang ko kaya hindi agad ako nakauwi para makatulong sa paghahanap sa'yo."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now