Chapter Eight

24.9K 635 20
                                    

Chapter Eight

Eliz

"MAMA! PAPA!"

Akmang tatakbo na ako sa loob ng nasusunog naming bahay nang may isang kamay ang pumigil sa akin sa pagpasok ko sa loob

"Bata! Anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?!"

"Pero si Mama at Papa! Nasa loob pa sila! Kailangan ko silang iligtas!"

"Hindi p'wede 'yang sinasabi mo! Mapapahamak ka lang sa binabalak mo!"

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak sa akin no'ng isa sa mga pulis na nasa lugar ng insedente.

Pero dahil sa mura kong edad at dahil sa pinaghalong takot at kaba para sa lagay ng mga magulang ko ay naging walang silbi ang kakapiranggot kong lakas para matulungan sila.

Wala akong ginawa buong magdamag kundi isigaw nang isigaw ang mga pangalan nila at humingi ng tulong sa mga bombero at ilang kapit-bahay na tumutulong para maapula ang apoy.

Pero sa kada sigaw ko, sa kada hiyaw ko, mas lalo lang lumiliit ang pag-aasa na makikita ko pa ulit ang mga magulang ko.

"Pasensya ka na, bata. Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya."

"Hindi... Mama... Papa... Gumising po kayo! Natutulog lang po kayo, 'di ba? Naglalaro na naman po ba tayo? Mama? Papa?" pahina nang pahina ang boses ko habang inaalog ko 'yong sunog na katawan ng mga taong nilabas nila mula sa nasusunog na bahay.

Mama...

Papa...

Gigising pa po kayo, hindi ba?

PAGKARATING NAMIN sa lugar kung saan nangyayari ang sunog ay napuno na iyon ng mga nagkakagulong tao at ilang mga kalalakihan na nagtutulong pumatay sa apoy.

Sa may isang banda naman ay may ilang kababaihan ang umaalalay sa ibang taga-isla sa paglikas sa mas ligtas na lugar. May ilan din akong nakita na sumasakay na sa mga bangka na nasa may pampang at tuluyang pinapalayo sa isla partikular ang mga matatanda at bata.

"Nasaan ang senyorito?"

"Hindi pa rin ho namin siya makita, Manang Pising."

"Mahabaging Poon! Palaki na nang palaki ang apoy!"

"Tawagin ang lahat ng trabahador sa isla at magsalok ng tubig sa may pampang! Kailangan nating masugpo ang apoy bago pa 'to mas lalong lumaki at kumalat sa buong isla!"

"Pising tawagin mo na rin ang iba pa nating mga amo. Hindi natin makakaya ang pagpatay sa mga 'to ng tayo-tayo lang!"

"S-sige! Ako na tatawag sa kanila."

Sinubukan kong lumapit sa nasusunog na imbakan nang may maramdaman akong pumigil sa braso ko.

"Monique! Ano bang ginagawa mo?!" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Manang Pising. "Lumayo ka d'yan! Gusto mo bang pati ikaw ay masunog ng apoy na 'to?"

"Pero Manang Pising—"

"Pising, isama mo na si Monique sa mga nasa bangka! Kailangan na nating ilikas ang lahat ng nasa isla!" narinig kong sigaw ni Mang Cardio.

"Mang Cardio!"

Sabay-sabay kaming napalingon ng matatanda nang may marinig kaming tumawag sa atensyon nila saka namin nakita ang isang binatilyo na humahangos papunta sa direksyon namin.

"Hindi pa rin ho naayos ang linya ng telepono sa mansyon magmula no'ng bumagyo. Hindi po natin matatawagan ang iba pang Mondragon maging ang barangay sa El Nido!"

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now