Chapter Twenty Eight

21.1K 653 52
                                    

Chapter Twenty Eight

Gael

"WILL YOU stop harassing my wife because your immature, whining attitude? What are you? Some spoiled bastard son?"

Binigyan ko lang ng madilim na tingin ang anino ng bulto ni Trojan sa salaming bintana nitong hotel kung saan ako nanunuluyan pansamantala at saka muling sinalinan ng brandy ang baso ko at inisang lagok iyon at bago humarap sa kanya.

"For someone who's a spoiled bastard yourself, that doesn't seem to sound right," iritable at sarkastiko kong sagot doon sa sinabi niya. "But I'll take that as a compliment. Thank you very much."

"Manang Pising told me that you're doing okay. But I guess I heard the news wrong 'cause you seem like the unstable, annoying, son of a bitch trash that I've seen months before."

Napadiin ang hawak ko doon sa bote ng alak na hawak ko dahil sa mga sinabi niya pero pinili ko na lang na huwag na siyang patulan at mas damihan na lang ang binubuhos kong alak sa baso ko saka iyon muling inisang lagok.

Isa pa, hindi rin naman siya nagkakamali doon sa sinabi niya.

Matapos kong makarating dito sa Hong Kong, inaasahan ko na makikita ko si Eros dahil na rin sa binalita sa akin ni Cassandra na may kasama si Trojan dito na isa sa mga pinsan namin dito.

But it was Ethan. Not Eros. And it was too foolish of me to assume otherwise.

Kaya nang magtanong ako kay Eila, na nagtatrabaho pa rin bilang personal na sekretarya ni Trojan kahit pa nga kasal na ito sa pinsan ko, hindi ko napigilan na magtaas ng boses at magalit sa kanya nang sabihin niya sa akin na na-cancel ang byahe ko pabalik ng Pilipinas dahil sa hindi inaasahan na paglakas na bagyo dito sa Hong Kong. At ayon din sa kanya, baka sa susunod na araw pa ang balik ng normal na operasyon ng mga paliparan dito.

Naisip ko rin na hiramin na lang muna iyong private plane na dala ni Trojan dahil wala akong balak magpalipas ng isa pang masasayang na araw sa paghahanap ko kanila Eros at sa Monique na nabanggit ni Manang.

Pero si Eila na rin mismo ang pumigil sa akin na gawin iyon, alinsunod na rin sa kagustuhan ni Trojan na huwag akong umalis dahil sa pagiging unstable ng utak ko—na para bang sinasabihan niya ako na talagang may problema ako sa utak para umalis pa rin sa kabila ng masamang panahon.

"We should have put you into rehab. You're starting to look like a mad man with an alcohol problem. And Kesha is still traumatized with what you have done to her, Gael."

"It was her fault! Kung hindi dahil sa kanya..."

"Kung hindi dahil sa kanya ay ano?" si Trojan na ang nagpatuloy sa mga salita na hindi ko masabi. "It wasn't her fault. Not mine, not Eros, not my wife, not by anyone but by you alone, Gael. So, stop putting the blame to everyone just because you've lost your fiancée."

"Easy to be said than done dahil wala kayo sa posisyon ko," napataas na ang boses ko sa galit saka nagpatuloy. "Hindi kayo ang nawalan kaya wala kayong karapatan na pagsabihan ako kung paano ako kikilos o anong dapat maramdaman ko!"

"We may not be in your position. But you're also not in the position to put all the burden to us."

Kanina ko pa gustong ipadapo sa mukha ni Trojan ang kamao ko. At no'ng inakala ko na hindi ko na mako-kontrol ang sarili ko at masaktan na talaga siya, saka naman kami naistorbo ng isang katok sa pinto at pagbukas noon.

"Sorry. Naka-abala ba ako sa inyo?"

Sabay kaming napalingon ni Trojan sa pinanggalingan ng boses na iyon saka ko nakita ang awtomatikong paglambot ng ekspresyon ng mukha ng kasama ko nang makita niya si Eila at iyong maliit na nilalang na buhat-buhat nito.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now