Chapter Eleven

24.5K 605 11
                                    

Chapter Eleven

Eliz

"SO, WHAT are your plans now?"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya mula doon sa pagkain na nasa harapan ko nang marinig ko si Eros na magsalita.

Nandito pa rin ako sa condo niya at sinasaluhan siya sa agahan na siya rin mismo ang gumawa.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na kaya niya rin palang magluto o kumilos nang mag-isa dito sa sarili niyang lugar nang walang maid o alalay na gagawa ng mga bagay na iyon sa kanya.

Oo at nakikita ko siyang tumutulong sa sakahan doon sa Alta Puebo pero mayro'n kasi siyang aura na sobrang intimidating na tipong kahit hindi na siya magsalita, gagawin mo na agad 'yung bagay na gusto niya o kailangan niya.

Idagdag pa na sobrang brusko, antipatiko at magaspang na ugali ng Eros Mondragon na 'to, dagdag ko pa sa isip ko.

Magmula no'ng makaalis na kami sa isla hanggang sa ihatid niya ako do'n sa dati naming bahay na ngayon ay may iba nang nakarita, naninibago pa rin ako sa mga kinikilos at pinapakita ni Eros sa akin ngayon. Kahit 'yung pagpapatuloy niya sa akin dito sa condo unit niya ay nakakapanibago rin.

Pakiramdam ko tuloy ibang Eros 'yung nakasama ko doon sa isla sa Eros na kasama ko dito sa may mesa at umiinom ng kape nito ngayon.

"Where is my answer, woman?" iritableng sabi niya saka siya napatingin sa akin mula doon sa tasa ng kape na iniinom niya.

"S-sorry. Sa totoo lang, hindi ko rin alam..." muntik ko pang makagat ang dila ko nang sumagot ako sa tanong niya. "Siguro susubukan ko munang maghanap ng trabaho, kahit part-time job lang para kahit papaano may pera ako at kapag may sapat ng ipon, uupa na lang siguro ako ng maliit na kwarto."

Sobrang awang-awa ako sa sarili ko.

Maliban sa alaala ko, nawala na rin sa akin 'yung nag-iisang alaala ng mga magulang ko.

Ngayong walang-wala na ako, hindi ko alam kung saan pa ba ako pupunta, kung sino pa ang lalapitan ko o kung may mahihingan pa ba ako ng tulong dahil sa amnesia na mayro'n ako.

Isa pa, may mabigat pa rin akong nararamdaman sa dibdib ko. Bagay na lagi kong naiisip sa gabi. Na hindi lang magulang ko, ang bahay ko o ang ilang alaala ang nawala sa akin kundi may mas higit pa.

Isang bagay na sobrang importante.

At sa tuwing pipilitin ko ang sarili ko na isipin kung ano ba 'yun, bigla-bigla namang aatake ang pananakit ng ulo ko. Kaya sa huli, wala na akong ibang nagagawa kundi magdasal at humiling na sana ay bumalik na sa normal ang lahat at makabalik ang mga alaala na posibleng nawala sa akin.

"You're going to look for a job?" Napatingin ako ulit kay Eros nang marinig ko ang boses niya at nakita ko ang sarkastikong reaksyon sa mukha niya. "You basically have nothing. Where's your requirement? Identification or anything that will help you find a decent job? You don't even have any credentials with you. Who will hire someone like you?"

Gusto kong magalit do'n sa sinabi niya. Pero sa huli, pinili ko na lang na huwag na siyang patulan.

Wala namang mali doon sa mga sinabi niya. Sino nga naman ang tatanggap sa akin sa trabaho kung ganitong kahit sarili kong alaala ay nawawala rin sa akin?

"Hahanap ako ng paraan," nasabi ko na lang.

"You're crazy," nang-uuyam na sabi niya saka tumayo at tumalikod sa akin, naghahanda nang umalis.

Pero no'ng inaakala ko na iiwanan na niya ako doon sa may hapag-kainan, muli ko siyang narinig na nagsalita.

"Marami pa ring aayusin sa isla dahil sa mga nangyari. Pay for the breakfast I made and the kindness of my people with labor at Alta Puebo."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now