Chapter Fifty Two

17.2K 516 33
                                    

Chapter Fifty Two

Eliz

"NOW TELL me, hija. Ano bang nangyari sa inyong tatlo ng mga apo ko? Totoo ba ang lahat ng naging bintang ni Gael sa'yo? Anong relasyon mayroon kayo ng apo kong si Eros para isakripisyo niya nang gano'n ang posisyon niya sa pamilya na ito?"

Matapos naming magka-usap ni Gael ay dali-dali akong dumerecho dito sa library ng mansyon na siya ring nagsisilbing opisina ni Eros—o mas tamang sabihin na dating opisina niya?

Naka-upo ako sa isa sa mga bakanteng upuan dito sa may harapan ng mesa kung saan naman naka-upo at may nang-iimbestigang tingin ang matandang donya.

"Gusto kong magtapat ka sa akin ng buong katotohanan, Eliz," wika pa ni Abuela. "Higit sa ginawa ni Eros, pinaka-ayaw ko sa mga taong nagsisinungaling. Kaya papayuhan kita na magsabi ng buong katotohanan at saka ako magbibitaw ng sarili kong pasya kung ano ba ang dapat kong gawin sa'yo at sa kung ano mang nagawa mo sa dalawa kong apo."

Pinigilan ko ang sarili kong muling mapa-luha.

Maliban sa tuyong-tuyo na ang pakiramdam ko at tila wala na akong maiiyak pa, hindi ko rin gustong lumabas na tila nagpapa-awa sa harapan ng matandang ginang para lang paniwalaan niya ako.

Masyado nang malaki ang naging gulo na dinala ko sa pamilya na ito. Kaya ayoko nang makadagdag pa sa kasalukuyang problema sa pagbibigay ng dahilan kay Abuela na hindi magiging sinsero ang lahat ng mga sasabihin ko.

"Totoo po ang sinabi ni Gael tungkol sa nangyari sa gabi ng party niya, abuela—Mrs. Mondragon po pala," mabilis na pagtatama ko sa naging tawag ko rito. "Totoo po kung ano ang nakita ni Gael na naabutan niyang ginagawa namin ni Eros doon sa kwarto."

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Abuela sabay napa-sabi pa ito ng, "Que horror!" at ilang salitang Espanyol na hindi ko sigurado ang ibig sabihin pero pakiramdam ko na ang lahat ng iyon ay ekspresyon ng gulat.

"Eliz! Ni hindi ka na nahiya sa pagka-babae mo! Ikakasal ka na pero nagawa mo pang makipag-talik sa ibang lalaki? At sa araw pa ng kaarawan ng fiancé mo?" Nahihintakutang wika ni Ginang Katarina.

"Wala pong nangyari sa amin ni Eros nang gabi na iyon," sagot ko. "P-pero hindi ko po maika-kaila sa inyo na wala rin kaming hindi nagawa para hindi matukso sa temptasyon," namumula ang pisnging pag-amin ko.

"Anong naging dahilan mo para magawa ang bagay na iyon kung gano'n?" Tanong pa nito. "Dahil kung sasabihin mong tukso lang ang nagtulak sa'yo para mawala sa isip mo na nasa paligid lang si Gael, hindi ako maniniwala."

Mapait akong napa-ngiti sa sarili ko saka niyuko ang kanina pa magka-daop at nanginginig kong mga kamay sa nerbyos.

"I miss him... I miss him so much, Mrs. Mondragon," basag ang boses na pag-amin ko. "No'ng huli kong makita si Eros, nasa bingit kami pareho ng kamatayan. At nang makita ko siyang ligtas at walang galos sa harapan ko nang mga oras na iyon, wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi ang malaman kung totoo ba ang nakikita ng mga mata ko o niloloko lang ako ng imahinasyon ko."

Mas lalong humigpit ang kapit ko sa mga kamay ko habang pinipigilan ang sarili kong maiyak. Nagpapasalamat din ako kay Abuela dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na makapag-isip dahil na rin sa panandalian nitong paghinto para magtanong.

Pero maya-maya pa ay muli kong narinig ang boses niya, sa pagkakataon na ito ay wala nang halong interogosyon o panumumbat, sa halip ay napalitan iyon ng tila nakaka-unawang tono.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें