Chapter Thirty One

21.8K 656 65
                                    


Chapter Thirty One

Eliz

"FINALLY! I found you, Eliz!"

Para akong napako sa kinatatayuan ko nang bigla akong sugurin nang mahigpit na yakap ng lalaking tumawag sa pangalan ko matapos niyang banggitin ang mga salita na iyon.

Halos hindi ako makagalaw dahil sa pagkataranta at hindi ko rin malaman kung ano bang mas tama kong gawin lalo pa't nararamdaman ko na sa balikat ko ang mga luha na pumapatak mula sa mata ng lalaki na 'to.

"Where have you been? Alam mo ba na halos mamatay at mabaliw na ako kakahanap sa'yo?" wika pa ng lalaki matapos niya akong bitawan at bahagyang ilayo sa kanya at hindi na nito alintana kung nakikita ko siyang umiiyak sa harapan ko ngayon. "I thought I have lost you! I thought your—"

"What is going on here?"

Mabilis kong naitulak palayo ang lalaking may hawak sa akin saka napatakbo papunta kay Eros na naglalakad papunta sa direksyon namin ng estranghero na iyon at nagtago sa likod nito.

"What are you doing to my guest, Gael?"

Teka! Gael? Siya si Gael Mondragon?! hindi makapaniwalang sa isip ko saka napatingin nang maayos sa mukha ng lalaki na iyon.

Halos magkasing-tangkad lang sila ni Eros. Lamang lang siguro ng ilang sentimetro si Eros sa kanya. Mayroon itong light brown na buhok na kasalukuyang wala sa ayos dala na rin siguro ng malakas na hangin sa paligid ng isla. May bahagya rin itong kapayatan gaya nang una kong masilayan ang likuran niya doon sa isa pang mansyon. Ngunit maganda pa rin ang postura at hubog ng katawan nito base na rin sa polong nakahapit sa katawan nito.

Napansin ko rin kanina ang kulay tsokolate nitong mga mata, matangos na ilong at magandang facial structure na p'wede mong ipagkamali sa mga modelong makikita mo sa sikat na magazine. Suma-total, napaka-among tingnan ng mukha nito sa kabila ng nanlalalim nitong mata dahil na rin siguro sa kawalan ng tulog. Ibang-iba sa mukha ni Eros na aakalain mong lagi na lang masama ang timpla ng araw.

"Guest? So, all this time tinatago mo siya mula sa akin?" nakita ko ang biglang pagdikit ng mga kilay ni Gael at pagtalim ng mga tingin nito sa direksyon ni Eros.

"What are you talking about?"

"That's Eliz! My fiancée," may diin ang bawat salita na binitawan nito.

Parang nawalan ng kulay ang buong mukha ko dahil sa gulat sa narinig ko.

Fiancée? Paano akong naging fiancée ni Gael? Anong nangyayari? Nagbibiro ba siya? Lasing na naman ba siya? Nasa matino ba siyang katinuan? Hindi kaya naipagkakamali niya lang ako sa kakilala niya? Ilan lang 'to sa mga tanong na gumugulo sa isip ko ngayon.

"Halika na, Eliz," natilihan ako nang makita na nasa harapan ko na ulit si Gael saka niya kinuha ang isang kamay ko at bahagya iyong hinila. "Marami tayong dapat pag-usapan," dugtong pa nito saka ko nakita ang muling pag-amo ng mukha nito bago niya ako binigyan ng maamong ngiti.

"Sandali lang..." litong sabi ko pero hindi ko naman nagawang pigilan si Gael na hilain ako palayo kay Eros dahil pakiramdam ko ay bigla na lang nawalan ng lakas ang buong katawan ko.

Napatingin ako sa mukha ni Eros para sana makiusap at humingi ng tulong na pigilan niya ang pinsan niya sa kabaliwan nito at ipaliwanag sa akin ang nangyayari.

Pero maging si Eros ay may nanlalaking mata at tila hindi rin makapasok sa utak nito ang mga sinabi ng kasama namin ngayon.

"Eros—"

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon