Chapter Thirty Seven

21.5K 631 81
                                    


Chapter Thirty Seven

Eliz

MATAPOS NANG naging pag-uusap namin na iyon ni Eros, halos lunurin ko na ang sarili ko sa pag-iyak buong magdamag, pinipilit na kimkimin ang mga hikbi at luha ko sa sarili dahil alam kong nasa kabilang kwarto lang si Gael at ayokong malaman niya na umiiyak ako—mas lalo ang magkaroon ng hinala na ang posibleng may dahilan ng pag-iyak ko ay ang pinsan niyang si Eros.

Mababakas sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala nang makita na namumula ang mga mata ko nang bumalik ako sa hapag-kainan kahapon. Kaya laking pasasalamat ko na lang nang hindi na siya nagtanong pa kahit pa nagdahilan at nagsinungaling ako sa dahilan ng pamumula ng mga mata ko.

Pero alam ko na hindi sa lahat ng oras ay tatalab ang pagsisinungaling ko kay Gael. May pakiramdam na nga ako na nagsisimula na siyang magtaka sa mga kinikilos ko lalo pa kapag nasa harapan ko o namin si Eros. At sa tingin ko ay pinipili na lang din niyang sarilin ang mga tanong sa loob-loob niya at dahil na rin sa siguro'y nag-aalala rin ito sa magiging epekto ng pagtatanong niya sa kalagayan ko.

Alam ko sa sarili ko na mali ang ginagawa ko. Na walang kakahinatnang maganda ang mga desisyon ko lalo pa't nandito na ako ngayon sa puder ni Gael at hindi lang ang tiwala niya ang p'wede kong masira kundi ang magandang relasyon niya kay Eros o kahit sa buong pamilya niya.

Pero kahit ilang beses kong sawayin ang sarili ko, kahit ilang beses kong ituro sa isip ko kung ano ang mas tama at dapat niyang gawin, hindi pa rin maiwasang masaktan ng puso ko sa tuwing maiisip ko iyong mga salitang binitawan ni Eros at doon sa katotohanan na hindi na ulit magku-krus ang landas naming dalawa oras na makaalis na kami sa isla.

Alam kong na kay Gael lang dapat ang atensyon ko. Na si Gael lang dapat ang iniisip ko at pinaglalaanan ng oras. Na dapat nagpo-pokus ako sa pagpapagaling para makabalik na ang mga alaala ko at nang makabalik na sa normal ang relasyon namin.

Pero duda ako na wala nang normal ang babalik pa sa dati. Nasa tingin ko, kahit pa manumbalik ang mga nawalang alaala ko, hindi pa rin no'ng maalis ang kasalanang nagawa ko sa kanya, kay Eros at higit sa sarili ko dahil sa pagkakaroon ng hindi mapangalanang atraksyon sa taong hindi ko dapat magustuhan.

Do I love Eros? I don't know.

Do I'm starting to have feelings for him? I don't know.

Ang malinaw lang sa akin ngayon ay ang sakit na nararamdaman ko, ang hindi ko magawang pag-alis ng mga alaala niya sa isip, katawan at puso ko, maging iyong konsensya na ang lahat ng nararamdaman kong ito ay bawal at hindi dapat nangyayari noong una pa lang.

Why can't you remember Gael, Eliz?

Bakit hirap na hirap alalahanin ng puso ko iyong taong dapat ay kilalang-kilala ko? Na dapat ang siya lang gumugulo sa isip ko?

Na dapat siya lang nagugustuhan ko.


"I'M SORRY, babe. Pero mukhang hindi muna tayo makakaalis sa isla."

Matapos ang isang araw na pagtatago ko kay Gael at pagsasabing gusto ko munang mapag-isa sa loob ng kwarto, nang masiguro kong hindi na namumugto ang mga mata ko, ay kinausap ko siya at pinilit na mauna na kami pabalik sa Maynila at doon na lang hintayin ang pagbabalik ni Reigan.

Pero ngayong umaga, sinalubong ako ng masamang balita ni Gael kasabay ng makulimlim na panahon at simoy na hangi na nagbabadya ng malakas na patak na ulan.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon